Ang Pangyayari sa Hatta.. tsk..

Nakauwi na ako sa bahay ng safe galing ng trip sa Hatta (border ng UAE at Oman). Masaya, nakakatakot, nakakapagod dahil ang init na pala dun sa rocky mountains ng Hatta at feel na feel naming umabot yun ng 39°C to 42°C ang init.

Nagsimula akong magpalpitate nung umakyat na kami pabalik sa sasakyan and this is around 1300 hrs. Dalawa kaming muntik ng himatayin, magkahawak kamay na kaming nauang umakyat ulit sa bulubunduking mga bato kung saan naghihintay ang sasakyan dahil kelangan na naming malamigan ng ac man lang ng sasakyan. Buti na lang at may baon akong extrang shirt at tinalukbong ko sa ulo ko na feeling ko ata eh roasted na ang utak ko, ganun din ang kasama ko, yung baon kong handtowel binigay ko sa kanya dahil naguumpisa na daw magdilim ang paningin niya. Pareho kaming walang tigil sa kakainom ng tubig habang naglalakad dahil heat stroke ang aabutin namin dito kung pababayaan namin ang sarili namin. Napalingon ako sa likod namin at nakita kong sumusunod naman sila lahat, mga 16 kami, at sabi ko, wag na kaming mag-alala kung sakaling himatayin kami at gugulong ang katawan namin pababa, tiyak masasalubong din nila ang pobre naming mga katawan at puwede na nila kaming pagsamantalahan habang walang malay.

Ito ang itsura ng inakyat namin.

Basta, pagod na ako, di ko na makakapagtype ng matagal sakit ng ulo ko waaaa!

Eto ako nung bago umalis ng bahay habang nagre-ready:

Ito ako at kami sa sasakyan habang pauwi:

Mga lantang gulay. At kelangan ko ng matulog. Goodnight!

3 Comments (+add yours?)

  1. Lyzius
    May 17, 2008 @ 16:09:04

    hello po…bata ka pa pala…hmmm kasi sabi mo me dalagita ka na…hehehehe…ayus yang tripping nyo sa hatta…nkita ko lang yan from buraimi nung nag exit ako…

    ouch! hehe.. opo bata pa ako naglandi.😆

    Reply

  2. R.J.
    May 17, 2008 @ 22:49:13

    hello! napadaan lang.

    astig naman ang trip nyo, ang subukan kung hihimatayin ba kayo o hindi sa init. hahaha! kadarating ko lang kahapon dito sa qatar, at susubukan kung hihimatayin din ba ako sa init dito. hehehe. i’ll add you to my blogroll. =D

    kapitbahay! salamat sa pagdaan. xlinks!😀

    Reply

  3. sommer
    May 18, 2008 @ 14:15:30

    ..grabe, parang nakikita ko pa lang pix ng hatta, parang gusto ko ng himatayin sa pagod at init. parang pati ako plakda sa pagod.nyahaha!

    oo nga eh grabe plakda ako nung gabi 12 hours tulog ko hahaha!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: