Kahit Ang Bobo Pinagpapala

Ang saya-saya ko Lord! Una sa lahat maraming million times sa lahat lahat lahaaaat na tinulong mo sa akin, sa aming pamilya! Simula’t sapul pa, nung pinanganak ako sa mundong ito, ako na po ang pinakamaswerte na baby sa buong mundo! Hindi ako naging maswerte dahil ipinanganak na mayaman, di naman ako pinanganak na matangos ang ilong, di naman ako matangkad, sexy lang at maputi lol kundi nung pinanganak ako hindi natuloy ang gusto ng aking tatay na maging pangalan ko ay…. “Aniceta” niyahaha! Opo, sana Aniceta pangalan ko dahil ang Papa ko ay “Aniceto”. Panaganay po ako kaya gusto ng Papa ko isunod agad sa kanya ang name ko. Kaso mo, since sinuswerte ako sa panahon na yun, pinaglaban ng Mama ko na gawing Annie ang pangalan ko. That is the start of my good luck for the rest of my life! At hanggang sa huli kong life alam ko di ako pababayaan ni Lord! Thank you ulit Lord!

Thank you Lord at naliwagan na ako sa bagong offer sa trabaho, may chance na po na magawa ko ang gusto kong gawin. Nakakahinga na ako ng malalim. Kahit first time kong mag handle sa post na to, kakayanin ko po, dahil porke pa kung gusto ko to kung hindi ko naman kakayanin. Walang imposible sa bobo kung araw araw mong pinag-aaralan ang mga hindi mo alam. Kesa sa ipinangangalandakan mong matalino ka at di mo naman naibabahagi sa iba, saksak mo sa baga mo. Sorry po, tenks ulit Lord.

Salamat din at tinawagan na ang bro 2 ko ng kompanyang nag-hire sa kanya at sila ang bibili ng ticket niya mag-exit sa country at sa pagbalik niya residence visa na siya. Maganda naman po ang pagtatrabahuan niya. Salamat Lord!

Pero isa pa po ang pinagpi-pray ko tonight, yung mama ko nagbleeding mga 1 week after ng operasyon niya. Sabi ko nga baka nagmenstruation lang siya at puwede na ulit mabuntis. Pero pinagalitan po niya ako. lol. Lord,wag niyo Po siyang pabayaan ha?! Di ko pa nagagawa at naibibigay ang gusto kong ibigay sa kanya. White house lang naman ang hinihingi ng mama ko eh. Kaya sabi ko itong bago kong trabaho, masmalaki ang sahod, bibili po ako ng pinturang puti at ipapapinturahan ko ang bahay-kubo namin para maging white house.

8 Comments (+add yours?)

  1. MisyeL
    May 15, 2008 @ 11:22:56

    Wow, pinagpala ka Ms Annie kasi mabuti kang tao. Congrats sa new job mo at sa bro mo din, ang galing naman.

    I hope ok na mama mo, I’ll pray for her.🙂


    sissy, maraming salamat sa prayer! i am so happy pagnakakabasa akong may mga friends na nagaalay ng prayers for my mom. thanks talaga. take care sis!

    Reply

  2. kengkay
    May 15, 2008 @ 12:59:03

    being grateful is good – magandang magbasa ng good news, and am sure your mom would be better soon, sama ko sya sa prayers ko din. and good luck sa yo!


    salamat ate kenks! you always do that, i know… and i am so grateful too na naandiyan din kayo… God bless!

    Reply

  3. Aling Baby
    May 15, 2008 @ 17:09:45

    Wow, good news yan.

    Good luck sa inyo ng brother mo, lam mo naman dito sa UAE mahigpit na ang kumpitensya sa work kya swerti talaga kau.😀

    Saka get well soon sa mum mo ha.
    🙂


    oo nga daming naghahanap ng work dito noh? salamat aling baby, ingat din kayo jan sa dubai!😀

    Reply

  4. ana_banana
    May 15, 2008 @ 20:05:54

    Talaga may new job ka na… Saan sa Abu Dhabi rin ba Congrats… Ang saya.. saya..!


    same company rin tukaya!

    Reply

  5. emotheraphy
    May 16, 2008 @ 07:59:30

    Grabe…
    buti ka pa…
    gudluk sa new job nyo…
    uyyy ms.Annie visit my web blog naman tapos comment ka plsss…
    http://www.emotheraphy.wordpress.com
    thanks kung pupunta ka..


    sure emotherapy! hehe ill drop by soon!

    Reply

  6. koreanmine
    May 16, 2008 @ 08:07:35

    berigud..

    d mor we count r blessings, d lesser we complain..


    totoo ka jan. salamat sa pagdaan mine all mine…😀

    Reply

  7. foobarph
    May 16, 2008 @ 09:37:04

    aray. hi annie, kilala mo ba si shaider? ^_^


    uu kets po?

    Reply

  8. greece joy
    Jun 18, 2008 @ 16:00:19

    thnx lord dahil binigyan nio po ako ng isang mabuting ina,ama,at kuya maraming maraming salamat po…………………………………….♫♫♫‼

    ***
    greece joy salamat sa pagdaan, im happy for you at mabuti ang kalagayan ng buong pamilya mo.😀

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: