Miss ko na naman ang probinsiya

Habang nagmumuni-muni ako sa kuwarto ko pagkatapos ng trabaho, bigla kong naisipan na magtingin-tingin ng mga kodaks nung nagbakasyon ako last December. Habang dinadalaw ako ni antok, biglang napadaan ako sa kodak ng terminal 2 habang nandoon ako sa loob at tumatakbo para makapasok sa eroplano dahil late na ako dumating. Kalalapag lang kase ng eroplano na sinakyan ko galing Abu Dhabi, naghintay ng bagahe para makalabas at sabay takbo na naman sa PAL para habulin ang susunod na flight sched na nasa tiket ko.

Yan ata ang pinakalinya na ako ang pinakahuling pumasok sa eroplano na hinahabol ko pa ang hinihinga ko sa kakatakbo at pagod at nerbiyos na kung sakaling maiwanan ako ng barko este ng eroplano. Wawa naman si Inday, walang matulugan. Di naman marunong bumiyahe sa siyudad haha!

At nakuha ko pa talaga magpiktyur kahit naghahabol lol.

Laking tuwa ko nung nakita ko ang eroplano na nasa lupa pa at least di pa lumilipad lol. Tuloy na tuloy ang uwi ni Indaaaaaay lols.

Sa wakas nakatuntong ako sa lupa ng negros. Ang munting airport ng Bacolod na ngayon eh sarado na at nailipat na sa kabilang syudad at masbagong airport.

Hakapagod umuwi talaga kaso lang shempre kapag nakaapak na ang mga paa sa probinsiya eh nagiiba na ang anyo ko agad. Di ako masyadong at home sa Manila, sorry ha pero totoo, mas gusto ko talaga sa probinsiya kung saan eh simpleng pamumuhay at hindi masikip ang paligid.

I miss home.😦

3 Comments (+add yours?)

  1. apollo
    May 22, 2008 @ 13:07:59

    Home is where the heart is! Ü

    Reply

  2. aKDa
    May 24, 2008 @ 15:53:53

    siempre, sulit na sulit ang pagod. lalo na pag enjoy ka naman sa uuwian mo. ^_^ at makikita mo naman ang mga labidabs mo sa buhay. hehe.

    Reply

  3. bernardumali
    May 24, 2008 @ 22:17:24

    cool. everytime na nakakakita ako ng eroplano, i dunno kung ikaw rin, bumabalik ang pagiging bata ko. ano ba meron sa eroplano? napadaan ulit after 28 years – hehehe

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: