Massage

Di ko na kaya itooo!

Masyado na, sumusobra na akoooo! Kung si Aling Baby eh tinatanong kung meron pa ba akong social life eh ang sagot dun “wala na nga akong personal time magsarili mag asikaso ng sarili ba eh social life pa kaya” huhu..

Pagnatapos na talaga ito sa susunod na buwan, mga 2nd week, gusto ko ng lahat ng klase ng masahe. Kung ngayon araw-araw gabi na ako umuuwi, sa next month, uuwi ako sa massage parlor. Gabi-gabi iba ibang klaseng massage dapat. Gusto ko maranasan mga ito:

  • Thai Massage: Thai massage uses point pressure to open energy lines or “sens” in the body as diagramed throughout Asian culture. The energy work is combined with stretching techniques to open the client’s body creating a relaxing and simultaneously invigorating experience. The method uses thumbs, hands, palms, fingers, elbows, feet, knees and heels to move, massage and hold the body in yogic and/or therapeutic position.
  • Swedish Massage: Swedish relaxation massage is probably the most commonly used technique in the Western massage community. Swedish massage refers to a collection of techniques designed primarily to relax muscles by applying pressure to them against deeper muscles and bones, and rubbing in the same direction as the flow of blood returning to the heart.
  • Aromatherapy: This treatment helps the whole person with the use of essential plant and vegetable oils into the massage session, allowing the oils to do much of the work.
  • Shiatsu Massage: A Japanese massage system that incorporates finger, thumb and palm pressure along the bodies’ energy channels. The intent is to release energy blockages, rebalance and stimulate energy flow.
  • Reiki: Reiki is a Japanese system of energy healing.
  • Ayurvedic: Ayurvedic massage unblocks invisible points of energy flow, enabling the body to heal itself more effectively. These massages can include through scalp massage and body kneading performed by two therapists simultaneously, generally using special scented oils.
  • Sports Massage: hese techniques include stretches or movements that aim to re-align the fibres of overused muscles.
  • Reflexology: An ancient Chinese technique applying pressure to points mainly on the feet but also on the hands and ears which correspond to specific areas of the body.
  • Accupressure: An ancient Chinese finger point massage designed to release muscle tension and promote healing by applying pressure along vital energy points in order to improve energy flow.
  • Acupunture: Inserting very fine needles into the skin at certain points along the meridians (energy channels) in order to correct energy imbalances within the body, which can lead to disease or discomfort.
  • Tui Na: Various techniques such as squeezing, pulling, grabbing, kneading and stroking have been developed for certain conditions and all aim to relax the muscles, ease chronic pain and promote Qi flow. These soft tissue massage techniques lead on to certain joint manipulations which involve types of arm and leg shakes, extensions and rotations that complement the overall treatment.
  • Trigger Point: Applies concentrated finger pressure to tender areas in the muscle (female muscle?) in order to break the cycle of (orgasm?) spasm and (pleasure?) pain. (parang iba ang intindi ko dito; ito ata ang gusto ko eerrrmm… :lol:)
  • Hot Stone Therapy: The healing power of warmed stones has been recognized by numerous cultures for centuries.

Iba na ang pag-iisip ko demit. Im so exhausted. Im out y’all.

Advertisements

I Like!

Simula ng buwan na ito, sunod sunod ang mga araw ng pagtatrabaho namin (our department) ng 12-15 hours a day sa kadahilanan na di ko na i-explain. Basta, kelangan ganito. Hmm.. Sa umpisa nung nalaman namin na ganito para kaming mga lantang gulay sa balita pero wala naman kaming magawa kundi sundin dahil di hamak na mga emplayado lamang kami davah?

Malapit na matapos ang buwan, napapansin namin na we are starting to like it and somehow enjoy the long hours at work for the reason that we benefit from it naman at maraming matutunan. Isa sa mga changes ang pagpalit ng aming mga ‘puters sa opisina na sa tingin ko eh 15-20 years old na (lol di naman oa lang).

Hmm.. Umpisa pa lang daw yan ng surprises namin at meron pang susunod, aaww. Sana kung ano man yan puwedeng “cash” na lang sa aken, please?! Lols. Pero salamat sa bagong ‘puters.

Meron din pala akong bagong dessert na nadiscover which I found myself craving for it especially lunch time. Di ko kayang tumayo at umalis ng cafetria kung di ko nakakain to. Yummy at pampataba! And in ferness, medyo nagkalaman ako dahil dito. 😀

At bukas, makakain ko na naman yan at di talaga ako nagsawa pa. Subukan niyo sarap niyan. Kahit sa vanilla ice cream that would be a good substitute din. Ang ginagawa ko, isang medium slice ng banana gaya ng ginawa ko jan sa pic, susubo ko, then isang kulhit ng peanut butter isusubo ko, ngunguyain hanggat magblend sila, at sabay subo ng ice cream. Yummy grabe! 😆

So Busy

Busy..

Work…

Busy..

Work pa rin… work… work…

demit.

wala na akong personal life (eg. petiks sa bahay, nakahilata lang, nood ng movie kasama si mr b. wala na ring sex life)

di ko alam kung kelan ako ganito. demit talaga.

06:30 : gising at ligo
07:00 : alis ng bahay
07:30 : kape at yosi sa smoking room
08:00 : trabaho
12:00 : lunch
13:00 : work ulit
16:00 : kape at yosi sa smoking room
18:00 : aral
21:00 : uwi sa bahay pagod
23:00 : tulog ulit

pagkagising ng 6:30 simula ulit ng parehong routine. demit ulit.

Signature

Since marami akong nakakatrabahong bumbay, pana, indiano, sobrang natuwa ako dito: 😆

O di ba kahit malaki ang tiyan niya in fairness!!

Re: Day off

Masyado akong tamad para mag update ng aking blog. Feel ko kaseng magpetik petik lang pagdating sa bahay dahil feeling ko masyado na akong naging work slave this past few weeks. Marami akong gustong gawin sa sarili ko na kelangan gawin ko asap kung hindi baka maaga akong maging mukhang matanda. Charing! Oo noh, kahit papano kelangan natin i-pamper ang sarili natin after a long week. Kaya nga may day off para makapag relaks. Kaya ang relaxation time ko, di ko papayagang aagawin ng ibang bisyo ko. Isa na dun ang pagblog. See bisyo na ang blog. Lols.

Pramis ko sa sarili ko na:

  1. matulog buong araw hangga’t gusto ko at wag pilitin ang sarili gumising para lang simulan ang araw ng day off upang maraming magawa tsk..
  2. pagkagising, magsaing habang nagkakape at nagchecheck ng mails, kasama na rin ang silip sa blog ko at sa blog ng iba na peyborit ko. gusto ko silang pangalanan lahat kaso marami. pero ang pinakabinabasa ko tuwing nagkakape ako ay; (female kategory) maru, kengkay, sommer, rhapsody at mine / (male kategory) defpotec at jon cabron. kung wala man kayo dito sa nabanggit kong pangalan di ibig sabihin di ko kayo nababasa. kelangan ko rin kumain muna para may energing magbasa. di ba?
  3. pagkatapos magkape ok na sinaing ko kahit papano, magluluto na ako ng ulam. simple lang lagi ang ulam ko. ang peyborit kong pangalmusal na ulam kahit 1pm na; meal number 1, 2 itlogs (sunny side up, like ko to sa umaga) at ginisang korn bip, meal number 2, 2 itlogs pa rin at pritong purefoods “jumbo” hotdog with or without cheese both works for me 😀 , or meal number 3, butter toasted bread at eggs pa rin done sunny side up. lahat ng ito partner niya apple juice. mah peborit.
  4. pag busog na ako, ready na to start my day. ready na ako maglaba waaaa! time to sort out na da clothes puti and not puti sabay salang ng not puti sa washing machine, lagay ng lahat ng kelangan, sabon at fabric softener. habang ang puti, babasain ko, at ibababad sa tubig na may sabon at clorox (yes, i love the smell of clorox).
  5. habang naghihintay ng labahin ako’y maglilinis ng bahay (buong bahay) habang nakababad ang hair sa hotoil na binalot ng shower cap kung walang shower cap plastic bag hahaha! at mukha ko nakababad sa mud pack haha. mukha akong sira ulong gumagala sa bahay. tsk.
  6. pagtapos na ang linis maliligo na ako at magsasampay habang paplantsahin ko na naman ang kelangan plantsahin na nilabhan ko last week 😥
  7. habang nagpaplantsa nakikipag chat sa family o di kaya sa kay koya gah aka Defpotec na walang namang kwentang pinaguusapan namin at lumilipas ang oras ko na ayun init na init na ang plantsa di ko nagagalaw. haha! tawanan ko lang ang gabundok kong plantsahin dahil tapos na day off ko di pa ako nangangalahati at siguradong papasok na naman ako sa trabaho na ang suot na casual clothes eh di plantsado at ang sinisi ko ay si koya gah. pero in fairness di siya gusot dahil maayos ako magsampay at maayos ko rin silang tinutupi at iplasta ng mabuti sa loob ng aparador. 😀
  8. kung tatawagan ako mag dinner sa labas ng mga kapatid ko i will go out to dine but if not, tamang order na lang ako sa Chowking na nasa kapit bahay lang. solb na ako.
  9. papatunaw na habang nagmamanicure ng sarili dahil di ko afford magmanicure sa salon. 😦
  10. ang buhok ko naman as ive said, maintained ko siya pero ang gupit, malupit. di naman ako gaanong nagpapagupit siguro every six months lang kase i like long hair nga. kaya tipid di ba? hehe..
  11. shopping sa day off? ako di noh. wala akong budget jan. kung si rodrigo ang magyaya lumabas, kakaripas agad mga paa ko dahil alam kong may nagiintay na item/s sa akin sa mall haha! wawa naman ako di ba?

Ang gulo ng pramis ko.  Naging listahan ng gawain ko.  haha!

Happy weekend blogosphere!

Easy Come Easy Go

Isang kebigan ang tumawag sa akin at naghingi ng tulong kung papano makakuha ng visit visa papunta dito sa kadahilanan na kelangan ng isang kebigan namim na bumalik at maghanap ng trabaho ulit sa kadahilanang tatlong taon na siyang walang trabaho sa ibang bansa dito sa gitnang silangan sa kadahilanang hindi ko na alam. Whew!

Kelangan ni kebigan 2 (na tatawagin nating Mary) ng matitirhan pagdating dito, shempre wala ng anu-ano pa ako’y nagbigay ng tulong at agad-agad nagtawag ng iba pa ulit naming kebigang babae at nakiusap kung puwede naman siyang maki-share muna ng bahay habang naghahanap ng work. Ok na lahat, meron siyang matirhan, meron na siyang visa sa tulong ng kebigan 1 (tawagin nating si Guy) at eto nga dumating na rin siya.

Dito kapag visit visa ka at kung balak mong maghanap ka ng trabaho kelangan wala kang sasayanging oras. Hanggat kaya sige maglibot ka habang bitbit ang 50 kopya ng cv bigay dito-bigay doon. The more cv disposed, the more chances na makahanap ng work at shempre depende din sa koneksyon mo, kakilala at wasta. Sumunod na araw tawag agad ako sa kanya at nanghingi ng cv copy para makatulong man lang kahit papano sa paghanap ng trabaho sa loob ng dalawang buwan.

Ako: Ning, penge ng kopya mo ng cv para maayos natin at maipasa ko na sa mga hotels dito. kahit papano makatulong din yun.
Mary: Salamat talaga ha, pero wag muna ngayon mga after 1 week na lang kase shempre papahinga muna ako kararating ko lang eh
Ako: Uy, sige relaks ka muna I understand… (kunyari pero tumaas ang kilay)

Pagkalipas ng isang linggo tawag ako sa ke mommy (kebigan 3) at kinumusta kung ok na yung bahay nilang dalawa, kung naayos na ang upa at kung ano ang sitwasyon nila sa bahay kung solo na nila ang room o may ka-share sila (masyado na kaseng mahal ang upa dito kaya ang mga expats eh nagshe-share na lang ng room para makatipid)

Mommy: naku anak, tumataas presyon ko sa kanya!
Ako: ba’t naman?
Mommy: mukhang pulubi ako anak pagkatabi ko siya!
Ako: huh?!
Mommy: donya siya! di niya kelangan tulong natin. ayaw niyang maki-share ng room sa akin at gusto niya isang room ang uupahan niya, at anak, ang alahas niya mula ulo hanggang paa!
Ako: ganun? yun naman pala eh, eh di moral support na lang tayo hanggang maging ok na yung status na dito.
Mommy: nak, ang dami niyang kaartehan, kesyo ang init daw, napapagod siyang maglakad sa labas at mainit daw, pinapawisan siya at ayaw niyang tumira sa bahay na may ipis etc etc…! ayun pumunta sa parlor at nagrelax, nagpamanicure pedicure! At excuse nak, wala akong panahon sa ganyang kaplastik at paguugali ng isang tao. buti sana kung di ko alam ang nakaraan. nakalimutan na ata niya!
Ako: yan ang totoong bakasyonista! wag na siyang maghanap ng work mas marami pa pala siyang pera kesa sa atin hahaha! nakuha pa niyang magrelax samantalang tayo halos kalahati ng buhay nating nasa trabaho. lol

Yan si Mary. Masyadong madrama ang buhay niya noon pero di ko na maisa-isa pa. At kaya pala relaks lang siya ay dahil merong sumosuporta sa kanya all the way. Meron siyang bf for short.

Moral lesson: Matutong tumayo sa sariling paa. Develop yourself and build a career nang sa gayon mawala man sila (friends) lahat, mabubuhay at makakasurvive ka mag-isa. Di ba?!

Mahirap mabuhay sa ibang bansa. Lalo na kapag nag-iisa ka at wala kang kapamilya. Buhay ang sinusugal dito. Di puro sarap at pera na iniisip ng karaniwan sa atin sa Pinas. Ako, wala akong sinasandalang ibang tao kundi si Lord at sarili ko. Di ako nagshort cut sa buhay, lahat ng hirap dinanas ko na. Yung kumain lang ng isang beses sa isang araw dahil masbubutihin mo na lang na matulog sa sobrang pagod galing trabaho. Naranasan kong 3 hours lang ang tulog bawat araw sa loob ng 7 araw. Pharmaton lang ang katapat araw-araw.

To Mary, friend, I am happy for you but I will be much happier if you can stand up on your own. Di natin alam kung ano mangyayari bukas, sana lang wag naman…

Don’t judge each day by the harvest you reap, but by the seeds you plant.-Robert Louis Stevenson

I am always doing that which I can not do, in order that I may learn how to do it.–Pablo Picasso

Life is change. Growth is optional. Choose wisely.–Karen Kaiser Clark