Come 2010

Marami ang nangyari sa loob ng isang taon at kalahating pagiging tamad kong magblog.

I love life, it is so full of excitement and surprises. Be it bad news or good news, lahat yan package talaga ng life. Ang importante eh kung paano mo ito matatanggap ng buo ang loob at kung paano mo ito harapin at laging positibo ang pananaw.

Isa na ata ako sa pinakabato at manhid ang damdamin pero mga 95% lang naman. Tao rin naman ako na nasasaktan pero I always tell myself na, walang lugar ang sakit ng damdamin sa akin, perwisyo lang yan kung damdamin mo ang pangyayari sa buhay mo. Instead, I will be with myself lang contemplating and thinking of what can I do best next time. Kung good news naman eh, para akong bata na kahit super maliit na bagay eh ang saya-saya ko na. Mababaw lang naman kase ang kaligayahan ko, madali lang akong i-please baga. Konting hawak lang eh kinikilig na ako hihi.

Enihoo, masaya talaga ang life. Though sometimes it’s bitter, but mostly it’s sweet kaso minsan may matabang din pero masarap lol.

I was engaged last month, sarap talaga ng feeling kapag na meet mo na ang pinaka-partner mo sa buhay. The emotional security is fulfilling I believe. Nothing can compare to that. Sarap ng pakiramdam na alam mo na merong tao na nandyan lagi para sayo lalo na kapag panghabambuhay na ang pinag-uusapan.

Advertisements

Protected: Of Life’s Pretentions

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Tell Me Why

Minsan talaga dumarating sa buhay ng isang tao na kala mo ay susubsob ka na lang sa isang sulok dahil sa dami ng problema sa buhay, iisipin mo kung papano ka na naman gigising kinabukasan para simulan na naman ang isang araw. Minsan sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa balikat mo iisipin mo rin na hanggang kelan ko ba kayang bibitbitin ito?

Kelangan lang talaga ng walang katapusang lakas ng loob, determinasyon, pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa Kanya. Kung wala ako ng mga ito, dati na akong sumuko at siguro makita niyo na lang ako sa kalye na naglalakad na walang damit ulirat.

Di ako nagpapaka emo ngayon, blog ko to at isusulat ko ang gusto kong isulat dahil minsan lang naman ako nagsusulat. Di ba? Lol.

These past weeks, months even, I feel like my shoulders are slouching.. dahil sa problema. Ang dami, di ko na maisa-isa. Not only about me, but the family as a whole. Bakit kase may mga lalaking kayang iwanan ang pamilya na sana kanilang pasan. I don’t blame anyone.. just asking why? Dahil kahit papano, minsan gusto ko din ng sagot. Oo, may pagkukulang din ako but do I deserve these? If yes, then thank you.

Somehow, bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. And thank you ulit dahil ikaw nag turo sa akin nito. Thank you dahil maayos kong pinatakbo ang buhay ko, at ng buhay ng anak mo. Pero ang tagal pa eh, ang tagal tagal pa pakiramdam ko ang tagal pa bago ako tuluyang makapagpahinga. Pag nagiisa ako, ini-imagine ko na pagtanda ko, magawa ko bang maupo na lang sa veranda ng bahay habang nagtsa-tsaa o nagkakape habang nakikinig ng soft music sa umaga at pagmamasdan ang mga halaman sa labas na bahay? O baka naman kahit lola pa ako eh eto pa rin at kumakayod para may makain man lang ako o may gamot ako na maiinom bukas.

Buhay nag-iisa, iniwang mag-isa. Ang hirap talaga. Pero at least feeling ko maganda pa rin ako, di ba?

Meron ba kayong guts na ganyan? Hehehe.. Lakasan lang ng loob yan!

Seriously, lagi kong iniisip na ang taong katulad ko ay may pag-asa kaya life must go on and keep your head up high! 😀

Perfect Match Finder!

Kahit lagpas na po ang buwan ng mga puso, di pa rin nawawala sa isip ko ang sorpresa na nangyari. Kaya, ikaw, kung gusto ninyong magkaroon ng at least “munting inspirasyon” try ninyo ito, Your Perfect Match!.

Malay natin di ba? Good luck!

He left me for good

Ang sakit kung lisanin ka na niya pagkatapos ng maraming taon ninyong pagsasama.

It was a busy day for me today at work, di pa ako nakatulog ng maayos sa kakabantay sa kanya, di makatulog maya’t maya sa kakatingin kung siya ay ok pa o mabuti na ang kalagayan. Pinapakain ng husto, pinapaliguan ng maayos, siya yung aking nakakausap kapag ako’y nalulungkot, nag-iisa. Di niya akong iniwan kahit anong unos ang dumating sa buhay ko. Di naman ako nagkulang sa pag-aalaga, minahal at tinanggap ko siya ng buong buo… Hays.. Pero sadya talagang lahat ng bagay ay may katapusan.

Iniwan ko siya ng pagkain para makakain siya ng wasto kahit di ako makauwi. Pag-uwi ko ng gabi, kaya pala ang sama ng kutob ko. Pagbukas ko ng pinto patay na siya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa tagal tagal ko siyang inalagaan, mula pa ng baby siya, hanggang nag ka girlfriend siya binuntis niya girlfriend niya, ako din nag-alaga ng mga babies nila. Ngayon iniwan na niya kami after 3 years..

Inilibing ko si goldfish Nunu ko sa malaking paso sa room ko. Ayoko siyang itapon, nakakaawa naman. Gusto ko siya mabigyan ng proper resting place. Kaya pati yung halaman ko na pinaglibingan niya, magsisilbi na rin pataba. Ayan alam ko mahal mo ako na kahit patay ka na may silbi ka pa rin.

Rest in peace Nunu. Don’t worry palalakihin ko rin mga anak mo. Pagnamatay sila, ililibing ko sila katabi mo para lalong tumaba ang lupa ng aking halaman. Bless you!

nunu2.jpg

Ito si Nunu nung binata pa siya.