Mahirap mag-isa sa ibang bansa. Di ko alam kung saan talaga ako kumukuha ng tiyaga at lakas para manatili dito para magtrabaho malayo sa pamilya. Di ako senti ngayon, sa katanuyan eh, medyo inspired ako dahil sa aking nararating, kahit di ito ang pangarap ko maging nung grade 1 ako, kahit hindi ito ang trabahong sini-share ko sa mga kaklase ko at teacher ko, still I am proud of who am I, where I am, and what I’ve done, sa family ko, sa mga kapatid ko, sa kapwa ko, sa lahat ng natulungan ko, sa mga milyones na na donate ko sa mga perang napautang ko na di na nabayaran.
Aksidente kong nakita itong videong ito ni Julia Stiles sa youtube at kahit matagal ko nang napanood din ito sa sinehan eh di pa rin ako nagasasawa hanggang ngayon. Minsan sabi ko pa sa sarili ko, paparaktisin ko itong sayaw na ito hangga’t matuto ako nito. Hanep, astig, gusto ko lang ang moves niya. Di naman ako masyadong ambisyosa di ba? Di ba? Wahehehe…
Watch this..
Comments