Pasa

Nang dahil na-excite ako sa tatlong araw na hihilata sa bahay kase walang pasok dahil Eid (muslim holiday), wala akong pinlano. lol. Ang balak ko eh humilata lang talaga kase na-miss ko na ang magbigay sa sarili ko ng quality time para naman magawa ko ang gusto kong gawin. Mangalikot ng kung anu-ano.

Sa unang araw wala talaga akong ginawa, pangalawang araw nagtawag ang dalawa kong girl friends at nagyayang lumabas at pumunta ng bar. Maayos na bar na walang mga asungot, walang mga bastos kumbaga maganda ang crowd. At dahil kasama naman namin ang asawa ng isa kong girl friend kampante ako na kahit uminom hangga’t mahilo. Hmm, it’s been years since di ako nag ganito sa sarili ko. Hokey, at since masaya ang moment na yun napainom ako ng 3 strawberry daiquiri (na nagtutubig dahil sa dami ng alcohol na nilagay ng barman na pinoy) at dalawang shots ng tequila (na halos double shot na at pinuno ang sherry glass).

At dahil dito nalaman ko na tumatanda na talaga ako dahil nahilo ako lol. Di na kaya ng powers ko! Kinabukasan naghanap ako ng bulalo lol. Punta naman kami sa Philippine Haus na walking distance mula bahay. Tapos nagkape tsk. Hirap ng hung ober.

Nang dahil nagbitbit ako ng mabigat na bag ng pinsan ko gamit ang balikat ko, at dahil parating na period ko, nung umuwi ako ng bahay eto napansin ko:

Pasa pasa ako huhu.. Sensitib talaga ang balat ng babae kapag magkakaroon o pag meron at meron pang klasmeyt na tagyawat sa balikat (yayks) tsk.

4 Comments (+add yours?)

  1. MARU
    Oct 04, 2008 @ 08:11:06

    hmmmn…may naalala ako jan sa strawberry daiquiri na yan. lols.

    anniepie, sigurado kang pasa yan? hindi kaya galis yan? wahaha!

    naga-dyuks lang ako, dai!

    enjoy life, dear!

    Reply

  2. taroogs
    Oct 13, 2008 @ 19:33:08

    hindi kaya naging sensitib yung laman-laman mo, miss bannanie, e dahil di na ito sanay sa alkohol? hehe

    Reply

  3. akosimakoy
    Oct 17, 2008 @ 03:16:25

    bakit nga ba madaling magkapasa ang babae pag merong dalaw???

    Reply

  4. visitor1
    Oct 17, 2008 @ 16:53:39

    No ba yan. LOL. wala akong ma say. Dami na akong nabasang blog about pagkain, etc. pero iba ka girl. You are so readable. LOL. Baka bukas hadhad naman ang topic, joke lang. LOL.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: