Ken Lee!

Buwahahahaha!

Watch this!!!!!

The Other Side Of Me 2

Ari naman ko wala mahimo.

Wala guid mahimo, pasensya na kamo, nagabinuang lang…

Amo lang ko ni kung kis-a kung mag-isa kag wala himoon. haha!

 

100_fuji1

Ang madaldal kong pamangkin

Dun sa malaking bahay ng mama ng tatay ng anak ko ngayon nakatira ang sister ko dahil wala nang taong nakatira. Lahat sila ay nasa ibang bansa na at dun naninirahan. Meron lang silang kapamilya na naiwan dun na matanda na, si nanay. Meron po siyang deperensiya sa pandinig at habang nag-uusap kayo eh kelangan niyong magsiwan para marinig ka niya at isa siyang cute ngongo. Naka-ilang bili na sa kanya ng hearing aid pero nawawala niya, kung saan niya nilalagay di niya maalala. May katandaan na kase pero ok lang mahal namin siya at lalo na yung sister ko na kasama niya sa bahay. Ang sis ko eh may anak na pitong taon, babae, matalino at madaldal na may sense.

Sa mga huling araw pala na nagdaan, yung kapitbahay nila nila retired judge eh laging nakikinig sa kanilang usapang pasigaw at ang gusto niyang pinakikinggan eh ung pamangkin ko. Isang hapon, itong si mamang judge na ang hobby eh mag-alaga ng pansabong na mga manok na laging pinapainitan ba yun sa harap ng gate nila eh di na makatiis at gustong makausap ang pamangkin ko na tawagin nating Unie.

Uncle Judge: neng, (nasa balkonahe si Unie kasama ang isang kasambahay at si Lola at ang nanay ni Unie eh nasa loob) alam mo ang daldal mo, gustong-gusto kitang bilhin! magkano ka ba? kahit mahal ka bibilhin kita para may makausap ako.

Tana, eh di bumili ka ng parrot uy! Kala mo sa pamangkin ko ibon? Pakyu! Pero wait, pakinggan ang sagot ni Unie.

Unie: excuuuuuse me! hindi ako binebenta ng mama ko! duh! (“duh” expression ng mga bata sa bahay)

Humalagpas sa kakatawa si Uncle Judge sa nagong sagit ni Unie.

Unie: kung gusto mo bilhin mo yun oh! wag ako! bente pesos lang halaga niyan (habang tinuturo si Lola ngongo)

Tawa na naman itong si Uncle. Lumabas ang nanay ni Unie at tawa ng tawa dahil kilala nga din niya itong si Uncle Judge na karespe-respeto din at nagbibiro lang.

Uncle Judge: O sige bibilhin ko yan, bente. Pagkatapos sisilaban ko siya ha?!

Unie: huy, tao yan hindi manok!

Niyahaha! Maluha-luha si Uncle sa kakatawa at umuwi sa bahay na nakangiti.

Paperless Toilet

Ibig mo bang makapagtipid sa tissue?

Eto na ang sagot! Daraaaaaaaaan!

Di lang po tipid sa tissue ang maging benepisyo natin dito. Meron din shempre mga iba pang bagay. Di ba? Enjoy! lol. 😆

Play With Your Mind

Please wait until the group changes positions.
Is it 12 or 13?
Don’t ask me! Wahehe!

12-or-13.gif

Tricky isn’t it?

Interesting Question

What would happen
If Earth starts rotating
30 times faster
Than it normally does?

 

Guess what?

 

Think…

 

 

 

More

Pinoy SMS Jokes

Praying for 10 Pesos

Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.
Pulubi: “Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako.”
Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: “Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain”.
Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: “Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas”.

More

Previous Older Entries