Happy Ending

Got a gift from him kanina! Yipeee! (medyo nagtampo kase ako kase di ako ginising ng maaga para mag-ayos sa kabilang bahay). I woke up past 8 pm na and it’s too late kase shempre the following day may work na naman ng maaga. Around 4pm sabi ko mag na-nap lang naman coz of a headache, di ako umiinom ng gamot at rest lang talaga nakakapawi nito. Deym paggising ko 8 na! Well, medyo, hindi naman ako galit but konting galit lang. Actually wala akong karapatang magalit dahil sabi niya ginising niya ako kaso mo I ignored him daw. Kahit di ko maalala na ginising niya ako pero I know kasalanan ko pa rin dahil alam ko na ugali ko yun. Pag ako tulog kase, gawin mo na lahat mong gawin wag na wag mo lang akong istorbohin. He knows that kaya siguro hinayaan lang ako. Naalala ko tuloy nung one year old pa lang daw ako sabi ng tatay ko, pinaputukan daw niya ang kuwarto ng lebintador dahil tulog na tulog ako at NY’s eve na. Ayun sa awa ni Lord tulog pa rin ang panganay niyang anak. Hehehe..

 

More

Advertisements

Tag Game: Workplace At Home

Matagal na itong na-itag sa akin pero ngayon ko lang nagawa. Pasensiya na po, busy lang sa work at tao lang naman.. hehe.. Kung di pa ako lilipat ng bahay di ko pa makuhanan ito tsk tsk.. Wala naman interesting dito kaso meron akong gustong i-share sa inyo.

dsc01955.jpg

Ito po ang set-up ng mga tamad. Hahaha! Joke. Nandiyan na lahat kase, walang tayuan. Nasa ibabaw naman ng tv ang hometheater na nasa taas lahat ng speaker kaya parang may lumilipad minsan na boses pagmahina ang tugtog lalo na pagpatay ang ilaw at nagpapaantok ako.

More

Poor Nails

 

Lately lang ako natutuong maging conscious sa aking mga kuko nung nagsimula akong bumili ng iba ibang kulay ng kyutiks (nail polish). Sa umpisa ay nakadisplay lang sila sa aking kuwarto at ang toe nails ko lang ang aking hilig na kulayan at least di masyadong kita ng mga peeps at matagal siyang masira o mawalan ng kyutiks dahil nga naka shoes naman ako lagi.

 

Unlike sa kamay laging ginagamit ang ating mga daliri sa kung anek anek. May maghugas ng pinggan, maglilinis ng bahay, magkuskos ng katawan habang naliligo, at lalo na maglaba. Dito sa labas ng bansa lahat kelangan ikaw ang gagawa. Kahit nga may sakit ka kelangan mong bumangon para ipaghanda ng pagkain ang sarili mo. Kahit nanginginig na ang katawan sa ginaw pagnilalagnat, kelangan pa rin tumayo at patayin ang ac, magsuot ng medyas at balutin ang katawan. Kung wish ko man uminom ng something hot, kelangan pa rin tumayo para ipagtimpla ang sarili. Buti na lang at minsan sa dalawang taon nangyayari sa akin ito. Thank God!

More

My Father, My Life

“Every father should remember that one day his child will follow his example…”

 

I remember what my father had said to me when I got pregnant. Di ko na sana tapusin ang aking pag-aaral dahil feeling ko my future has ended on that very moment. I know that feeling is stupidity but because I was still so young that time (i was 18), di pa ako masyadong mulat sa totoong takbo ng buhay. Di ako lumalabas ng bahay for one week, that means absent ako sa school ng 5 days and the following week ay exams na. Kinausap ako ng papa ko sa loob ng kuwarto. Nilabas ang lahat ng sama ng loob sa akin, first time kaming nag-usap ng ganun, dahil before nangyari ito ay masunurin at mabait naman akong daughter. Kaya siguro ganun na lang ka down ang papa ko. He shared to me his life experiences, how difficult his college days were. Isang propesyonal na dentista ang tatay ko all because of his own hardships and independence. Naging working student siya from high school until college. Ang tanging pera lang niya paluwas ng probinsya para mag-aral ay pamasahe, the rest niyang gastusin ay bahala na sa sariling diskarte niya. I was crying as in really crying but I absorbed everything he said. Maswerte pa kami at may baon pang meryende papunta sa school, di iniisip ang magiging tuition fee, nakakasama sa mga field trips, school activities, etc..

 

More

HS Days

Oh well, naalala ko ang high school days ko sa province dahil nakita ko picture ng friends ng aking bunsing kapatid sa friendster niya. College na siya ngayon pero may mga pics and barkada niya siguro high school days pa lang.

Isang incident na di ko makalimutan yung tumakas kami sa afternoon class namin at pumunta sa house ng isa sa mga kaklase namin na malapit sa isang “suba” (river). On the way sa lugar nila ang sinakyan namin ay yung parang manmade na tren na maliit that can accommodate 4 passengers only na ang gulong niya na nakapatong sa riles ng tren at kelangan may taga-tulak para bumilis ang takbo. Di ko talaga alam kung ano tawag dun pero I suppose nakikita niyo na yun sa mga bahay tabi ng riles ng tren waaa! Magkabilaang side ng riles ay tubuhan na (sugarcane, hacienda) kase dun sila sa loob mismo ng VMC (Victorias Milling Company: nagpoproduce ng kalamay o asukal in tagalog). Uy nakakatakot lalo na first time mong punta sa ganyang lugar. Feeling mo may aswang kahit sa hapon waaa..

More

My Neighbor Chihuahua

I went to my new place this evening and checked the surrounding. Ok naman at least wala na akong probs this time kase mahirap pagnag-upa ng sariling bahay daming alalahanin. The best thing in the location is walking distance to the 3 famous Filipino restaurants, yung Oriental Korner na matagal nang kilalang masasarap ang luto from daing na bangus to bulalo and sinigang na baka (my fave) and not to mention the leche flan ang biko for deserts. Going out from the building to my right 3 buildings away is the Philippines Haus na harap ng Al Maha Rotana Hotels and Towers where they do the cafeteria style of food service kaya this is good for people who are really hungry na and in a hurry and cheap too! Yung bagong bukas na ChowKing! A block away from my place! Hehe.. Bar’s overlooking from my window (Sands Hotel).. Look lang, di go hehe..

More

Shifting My Place

Iniisip ko pa lang kung pano ako maglipat ng bahay kung maraming gamit na ililipat huhuhu… Di naman kase uso ang bayanihan dito lols. Wish ko lang may mga kasama ako sa work na walang pasok sa araw ng aking paglilipat at matulungan ako. Pero malabo kung titignan mo kase lahat ng tao dito eh busy sa kanya-kanyang work. Hays.

More

Previous Older Entries