Re: Day off

Masyado akong tamad para mag update ng aking blog. Feel ko kaseng magpetik petik lang pagdating sa bahay dahil feeling ko masyado na akong naging work slave this past few weeks. Marami akong gustong gawin sa sarili ko na kelangan gawin ko asap kung hindi baka maaga akong maging mukhang matanda. Charing! Oo noh, kahit papano kelangan natin i-pamper ang sarili natin after a long week. Kaya nga may day off para makapag relaks. Kaya ang relaxation time ko, di ko papayagang aagawin ng ibang bisyo ko. Isa na dun ang pagblog. See bisyo na ang blog. Lols.

Pramis ko sa sarili ko na:

  1. matulog buong araw hangga’t gusto ko at wag pilitin ang sarili gumising para lang simulan ang araw ng day off upang maraming magawa tsk..
  2. pagkagising, magsaing habang nagkakape at nagchecheck ng mails, kasama na rin ang silip sa blog ko at sa blog ng iba na peyborit ko. gusto ko silang pangalanan lahat kaso marami. pero ang pinakabinabasa ko tuwing nagkakape ako ay; (female kategory) maru, kengkay, sommer, rhapsody at mine / (male kategory) defpotec at jon cabron. kung wala man kayo dito sa nabanggit kong pangalan di ibig sabihin di ko kayo nababasa. kelangan ko rin kumain muna para may energing magbasa. di ba?
  3. pagkatapos magkape ok na sinaing ko kahit papano, magluluto na ako ng ulam. simple lang lagi ang ulam ko. ang peyborit kong pangalmusal na ulam kahit 1pm na; meal number 1, 2 itlogs (sunny side up, like ko to sa umaga) at ginisang korn bip, meal number 2, 2 itlogs pa rin at pritong purefoods “jumbo” hotdog with or without cheese both works for me😀 , or meal number 3, butter toasted bread at eggs pa rin done sunny side up. lahat ng ito partner niya apple juice. mah peborit.
  4. pag busog na ako, ready na to start my day. ready na ako maglaba waaaa! time to sort out na da clothes puti and not puti sabay salang ng not puti sa washing machine, lagay ng lahat ng kelangan, sabon at fabric softener. habang ang puti, babasain ko, at ibababad sa tubig na may sabon at clorox (yes, i love the smell of clorox).
  5. habang naghihintay ng labahin ako’y maglilinis ng bahay (buong bahay) habang nakababad ang hair sa hotoil na binalot ng shower cap kung walang shower cap plastic bag hahaha! at mukha ko nakababad sa mud pack haha. mukha akong sira ulong gumagala sa bahay. tsk.
  6. pagtapos na ang linis maliligo na ako at magsasampay habang paplantsahin ko na naman ang kelangan plantsahin na nilabhan ko last week😥
  7. habang nagpaplantsa nakikipag chat sa family o di kaya sa kay koya gah aka Defpotec na walang namang kwentang pinaguusapan namin at lumilipas ang oras ko na ayun init na init na ang plantsa di ko nagagalaw. haha! tawanan ko lang ang gabundok kong plantsahin dahil tapos na day off ko di pa ako nangangalahati at siguradong papasok na naman ako sa trabaho na ang suot na casual clothes eh di plantsado at ang sinisi ko ay si koya gah. pero in fairness di siya gusot dahil maayos ako magsampay at maayos ko rin silang tinutupi at iplasta ng mabuti sa loob ng aparador. 😀
  8. kung tatawagan ako mag dinner sa labas ng mga kapatid ko i will go out to dine but if not, tamang order na lang ako sa Chowking na nasa kapit bahay lang. solb na ako.
  9. papatunaw na habang nagmamanicure ng sarili dahil di ko afford magmanicure sa salon. 😦
  10. ang buhok ko naman as ive said, maintained ko siya pero ang gupit, malupit. di naman ako gaanong nagpapagupit siguro every six months lang kase i like long hair nga. kaya tipid di ba? hehe..
  11. shopping sa day off? ako di noh. wala akong budget jan. kung si rodrigo ang magyaya lumabas, kakaripas agad mga paa ko dahil alam kong may nagiintay na item/s sa akin sa mall haha! wawa naman ako di ba?

Ang gulo ng pramis ko.  Naging listahan ng gawain ko.  haha!

Happy weekend blogosphere!

5 Comments (+add yours?)

  1. apollo
    Jun 14, 2008 @ 05:40:24

    so little time, so much to do! haha!

    ***
    i know😦

    Reply

  2. koreanmine
    Jun 14, 2008 @ 11:22:33

    shucks. super na tats ako at nasama ako sa list😀

    * (yes, i love the smell of clorox) <<<
    bat u gus2 amoy ng clorox? hmmnnn??😀 anu naaalala mu?

    * DEF – walang namang kwentang pinaguusapan namin <<<
    la talaga wenta kausap yan! Lols😆

    * 2 itlogs pa rin at pritong purefoods “jumbo” hotdog
    kaya ka pala mahilig sa chlorox!😆

    ***
    tats ka sissy? 😆

    pero nakakaadik pala kausap yung ganun (kaabnormalan ni kuya gah)😆

    Reply

  3. wifeybee
    Jun 14, 2008 @ 16:35:58

    sana lagi nalang day off no? ahahaha… i’ll link you up bananie🙂

    ***
    salamat sa pagdaan neybor sissy! link you up din!😀

    Reply

  4. sommer
    Jun 15, 2008 @ 15:01:46

    …wow, sarap naman ng feeling nakasama ako sa binabasa mo, mga 4 lang tayong bumabasa nun e.nyahahha!!!
    ..grabe, pramis mo na yan? petiks ka pa ba lagay mong yan?aba e sa “konti” ng gagawin mo sa rest day e dighay lang ang pahinga mo ah…bilis pa naman ng takbo oras dito…

    ***
    hay nakowsss dats layp! hehe.. wala lang nasanay na naman ako sa boring na rotina ng buhay dito sa gitnang silangan. kung sa iba eh boring, sa akin naman eh exciting. exciting makulong sa loob ng bahay haha! howel, trip trip lang yan. i had my time and ngayon oras na naman na pumetiks sa bahay. 😀

    Reply

  5. defpotec
    Jun 15, 2008 @ 22:00:42

    tsk tsk.. isisi nyo na rin kung bakit nagkakaroon ng global warming.. bat na kidnap si ces, bat mataas ang presyo ng langis…. bat lumindol sa china… sige.. aakuin ko na ang lahat.. ako na may kasalanan!!!

    ***
    yung plantsahan ko pala yung kabayo pa yun, may bakat ng plantsa kase nasunog konti lang naman. ito’y dahil sa yo. tsk tsk..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: