Added A Spice, Thanks To The Lord

Everyone knows it isn’t easy to be far from home. I am just so thankful to my brothers and here they are to understand how life is treating me here in the past.

Today I got a sort of “lil’ hope”. Hmm.. I’ll be more specific when things’ll be straighten out well. See, all these months of being so down and low, sometimes I could even feel the burden multiplying so fast climbing up on my shoulders day by day. If not because of the Lord and trust in myself, I’ll see myself back home (Pinas).

More than a decade of journey alone, it feels great to be rewarded with something like this! Like what?! Labo ba? Hehe.. Matuloy man o hindi, at least, may pag-asa ako. Ano nga yun?! Hmp, basta secret muna. Pero masayang-masaya ako today. Excited, grateful at the same time kinakabahan, coz it will be a huge challenge! And I love it!

***

Above all, challenge yourself. You may well surprise yourself at what strengths you have, what you can accomplish.

–Cecile M. Springer

Accept the challenges so that you can feel the exhilaration of victory.

–Gen. George S. Patton

I have always grown from my problems and challenges, from the things that don’t work out, that’s when I’ve really learned.

–Carol Burnett

My Weekend

Day off naming tatlo ngayon ika nga nung tumawag kami kanina sa Pinas. Hehe.. Day off naming dalawang magkapatid, yung isa nakikiday off rin, palibhasa araw-araw off siya kase di pa nag umpisa ng work. Hopefully soon… soonest time, wala na eh, kelangan enrollment na! Lols.

Wala kaming magawang tatlo kundi maglakad ng maglakad palibot dito sa area ng tinitirhan namin sa Electra. Maaga gumising si Frans (2nd bro) kase nagluto sila sa bahay nila para sa birthday ng housemate nila at nagpunta sa park na malapit lang din sa bahay. Si Toy (1st bro next to me) naiwan lang sa bahay dahil pagod. Nagpahinga lang buong maghapon. Dahil nagkasakit nga ako yesterday, di ako makakain ng mabigat. No meat daw. huhu.. Kaya buong araw akong lugaw diet. Nung dinner time nagutom na talaga ako. Niyaya ko silang kumain sa Oriental Korner (famous Filipino resto na walking distance lang din sa bahay).

Pagkatapos ikot-ikot kaming tatlo kahit saan, tingin tingin sa maliliit na shops, kase mahirap ng magpunta ng malls kapag weekends masyadong crowded and we hate it. We prefer na lang sa area namin kase malulula ka rin sa mga shops sa area na to. Napadaan kami sa AUH cooperative society, nakita ni Toy ang slippers na katulad sa binili niya. Nakakita siya ng favourite ko na kulay, at binili niya ako! Yey! Ang cute cute talaga! Ewan ko basta ako hilig ko mga sandals and slippers, lalo na ngayon mag sa-summer, naku bagay! At wag ka, 10 dirhams lang hehehe… Ito lang naman ang nabili niya for me. 😆

More

Hinay-hinay Lang Po

Hays, i love life! Lols. Life na mahirap, life na unpredictable, life that is challenging!

Still nasa stage pa kaming magkakapatid na naghihintay ng “maging” kapalaran ni bro frans. So far things are turning out positively coz his employment visa is soon going to be processed. He can make decisions now on his own, and of course with our guidance. In few days time, hopefully, we will have the final answer.

Two days back, mom called me with tears in her eyes telling me that she might undergo surgery because of her swelling ovary. She is bleeding for one week now, I don’t know how to explain this but I just hope she will be ok. My father suggested to get the second opinion of another ob, and if they have the same results and findings, Sunday or Monday will be the right time for her to be admitted to the hospital. I pray for you mom, do not shed tears, that is not what we need, we need you to be strong! We can make it! God is with us.

The night after my mom called, when I reach home, in my room, I cried and cried until I got tired, put myself to sleep eventually. I woke up with my eyes so sore and red. I felt so sick, feeling like throwing up and my stomach is acting up so terribly. From that time until the following day, my gastro enteritis is attacking me again. Yesterday evening it forced me to bring myself to the nearest hospital for it had weakened me. The doctor gave me 4 medicines to take for 5 days. So far, I am on a soft diet, meaning, lugaw, skyflakes, lugaw and lugaw and lots of liquid!

I will be facing a new challenge at work, but my boss is leaving soon. I am just thinking who will support me with the new task? Mahirap. Mahirap pag nasa environment ka ng di mo kilala kung sino ang totoong tao. Pagnasa isang sitwasyon ka na gusto mong matuto pero walang tutulong sayo. Self learning, yes I can, pero ang mali dito, pagmay mali ka, it will be a big deal. Pagmay nagawa kang outstanding, everyone is blind! Nice di ba? Kaya good luck to me..

Thinking of my situation, I cannot help but think of my family. When will this battle end? I am sure it won’t. But I told God, “hinay-hinay lang po, isa-isa lang, kakayanin ko naman lahat ito, wag lang sabay-sabay. at wag lang akong magkasakit…”

Today’s Quotes

For every minute you are angry, you lose sixty seconds of happiness.–Ralph Waldo Emerson

Always hold your head up, but be careful to keep your nose at a friendly level.–Max L. Forman

Borrow trouble for yourself, if that’s your nature, but don’t lend it to your neighbours.–Rudyand Kipling

Make a game of finding something positive in every situation. Ninety-five percent of your emotions are determined by how you interpret events to yourself.–Brian Tracey

Never look down on anybody unless you’re helping them up.–Jesse Jackson

No one else “makes us angry.” We make ourselves angry when we surrender control of our attitude. What someone else may have done is irrelevant. We choose, not they. They merely put our attitude to a test.–Jim Rohn

Paki-alam Ko Sa Yo!

Minsan akala mo ok na kayo ng isang tao. Although may pinagsamahan kayo, kahit minsan akala mo part na sila ng family, pero minsan ang hirap nilang pakisamahan.

May mga tao talaga na akala nila lagi silang tama, lagi silang nasa ibabaw, akala nila sila lagi ang mapalad at maswerte sa buhay na feeling nila laging kang nakabuntot sa kanila para humingi ng tulong. Akala nila kelangan mo sila para umangat ka sa buhay.

Konting hingi ng tulong eh akala nila napakalaki na ng nagawa nila sa buhay mo. Feeling nila you are nothing without them. Pag may tinulong naman ang daming satsat. Parang ang laki na ng utang na loob mo sa kanila. Feeling mo 100 years mong pagbabayaran sa kanila ang nagawa sayo. Bakit kaya di na lang silang kusang loob na tumulong sa taong nangangailangan where in fact hindi naman ibang tao yun. Di naman taga Mars ang taong tutulungan nila. Ang dami pang kondisyones! Ang daming satsat! Buwisit!

Meron namang ibang tao, na di mo kaanu-ano na willing tumulong na kahit toothpaste nila eh ibibigay na lang sayo para may magamit ka. Yung tipong susunduin ka pa sa airport pagdating mo at babayaran pa ang taxi mo pauwi at ipag-grocery ka pa para may makain ka habang wala ka pang trabaho. Yung tipong lahat ng kumot at unan na nakatago ilalabas para magamit.

Salamat na lang sa tulong na ibibigay mo. Thanks but NO THANKS! Ito sayo, SAKSAK MO SA BAGA MO!

test

Good Luck Bordz-2

Nung dumating dito ang bro kabado kaming tatlong magkakapatid sa kakaisip kung magtagumpay kaya kami sa aming misyon. Misyon na makakahanap siya ng trabaho bago matapos ang dalawang buwan. Nung naka dalawang linggo na siya, mukhang wala pang tumatawag sa kanya na employer. Halos ata 35 pirasong cv na ang pinasa niya kahit saan lang. Laging natawag sa akin, mukhang sad, eh shempre as ate, sad rin ako.

Hindi madaling makipagsapalaran sa ibang bansa, lalo na kung malaki na ang nagastos mo sa Pinas para lang makapunta sa ibang lugar at makahanap ng trabaho. Meron nga dito nagpapakamatay dahil sa sobrang depresyon at kawalan ng lakas ng loob na harapin ang mga nangyari. Una dun shempre ang utang sa bansa natin. Kung mapapauwi lang pala sa Pinas ng walang nahanap na trabaho, ano ang ipambabayad nito sa inutangan? Dumagsa na talaga ang mga pinoys na nagbabakasaling makahanap ng trabaho dito sa Abu Dhabi o sa Dubai habang naka visit visa. Pero sige lang mga kabayan, hangga’t may buhay; may pag-asa!

Nung isang linggo may tumawag sa kanya, medyo ok naman ang offer kaso hindi kasama sa package ang accommodation, transportation and food. Sa hirap ng buhay ngayon dito, sa bilis ng pagtaas ng upa sa bahay, tumataas na rin ang presyo ng pangunahing bilihin, di na biro ang lifestyle!

Three days ago naman may tumawag naman na kasama sa package ang accommodation, transportation, food etc.. Ito ang ideal na kukunin kase wala ka na problemahin kung iisipin mo talaga ang pahirap na lifestyle dito. Para naman meron pang budget pambili ng beer o whiskey sa day off at dalhin sa bahay ko at maglasingan kaming magkakapatid lol.

Nagkaroon ng konting ginhawa ang aming pakiramdam, at least nagkaroon ng sundot ng pag-asa. Sana, pagpalain kami. Please Lord, tulungan mo naman kami. 😦

Previous Older Entries