Day Off

Hello world! hehe..

Araw ng biryernes, araw na walang pasok ng mga katulong kaya wala akong pasok ngayon. Ang saya. Wala akong pinlanong gawin sa araw na ito kaya magdamag akong paikot-ikot sa kuwarto ko na parang bilanggo.

Alas kuwatro na ng hapon di pa ako naliligo, di pa kumakain ng lunch (breakfast lang at hotdog kinain ko hihi..). Sumakit ang ulo ko nung hapon, yung sa may bandang left eye ko na parang malalaglag ang mata ko at parang sinusundot ang utak ko sa kalahating parte ng ulo ko. Ang sakit talaga. Di ko man lang naisip na uminom ng gamot o pumunta ng ospital.

Nahiga lang ako at pumikit. Paikot-ikot at tingin sa kisame, hinilot ang ulo ko. Bigla akong nakaramdam ng hapdi ng sikmura. Shet. Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon?

Bigla ko rin naamoy sarili ko. Oo nga pala di pa ako naliligo mula kagabi. Yaaak!

Kaya di ako naligo, kaya di ako kumain, kaya di ako lumabas ng kuwarto kase sa araw-araw na lang ba kelangan maligo, lumabas ng kuwarto at kumain?

(Bukas may pasok na naman kelangan na naman maligo, kumain at lumabas ng kuwarto leche!)

Journey In UAE Papers

Wow! Ito lang masabi ko! Astig tong mga idol ko hehe. Umabot na ang kasikatan ng Journey dito sa UAE. Kala ko kase di umabot sa madlang pipol dito ang kasikatan nila. lols.

Hmm, “welcome back” to me pala! 😆

Halos isang buwan din akong di naguupdate nitong naabandon ko ng blog. Buhat kase nung nag-iba ako ng trabaho, medyo wala ng oras para mag-isip pagdating sa bahay. Kumbaga simot na ang pag-iisip ko sa trabaho pa lang. Mahirap kase yung konti lang ang utak mabilis maubos. 😀

Howel, how are you guys?! Miss you all na. 😦

Back to Journey ulit.. Hehe.. Last month pala, I got a copy of their album “Revelation!” di ba ang astig?! Eh wala kaya nito dito sa UAE at straight from US of A pa iteechh! Ganda ko ano?! Of course, nakakatindig balahibo kase ang mga kanta nila, especially the 11 new songs which Arnel sung. Not to mention na ang mga lumang hits nila eh di kapanipaniwalang si Arnel ang kumakanta. Get yourself a copy of this! Kung saan, di ko alam lols.

Source: Khaleej Times Monday, 04th August 2008