Day Off

Hello world! hehe..

Araw ng biryernes, araw na walang pasok ng mga katulong kaya wala akong pasok ngayon. Ang saya. Wala akong pinlanong gawin sa araw na ito kaya magdamag akong paikot-ikot sa kuwarto ko na parang bilanggo.

Alas kuwatro na ng hapon di pa ako naliligo, di pa kumakain ng lunch (breakfast lang at hotdog kinain ko hihi..). Sumakit ang ulo ko nung hapon, yung sa may bandang left eye ko na parang malalaglag ang mata ko at parang sinusundot ang utak ko sa kalahating parte ng ulo ko. Ang sakit talaga. Di ko man lang naisip na uminom ng gamot o pumunta ng ospital.

Nahiga lang ako at pumikit. Paikot-ikot at tingin sa kisame, hinilot ang ulo ko. Bigla akong nakaramdam ng hapdi ng sikmura. Shet. Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon?

Bigla ko rin naamoy sarili ko. Oo nga pala di pa ako naliligo mula kagabi. Yaaak!

Kaya di ako naligo, kaya di ako kumain, kaya di ako lumabas ng kuwarto kase sa araw-araw na lang ba kelangan maligo, lumabas ng kuwarto at kumain?

(Bukas may pasok na naman kelangan na naman maligo, kumain at lumabas ng kuwarto leche!)

7 Comments (+add yours?)

  1. bonniefazzyoo
    Aug 23, 2008 @ 16:02:48

    thank GOD day off ko na rin. Gusto ko na uminom ng BEER. I like your blog parang nagawi na ako dati dito. hehe!

    Reply

  2. aovaron
    Aug 26, 2008 @ 10:00:26

    When I visited Abu Dhabi early this year there was a time when I had to stay in my hotel because there is nothing to do and the heat was scorching outside. I don’t see myself visiting that country again🙂

    ***
    i dropped by your blog aovaron and i can see that you visited emirates palace huh? cool! i’m just right in front of that palace as i work for Hilton. 😀

    btw, what is the name of your hotel?

    Reply

  3. Rhapsody
    Aug 26, 2008 @ 13:41:04

    hahahah nung dun pa ako sa kabilang bahay. ndi ako naliligo tuwing biyernes o kaya sabado. kasi pinagpapahinga ko ng isang araw un buhok ko super init kasi ng tubig… maghahalfbath lang ako nun…. mga isang buwan din un. pero ngayon di ko kaya hehehehe

    Reply

  4. aovaron
    Aug 27, 2008 @ 11:24:08

    I stayed in the Tourist Club area.. I was in Le Meredien & Vision… I had to use two because I stayed a couple more days than I should’ve had.

    Yeah I visited the palace and the nearby mall (MARINA) I’m not really a big fan of sceneries, so I couldn’t really appreciate the palace that much. I was more keen on the culture and attitude.

    I hope I don’t return there hehe

    ***
    game ka na ba?! (i think game na, ayaw mo ng bumalik eh lols). ok.

    Reply

  5. jao220
    Sep 01, 2008 @ 14:29:28

    hi san u d2 sa abu dhabi nakatira?

    ***
    dito ako sa electra jao, ikaw saan ka dito? salamat sa pagdaan pala, balik ka ulit!.

    Reply

  6. colegialagirl
    Sep 06, 2008 @ 09:35:45

    God gave us one day to rest each week to remember Him. Pahinga sa puso, sa isip, at sa gawa.

    Reply

  7. anakngpiso
    Sep 15, 2008 @ 17:32:53

    kalahati? as in kalahati lang? if you don’t mind my asking, how old are you? sign po kasi yun ng stroke… okay ka na ba.. or naghyhypoglycemia ka lang kasi di ka pa kumakain.. ;p cheers!!! glesy the great;p

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    ***
    sign ng stroke?! errrmm (kabado)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: