Arab Ghost

Buti naman at may koneksiyon dito sa pinuntahan kong island kahit papano.. It’s work related so, medyo boring din, not so interesting to share with you guys. Pero yung isa kong di makalimutan na exprerience kanina ay ikukuwento ko waaaaaaa! Hanggang ngayon naiisip ko pa rin.😦

Nasa loob ako ng isang conference room (medyo malaki siya could accommodate 60 pax) habang yung mga kasamahan ko ay nasa kabilang room lang naman. I was doing something, tahimik sa room walang kasound sound at nakasarado ang pinto. Concentrated ako sa ginagawa ko at nageenjoy ng katahimikan sa aking paligid nung may biglang… pabulong na kumakanta sa tenga ko in arabic song, malumanay na boses pambabae. Yay! Di ko pinansin pero tumayo balahibo ko. Sige pa rin ako sa ginagawa ko, after a few seconds namatay ang ilaw!!! Waaaaaa! Tapos biglang sindi ulit! Takbo ako palabas at pasok sa kabilang room. lol. Gulat shemppre mga lolo at lola sa other room. Nung tinanong ako kung ano nangyari umiyak ako. Siguro sa sobrang takot lol. Nyhahaha! amp!

Pero nagtataka lang ako, sa tagal-tagal ko na dito sa lugar na ito ay never ako nakaranas ng multo multo na yan eh! Saka arabic pa! Eh pano kung disturbed yun? Kung hihingi siya ng tulong sa akin para mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay eh pano kami magkakaintindihan. Niyahaha! Kelangan pa ng interpreter? Aba! kasosyal niya lol. We finished today at 9pm and never na akong pumasok sa room na iyon.

Ito kaya ay senyales na na medyo nakakalimutan ko na magsimba? lol. Malaki naman faith ko kay Lord, yun lang ang pagsimba nakakalimutan ko. I know i should, pero i am praying naman ok lang yun di ba? Hay… pero kung matutulog ako mamaya magbrown_lady_lg.jpg-isa baka ipaghehele pa ako ng arabic ghost na yun!!! taena waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Pano kaya kung itong multo ay paakyat sa kuwarto ko? waaaaaaaa!

 

18 Comments (+add yours?)

  1. Ms. Red
    Aug 14, 2007 @ 19:38:08

    Multo ka dyan! Sa kulam maniniwala pa akong meron dyan, dami kasi mangkukulam sa Oman. Pero teka, ano title nung kanta? lols

    Reply

  2. Banana
    Aug 14, 2007 @ 19:54:53

    totoo nga. yung sa oman balita ko matinding mangkukulam yun. title ka jan lol.

    Reply

  3. A Z R A E L
    Aug 15, 2007 @ 10:46:12

    sa Oman madami nga. lalo na sa interior dahil alam nyo naman ang mga omanis, sila ang mga original na bedouines. meron na rin ako na-experience na ganyan dito. syempre lagi ako nasa field, common na saken ang paminsan minsan mapunta sa mga liblib na lugar. meron ako na-survey na malaking graveyard dito sa kaloob looban ng village, at napapaligiran ng bundok. iba pakiramdam, alam kong parang meron mga mata na nakatingin saken. nilakasan ko na lang ang loob ko dahil ang katwiran ko.. tangna kahit magsalita pa yan or sumigaw.. maiintindihan ko ba??? eh di ako gaano marunong mag-arabo lols

    iniiwasan ko dito ang mga invitations ng mga bedouines na uminom ng kawa at kumain ng dates sa mga lumang bahay nila. yan daw kase ang mga style ng mga mangkukulam. papakitaan ka ng hospitality, pag nakatulog ka.. malamang ulam ka na at kasama ang karne mo sa karne ng camel na pagkain nila waaaaah!

    Reply

  4. Banana
    Aug 15, 2007 @ 14:32:32

    hala tinakot na namn ako😦

    Reply

  5. A Z R A E L
    Aug 15, 2007 @ 17:09:55

    teka muna nga. bakit nga pala Oman? eh nasa UAE ka. eh sobra modern na mga tao jan ah. balita ko mga multo naka-blackberry na rin at naka iphone lol

    Reply

  6. brath
    Aug 15, 2007 @ 17:23:30

    hala ms. banana kaylangan mo ng magsimba haka takot yun a hindi mo alam ang susunod na gagawin ng multong yun sayo baka sa susunod sayawan ka na niya hehehehe

    xiao!

    Reply

  7. Banana
    Aug 15, 2007 @ 19:59:13

    @sis brath
    wag naman uy! di bale uuwi na ako. buti na lang nasa tabi ko si Lord.😀

    @kuya robin
    wait mo na lang baka mamaya may tumawag sa cp mo multo pala yun may ipapasurvey lang lol

    Reply

  8. MARU
    Aug 16, 2007 @ 01:20:12

    arabic speaking na multo? ibang klase! sana sinagot mo ng ilongga na salita. sinagot mo ng :
    “yu de puta ka gid haw!”

    tingnan ko lang kung di sya mawindang sa marinig din sau. wahihi!

    Reply

  9. A Z R A E L
    Aug 16, 2007 @ 06:55:39

    hmmmm.. ate banana, mukhang andito ka lang ah.. wala pasok bukas. dito ka na lang sa bahay ko matulog wala multo dito. aswang meron. gusto mo pa-aswang? lols

    Reply

  10. Trackback: pinay ako, pinay tayo…ipagmalaki mo! « M A R U I S M
  11. selvo
    Aug 16, 2007 @ 11:24:21

    tsk tsk tsk pati multong arabo nabibighani sayo banana que… siguro gusto nya lang ng ka-duet… pagbigyan mo na next time para manahimik na ang kanyang kaluluwa

    Reply

  12. defpotec
    Aug 16, 2007 @ 14:50:14

    i see ded pipol… di nga.. totoo i see dem.. sa sobrang daming karanasan ko, sawa na.. di na ako natatakot.. hays….

    Reply

  13. Banana
    Aug 16, 2007 @ 17:09:23

    @mamaru
    niyahaha! sana nga may presence of mind pa rin ako sa mga oras na yan! kitamo takbo nga agad ako eh lol

    @kuya robin
    ayan ka na naman! eh hanggang press release ka lang naman eh bwahahaha!

    @kuya selvo
    eh ko nga siya maintindihan eh arabic yun eh waaaa!

    @kuya def
    yayyyy! wag naman uy. buti di ka inatake sa puso, pero ang tatag mo kuya. nakahubad siguro mga ded pipol kaya di ka natakot😀 lol

    Reply

  14. Ms. Red
    Aug 16, 2007 @ 19:32:44

    Naku Banana, sabi nga sa pelikulang OUIJA

    “ayan na sya…. ayan na syaaaa….”

    bago ka matulog, silipin mo muna yung ilalim ng kama mo, baka andoon lang sya, hihintay ka…

    O baka naman nasa kisame at nakatitig lang sayo…

    GUD NYT😀

    Banana: niyayahahaha! sabay log off sa ym waaaa! Tanggaris na to napanood ko yang pelikulang yan eh. kakatakot yun sira ka talaga.

    Reply

  15. Banana
    Aug 16, 2007 @ 19:42:35

    ay grabe ang cute nga nito bagong estyle ni mamaru nakikigaya din lol

    @ate pula
    pano ba di matakot😀

    Reply

  16. Ms. Re
    Aug 17, 2007 @ 07:30:44

    Sabi nga sa kanta

    “Ang takot ay nasa isip lamang”

    Tip lang, ang mga spirit kasi madami sa lugar na tahimik lalo sa sa mga sulok ng bahay kung saan walang gumagalaw na buhay. Kaya kung natatakot ka, mag bukas ka ng tv or radio. yung mga corner ng room mo maglagay ka ng aquarium or anything na may life. pag natatakot kana, kausapin mo sila. and most of all, PRAY.

    Pag nag pray ka, lingon ka muna baka katabi mo sa sila, hehehehe!

    Banana
    Maganda na sana payo eh kakaiyak sabay lingon muna ako lol. Pero meron naman akong aquarium and small indoor plants sa room saka maingay naman kaya sa bahay. Iniisip ko lang siguro hehehe.

    Reply

  17. A Z R A E L
    Aug 19, 2007 @ 13:30:50

    kitams. nagbabagong buhay na tlaga si satanas. may pa-PRAY PRAY pang sinasabi.

    amen!

    Banana
    Honga eh, misteryosang pula.

    Reply

  18. Rhapsody
    Nov 26, 2007 @ 13:55:36

    hala katakot naman na experience ako kahit once talaga wala pa.. kahit na sabihin kong wish ko makaexperince o makakita ng multo…

    katakot naman dun sa oman… ayoko na punta dun!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: