To cut or not to cut

Tingnan ang aking larawan sa sidebar —– >>

Medyo matagal na akong ganyan ang style ng buhok at gupit ko kaya naisipan kong magpalit ng style para naman di maging boring ang life at sa mga katulad kong medyo nagkakaedad na ng konti tsk. Naisipan ko lang na subukang itulad ang estilo ng buhok ng kebigan kong si Victoria Beckham, kase naibanggit niya sa akin kanina na mukhang babagay din daw sa akin kung susundin ko ang hairstyle niyang ito:

So basically, gupit at highlights ang kelangan ng lola. Ang gupit na ito eh naranasan ko na rin ng siguro mga tatlong taon hanggang tuluyang humaba na ang hair ko. Pero ang highlights errmm di ko pa  naranasan kase noon medyo di ko feel. Pero now I am willing to face the challenge! Lol.  In short, i really love this hairstyle and I want it!!!!!  😀

Need your help guys, isang linggo na lang kase balak ko sa susunod na linggo kelangan ko na magpunta na manggugupit at naaalibadbaran na ako sa buhok coz it really needs a total make over! (arte)

Gupit at highlights? Pindot na!

Advertisements

Thinking ‘Bout You

Pinapakilala ko sa inyo ang bago kong pinagnanasahan.

Gusto ko siya.

Hanggang pangarap ka na lang ba? 😦

Buzz Boy

bangag o trip lang? tsk.

Pasa

Nang dahil na-excite ako sa tatlong araw na hihilata sa bahay kase walang pasok dahil Eid (muslim holiday), wala akong pinlano. lol. Ang balak ko eh humilata lang talaga kase na-miss ko na ang magbigay sa sarili ko ng quality time para naman magawa ko ang gusto kong gawin. Mangalikot ng kung anu-ano.

Sa unang araw wala talaga akong ginawa, pangalawang araw nagtawag ang dalawa kong girl friends at nagyayang lumabas at pumunta ng bar. Maayos na bar na walang mga asungot, walang mga bastos kumbaga maganda ang crowd. At dahil kasama naman namin ang asawa ng isa kong girl friend kampante ako na kahit uminom hangga’t mahilo. Hmm, it’s been years since di ako nag ganito sa sarili ko. Hokey, at since masaya ang moment na yun napainom ako ng 3 strawberry daiquiri (na nagtutubig dahil sa dami ng alcohol na nilagay ng barman na pinoy) at dalawang shots ng tequila (na halos double shot na at pinuno ang sherry glass).

At dahil dito nalaman ko na tumatanda na talaga ako dahil nahilo ako lol. Di na kaya ng powers ko! Kinabukasan naghanap ako ng bulalo lol. Punta naman kami sa Philippine Haus na walking distance mula bahay. Tapos nagkape tsk. Hirap ng hung ober.

Nang dahil nagbitbit ako ng mabigat na bag ng pinsan ko gamit ang balikat ko, at dahil parating na period ko, nung umuwi ako ng bahay eto napansin ko:

Pasa pasa ako huhu.. Sensitib talaga ang balat ng babae kapag magkakaroon o pag meron at meron pang klasmeyt na tagyawat sa balikat (yayks) tsk.