Anong Meron Sa Malamig Na Panahon?

Kanina medyo malamig na naman ang panahon. Masarap na namang maghilata sa kama. Masarap itigil muna sa pag-ikot ang mundo. Habang tumitigil sa kakaikot ang mundo, gusto ko sanang i-rearrange ang buhay ko from the start na nadapa ako. Pipiliin ko sanang wag madapa sa panahong iyon. Pero naisip ko rin, di bale na lang, andito na ako, nasa halos kalagitnaan na ng marathon ko.

Ano nga ba sana ang dapat kong ginawa nung panahong iyon? Tama ba ang pinaggagawa ko ngayon? Sa mga di maka relate sa akin, wag niyo ng alamin hehe, kase para na akong pudpod na niyog pa ulit ulit. Bakit nga ba malalalim na naman itong iniisip ko? Hays..

Minsan sinasabi natin sana ganito na lang, sana ganyan. Sana wag ito, sana ganito na lang. Totoo palang walang kakuntentuhan ang tao sa buhay. Minsan sinabi ko na sa sarili ko na maligaya na ako sa buhay ko, anong meron ako, anong maging kahihinatnat ko dahil sa ginawa ko to paninindigan ko. Oo andun na ako, I’m doing it, I’m believing on it pero bakit napapagod na naman akooooooo??!! Bakit?! Waaaa!

Ayaw ko pa namang nag-iisip ng ganito, all the time iniiwasan kong mag-isip ng ganito. Lalo lang akong nada-down pagnag-iisip ako ng negatibo. At lalong ayoko ng magpa-lame-lame. We can’t keep up with the demands in life if we act lamely. Kelangan humabol, tumakbo, tumakbo ng may direksyon, wag nang nakapikit baka mahulog sa imburnal. tsk..

Malapit na March, eto banat sa akin ng aking dalaga; Doter: “t ma anu ya ang e regalo mu sa akon?” Natural lang yan, shempre, not like adults, di nila masyadong naiintindihan ang pressure pa sa buhay. Sa totoo lang, extra super tight na budget ko ngayon, not to mention na parating ang isa ko pang bro dito para maghanap ng work, di naman siguro ganito kadali pumunta dito lalo na paggastusin ang pag-uusapan, high school na dalaga ko, gastusin sa bahay, bunso kong kapatid, parang isang baranggay ang pasan ko!

Ngayon, naniningil na anak ko sa regalo niya; Doter: “kaw bahala sa gift ko mommy????”, I said yeah, she says approve! She said this after I explained to her our situation. Kaya I am so proud and happy for her and myself too, that at least once in a while, I get to talk to her nowadays like an adult. Di na siya nagpumilit ng regalo niya when I told her “we” have priorities and she believed that her education should come first dahil nga madadagdagan na naman ang budget kase high school na siya. She knows di ko palalagpasin ang regalo niya, and again I’m happy she is trusting me. Di ba ang sarap ng feeling?! Finally she says; Doter: “anything lng, ok lng, i know that it comes from ur heart……” Mas masarap ang feeling di ba?! Hayssssss… Thanks to the Lord, napakabait niya. HE is, all the time!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: