Michelle Phan Vs Banana

Idol na idol ko si Michelle Phan, isang Vietnamese American artist na upload ng mga make up tutorials sa youtube. Bukod sa alam niya ang kanyang ginagawa, mahusay magpinta ng mukha lalo na sa mata, isa siyang Asian at hindi nagkakalayo ang facial features nating mga Pinays kaya bagay sa atin ang kanyang style ng make-up. Kung bakit ako nagka-ineteres sa make up tutorials ay dahil sa araw-araw akong pumapasok sa trabaho eh minsan maganda pag may naiba sa yung daily routine, di lang iisang style o kulay ng make up dapat. Girlalu ako at gusto kong magkaroon ng variance sa aking make up style. lol. True yan, para naman pag nakita ako ng crush ko eh, kahit papano naghahangad din akong mapansin “niya”. Ahihi. It is healthy to stay pretty and young! Lalo na sa edad ko, kelangan magmaintain ng youthness in me. lol.

Walang pasok ngayon, nasa kuwarto lang ako. By this time tapos na ako maglinis at maglaba. Ligo na lang kulang. Pero bago maligo, humarap muna ako sa salamin at nagbunot ng kilay nung pumasok sa utak ko na “why not play with my eyeshadows, eyeliners and mascaras! Game naman aketch! Kung si Michelle eh nagvivideo, ako naman eh picture lang ng before and after. Eto na po.

Before:

Maayos naman ang takbo ng aking pagsusunod ng basic make up tutorial ni amiga Michelle.

After:

Pang normal lang na eyeshadow, yun bang lalabas ka ng bahay at punta ng mall o konting gala sa siyudad. Di po ako makakalabas ng walang kilay at eyeliner na pampalaki ng mata kase mukha akong chekwa pag ganun tsk..

… at dahil gusto kong subukan ang kanyang smoky eyes tutorial, nagdagdag ako ng dark colored eyeshadow. Gusto ko ito sa gabi, pag girl’s night out. Ngunit subalit di ako sanay magtingin sa sarili ko na dark ang eyeshadow. At nung nagpipinta na ako ng liquid eyeliner sa mata ko, sumobra naman at sa kakahabol ko ng guhit lumalaki at kumakapal na ang eyeliner ko! biglang naisip ko na lang na pinturahan ang mata ko na matatawag mo na “art”. lol.

At ito ang kinalabasan.

Hehe.. Ayokong nabibitin ako, at lalong ayokong tumitigil habang nasa kalagitnaan ako ng kahit ano. Sinimulan ko, tatapusin ko. Gusto kong makaraos. Ayoko ng bitin. And so I did with the other eye.

Nakuntento naman ako nung tinapos ko. Pero pagkatapos may naglaro sa isip ko. Ito naman eh kabaliwan na. Lintek na Michelle na to haha! Piktyur piktyur, isa, dalawa… ang pangatlo… Babala lang po..

PG 21. This can be very very disturbing. Here’s the third.

21 Comments (+add yours?)

  1. Geisha
    May 24, 2008 @ 02:45:27

    bruha sa akin ka magpaturo!😀 hehehe

    tag kita sa latest post ko ha! am sure keri mong mag pose nun!


    *napalunok* (sa tag ni ate gei)

    waaaa! joke lang ate haha! di ko pa keri!! lols..😆

    Reply

  2. Geisha
    May 24, 2008 @ 02:46:33

    sadaku ikaw ba yan?😆

    Reply

  3. Geisha
    May 24, 2008 @ 02:55:40

    ahh hindi joke yun… totohanin mo.. cge na hehehe😆


    minsan ko ng ginawa yan, nung bday ni jon, tapos ginamit ng bro ko ang pc ko at nakita niya ang pic. ang lagkit ng tingin sa akin… tuluyan ko nang dinelete lahat at di na ako uulit pa haha! 😆

    pero bigyan mo ako ng panahon… pagbibigyan kita. ikaw lang! lol.

    Reply

  4. defpotec
    May 24, 2008 @ 08:46:54

    “minsan ko ng ginawa yan, nung bday ni jon, tapos ginamit ng bro ko ang pc ko at nakita niya ang pic. ang lagkit ng tingin sa akin… tuluyan ko nang dinelete lahat at di na ako uulit pa haha!”

    -masakit ang dumudurugong puso…

    mahal kita kuya gah, ikaw lang. wala nang eba.😆

    Reply

  5. defpotec
    May 24, 2008 @ 08:48:22

    pahabol.. nagulat ako sa mga peeks mo ga, grabe, tamang tama kagabi naaalimpungatan pa naman ako mga 230..nagising kalagitnaan ng tolog…di makatolog uli, parang may umiistorbo sa katabi… pinagpawisan… and then… ZZZzzzzZZZzzz…

    my apologies kuya gah, I don’t mean to scare you last nite…😦 i will make it up to you soon…pramis. im gonna send you some nice peeks… para di ka tuluyang makatulog…lols..

    Reply

  6. aKDa
    May 24, 2008 @ 15:14:36

    haha! nakakatuwa! parang nag-cosplay lang. kakaiba nga lang. ^_^ maganda naman ung after, i mean, ung unang after. ung mga susunod na after, kakaiba nga lang, pero art naman.. sabi mo nga. hehehehe.
    ————–

    “kakaiba nga lang, pero art naman.. sabi mo nga. hehehehe.”


    haha! salamat at pinagbigyan mo kabaliwan ko lols.

    Reply

  7. Lyzius
    May 24, 2008 @ 16:57:21

    kapatid parang mata lang ng mga araba yan…ahahaha..pero at least sayo mukhang sadaku lang, eh sa kanila mukha silang aswang…


    yung ginuhit ko sa mata ko eh actually inspired by Arab ladies’ eye make up style yan. kaso mo, nasobrahan at nahaluan ng hallucination kaya naging sadaku.😆

    Reply

  8. dhez
    May 25, 2008 @ 16:12:31

    matingan nga yan c michelle phan na yan.. infairness art nga na matatawag.. takot ako e… nyahahaha…


    at in fairness din sa mga pics ko, kahit ako ayaw kong tingan pag patay na ilaw sa kuwarto ko bago matulog!😦

    Reply

  9. sommer
    May 25, 2008 @ 16:19:29

    lola, grabe nablokot nmn ako sa 3rd pix mo.nyahahha! ganda na nung una.;p kaya nga blokot ako pag me nakakasalubong akong mga araba at ibang lebanese na sobra magmakeup.nyahaha! in fairness, gagayahin ko nga din make up style ni michelle.=)

    yes! may na influence din ako paggaya kay michelle phan hehe…

    Reply

  10. gasti
    May 26, 2008 @ 09:23:53

    haha! grabe naman yung third pic..katakot! ayos na sana nung una eh pwede na kya lang masama talaga pag nasosobrahan.


    honga kuya gastee. pero at least nakita niyo na ang “the other side of me!” niyahaha!

    Reply

  11. apollo
    May 26, 2008 @ 12:52:16

    nyahaha! galing ng trip mo. natawa ako mag-isa dito sa cube ko pagkakita ko ng 3rd pic mo.


    bless my soul for i made you laugh. hihi! pero sa susunod dahan dahan lang sa pagtawa ha baka mapagkamalan kang.. u know lols. salamat sa pagdaan apollo!😆

    Reply

  12. taroogs
    May 26, 2008 @ 13:32:34

    aaaay!!! si sadako!!! takboooo🙂

    😦

    Reply

  13. Aling Baby
    May 27, 2008 @ 00:23:11

    wahehehehe… nagparang si sadako ka ah!!

    na-disturb talaga ako.😀

    ok na ko dun sa basic, pero yung pangalawa malamang magamit ko yan sa halloween.😀


    sori po at natakot kayo haha! pero nagbigay sa akin yan ng idea na maging tema ng aming staff party sa susunod na taon eh “haunted”. ewan ko kung magkakakilanlan pa kami tsk…

    Reply

  14. koreanmine
    May 27, 2008 @ 12:45:11

    pde ka ng kuhaing make up artist ng mga korean horror films😀


    sideline?! ayus!😆

    Reply

  15. kengkay
    May 27, 2008 @ 14:43:17

    ngek, hahahaha.


    bagay?!

    Reply

  16. neex
    May 27, 2008 @ 18:54:05

    ate, di nyo na po kelangan mag make up. maganda na po kayo. charing! lols. pero maganda nga yung art dun sa unang pic🙂


    salamat sa pagbisita!

    “ate”… salamt ulit!😆

    Reply

  17. MisyeL
    May 28, 2008 @ 13:17:46

    ayos ka din magtrip ahh, hahaha! kakatuwa mga kuha mo lalo na yung sadako look nyahahaha! pero galing ng pagkagawa mo sa eyes mo dun sa basic. tamang-tama itong tutorial ni michelle phan, magagamit ko sa sat hehe. thanks for sharing ms annie!🙂


    your welcome sissy missy! am glad u liked it!

    😀

    Reply

  18. popoy
    May 29, 2008 @ 09:58:14

    natakot ako sa picture 1 pa lang hahaha piz!!!


    ganun?😦

    Reply

  19. sommer
    Jun 03, 2008 @ 15:27:52

    …lola, grabe naadik na ko ke michelle…every morning pumapasok ako na smoky eyes ang eye do ko.heheheh! tnx!

    wahaha! now at least di na ako nag-iisa dito! lols. alam mo ba na dahil sa kaadikan ko jan eh unti unti kong binibili ang mga iba-iba klaseng eyebrushes na gamit niya. mapa-color ng eyeshadow like ko rin haha! ay pero may pagkamahal kaya ng brushes kaya isa isa ko lang binibili. lols. and isang set kaya dhs. 250 waaaaaa! pero malapait ko na silang makumpleto yey! 😆

    Reply

  20. Trackback: Parteeh «
  21. Donna
    May 14, 2009 @ 15:55:44

    haha. ayos ka annie! galing ng sense of humor mo. nakakatuwa naman yang pinag gagawa mo. natakot ako at di makatulog. naligaw lang ako d2 sa site mo. i was actually searching for michelle phan profile . wala ako makita eh,.. heehee. could you provide me if you have? just like you avid fan din ako ni MP. ang galing nia! may resemblance din kau ng unti esp sa mata.
    nakaka addict panoorin ng mga videos nia. ka facebook ko na rin xa, feeling ko andami na nyang pera kc dami na subscriber nia. hehe. email me at voluptuous@37.com. salamat langga. =)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: