Dun sa malaking bahay ng mama ng tatay ng anak ko ngayon nakatira ang sister ko dahil wala nang taong nakatira. Lahat sila ay nasa ibang bansa na at dun naninirahan. Meron lang silang kapamilya na naiwan dun na matanda na, si nanay. Meron po siyang deperensiya sa pandinig at habang nag-uusap kayo eh kelangan niyong magsiwan para marinig ka niya at isa siyang cute ngongo. Naka-ilang bili na sa kanya ng hearing aid pero nawawala niya, kung saan niya nilalagay di niya maalala. May katandaan na kase pero ok lang mahal namin siya at lalo na yung sister ko na kasama niya sa bahay. Ang sis ko eh may anak na pitong taon, babae, matalino at madaldal na may sense.
Sa mga huling araw pala na nagdaan, yung kapitbahay nila nila retired judge eh laging nakikinig sa kanilang usapang pasigaw at ang gusto niyang pinakikinggan eh ung pamangkin ko. Isang hapon, itong si mamang judge na ang hobby eh mag-alaga ng pansabong na mga manok na laging pinapainitan ba yun sa harap ng gate nila eh di na makatiis at gustong makausap ang pamangkin ko na tawagin nating Unie.
Uncle Judge: neng, (nasa balkonahe si Unie kasama ang isang kasambahay at si Lola at ang nanay ni Unie eh nasa loob) alam mo ang daldal mo, gustong-gusto kitang bilhin! magkano ka ba? kahit mahal ka bibilhin kita para may makausap ako.
Tana, eh di bumili ka ng parrot uy! Kala mo sa pamangkin ko ibon? Pakyu! Pero wait, pakinggan ang sagot ni Unie.
Unie: excuuuuuse me! hindi ako binebenta ng mama ko! duh! (“duh” expression ng mga bata sa bahay)
Humalagpas sa kakatawa si Uncle Judge sa nagong sagit ni Unie.
Unie: kung gusto mo bilhin mo yun oh! wag ako! bente pesos lang halaga niyan (habang tinuturo si Lola ngongo)
Tawa na naman itong si Uncle. Lumabas ang nanay ni Unie at tawa ng tawa dahil kilala nga din niya itong si Uncle Judge na karespe-respeto din at nagbibiro lang.
Uncle Judge: O sige bibilhin ko yan, bente. Pagkatapos sisilaban ko siya ha?!
Unie: huy, tao yan hindi manok!
Niyahaha! Maluha-luha si Uncle sa kakatawa at umuwi sa bahay na nakangiti.
Comments