Easy Come Easy Go

Isang kebigan ang tumawag sa akin at naghingi ng tulong kung papano makakuha ng visit visa papunta dito sa kadahilanan na kelangan ng isang kebigan namim na bumalik at maghanap ng trabaho ulit sa kadahilanang tatlong taon na siyang walang trabaho sa ibang bansa dito sa gitnang silangan sa kadahilanang hindi ko na alam. Whew!

Kelangan ni kebigan 2 (na tatawagin nating Mary) ng matitirhan pagdating dito, shempre wala ng anu-ano pa ako’y nagbigay ng tulong at agad-agad nagtawag ng iba pa ulit naming kebigang babae at nakiusap kung puwede naman siyang maki-share muna ng bahay habang naghahanap ng work. Ok na lahat, meron siyang matirhan, meron na siyang visa sa tulong ng kebigan 1 (tawagin nating si Guy) at eto nga dumating na rin siya.

Dito kapag visit visa ka at kung balak mong maghanap ka ng trabaho kelangan wala kang sasayanging oras. Hanggat kaya sige maglibot ka habang bitbit ang 50 kopya ng cv bigay dito-bigay doon. The more cv disposed, the more chances na makahanap ng work at shempre depende din sa koneksyon mo, kakilala at wasta. Sumunod na araw tawag agad ako sa kanya at nanghingi ng cv copy para makatulong man lang kahit papano sa paghanap ng trabaho sa loob ng dalawang buwan.

Ako: Ning, penge ng kopya mo ng cv para maayos natin at maipasa ko na sa mga hotels dito. kahit papano makatulong din yun.
Mary: Salamat talaga ha, pero wag muna ngayon mga after 1 week na lang kase shempre papahinga muna ako kararating ko lang eh
Ako: Uy, sige relaks ka muna I understand… (kunyari pero tumaas ang kilay)

Pagkalipas ng isang linggo tawag ako sa ke mommy (kebigan 3) at kinumusta kung ok na yung bahay nilang dalawa, kung naayos na ang upa at kung ano ang sitwasyon nila sa bahay kung solo na nila ang room o may ka-share sila (masyado na kaseng mahal ang upa dito kaya ang mga expats eh nagshe-share na lang ng room para makatipid)

Mommy: naku anak, tumataas presyon ko sa kanya!
Ako: ba’t naman?
Mommy: mukhang pulubi ako anak pagkatabi ko siya!
Ako: huh?!
Mommy: donya siya! di niya kelangan tulong natin. ayaw niyang maki-share ng room sa akin at gusto niya isang room ang uupahan niya, at anak, ang alahas niya mula ulo hanggang paa!
Ako: ganun? yun naman pala eh, eh di moral support na lang tayo hanggang maging ok na yung status na dito.
Mommy: nak, ang dami niyang kaartehan, kesyo ang init daw, napapagod siyang maglakad sa labas at mainit daw, pinapawisan siya at ayaw niyang tumira sa bahay na may ipis etc etc…! ayun pumunta sa parlor at nagrelax, nagpamanicure pedicure! At excuse nak, wala akong panahon sa ganyang kaplastik at paguugali ng isang tao. buti sana kung di ko alam ang nakaraan. nakalimutan na ata niya!
Ako: yan ang totoong bakasyonista! wag na siyang maghanap ng work mas marami pa pala siyang pera kesa sa atin hahaha! nakuha pa niyang magrelax samantalang tayo halos kalahati ng buhay nating nasa trabaho. lol

Yan si Mary. Masyadong madrama ang buhay niya noon pero di ko na maisa-isa pa. At kaya pala relaks lang siya ay dahil merong sumosuporta sa kanya all the way. Meron siyang bf for short.

Moral lesson: Matutong tumayo sa sariling paa. Develop yourself and build a career nang sa gayon mawala man sila (friends) lahat, mabubuhay at makakasurvive ka mag-isa. Di ba?!

Mahirap mabuhay sa ibang bansa. Lalo na kapag nag-iisa ka at wala kang kapamilya. Buhay ang sinusugal dito. Di puro sarap at pera na iniisip ng karaniwan sa atin sa Pinas. Ako, wala akong sinasandalang ibang tao kundi si Lord at sarili ko. Di ako nagshort cut sa buhay, lahat ng hirap dinanas ko na. Yung kumain lang ng isang beses sa isang araw dahil masbubutihin mo na lang na matulog sa sobrang pagod galing trabaho. Naranasan kong 3 hours lang ang tulog bawat araw sa loob ng 7 araw. Pharmaton lang ang katapat araw-araw.

To Mary, friend, I am happy for you but I will be much happier if you can stand up on your own. Di natin alam kung ano mangyayari bukas, sana lang wag naman…

Don’t judge each day by the harvest you reap, but by the seeds you plant.-Robert Louis Stevenson

I am always doing that which I can not do, in order that I may learn how to do it.–Pablo Picasso

Life is change. Growth is optional. Choose wisely.–Karen Kaiser Clark

4 Comments (+add yours?)

  1. kengkay
    Jun 11, 2008 @ 17:36:31

    sana mabuksan ang mga mata nya sa lalong madaling panahon at baka yung limpak limpak nyang alahas e maibenta nya dahil sa eng engan nya

    ***
    **magdadasal ako para matuto siya**😦

    Reply

  2. MARU
    Jun 12, 2008 @ 13:37:16

    Paano ba makontak si Mary? Itatanong ko sana kung saan pwede makakuha ng bf na pwedeng masandalan. Hmmmn…

    ***
    di ko bibigay sayo, ako muna mauna bleh

    Reply

  3. tapsiboy
    Jun 13, 2008 @ 03:13:18

    Ayos ah.

    Patabaing baboy pala yan e.

    ***
    di naman po siguro. ganyan lang talaga ang life. minsan ayokong magsalita tungkol sa kapwa pero dahil minsan di maiwasan lalo na pagwalang makausap. ang blog ang sumbungan hehe..

    Reply

  4. mixglorioso
    Jun 18, 2008 @ 23:54:42

    Naku banana, isang buwan din ako halos hindi nakakapagsulat sa blog ko kakahanap ng trabaho dito sa Dubai. Ok naman ako, agree ako sa mga sinabi mo. Namumulat na rin ako sa katotohanan na ang ibang pinoy dito sa ibang bansa ay mapagmataas na at akala mo kung sino kung umasta, sa isang buwan ko ring pamamalagi ay marami na akong narinig na mga kwentong “kabit” “sexpartner” at “broken family”

    Pagdating ko dito sa dubai, 3 araw lang akong nagpahinga, bumili ng mga kailangan kong gamit, sabon toothpaste etc. pagkatapos noon ay walang hanggang jobhunt na.

    Anong pangalan nga pala noong pinagtatrabahuhan mo? baka pumunta kasi ako sa abu dhabi… stalker mode sa isang babaeng dahilan kung bakit ako nagsimula mag blog… hahaha! Ingat palagi banana!

    ***
    sino kaya ang babaeng yan oist chika mode muna tayo lols.

    yang dubai talaga, masyadong makasalan. maraaaaami ng mga hindi kanais-nais na mga pangyayari ang nagaganap araw-araw kung tutuusin. anyways, sabi ko nga, life yan. kung ano gusto nilang gawin sa life nila eh bahala sila basta tayo, umayos lang. lols. makinig ka sa ate mo ha?! kase baka batukan kita pagnagpakita ka sa akin dito sa abu dhabi lol.

    di ko sasabihin kung saan ako nagwowork kase di ako magpapakita in person sa mundo ng blogosphere. wahehehe..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: