Kati

Pag may makati sa atin kahit saang parte ng katawan minsan di talaga natin maiwasan na kamutin nang kamutin. Di titigil hanggat di dumugo, sumugat o pumeklat. Meron pang papikit-pikit ng mata habang nangangamot ng kung anu-ano.

Di ko alam nung isang beses na nakahiga lang ako at biglang nangati, nung una dampi-dampi lang ng palad. Pangalawa, medyo hipo-hipo na. Pangatlo, di talaga mawala at maalis ang pangangati ko. Kinamot nang kinamot ng maigi… Ahhh sarap talaga ang pakiramdam. Uhhmm..

Ang resulta! (at wala akong paki-akam, masarap kamutin eh!)

Summer

Napahinga ako sa pagupdate ng blog ko. Sisilip-silip lang muna hehe..

Ang sarap kase ng panahon dito lately, summer sa disyerto na umaabot ng 42-45°C. Ang favourite hang out? Beach! Kaya medyo naadik kami sa beach mga ilang linggong sunod-sunod. From 7:30 am ’til 12:00 noon, solve na ang magbabarkada.

Kita kits ulit guys!