Good Luck Bordz-2

Nung dumating dito ang bro kabado kaming tatlong magkakapatid sa kakaisip kung magtagumpay kaya kami sa aming misyon. Misyon na makakahanap siya ng trabaho bago matapos ang dalawang buwan. Nung naka dalawang linggo na siya, mukhang wala pang tumatawag sa kanya na employer. Halos ata 35 pirasong cv na ang pinasa niya kahit saan lang. Laging natawag sa akin, mukhang sad, eh shempre as ate, sad rin ako.

Hindi madaling makipagsapalaran sa ibang bansa, lalo na kung malaki na ang nagastos mo sa Pinas para lang makapunta sa ibang lugar at makahanap ng trabaho. Meron nga dito nagpapakamatay dahil sa sobrang depresyon at kawalan ng lakas ng loob na harapin ang mga nangyari. Una dun shempre ang utang sa bansa natin. Kung mapapauwi lang pala sa Pinas ng walang nahanap na trabaho, ano ang ipambabayad nito sa inutangan? Dumagsa na talaga ang mga pinoys na nagbabakasaling makahanap ng trabaho dito sa Abu Dhabi o sa Dubai habang naka visit visa. Pero sige lang mga kabayan, hangga’t may buhay; may pag-asa!

Nung isang linggo may tumawag sa kanya, medyo ok naman ang offer kaso hindi kasama sa package ang accommodation, transportation and food. Sa hirap ng buhay ngayon dito, sa bilis ng pagtaas ng upa sa bahay, tumataas na rin ang presyo ng pangunahing bilihin, di na biro ang lifestyle!

Three days ago naman may tumawag naman na kasama sa package ang accommodation, transportation, food etc.. Ito ang ideal na kukunin kase wala ka na problemahin kung iisipin mo talaga ang pahirap na lifestyle dito. Para naman meron pang budget pambili ng beer o whiskey sa day off at dalhin sa bahay ko at maglasingan kaming magkakapatid lol.

Nagkaroon ng konting ginhawa ang aming pakiramdam, at least nagkaroon ng sundot ng pag-asa. Sana, pagpalain kami. Please Lord, tulungan mo naman kami.😦

3 Comments (+add yours?)

  1. bernardumali
    Apr 17, 2008 @ 10:09:14

    gandang araw. padaan lang.
    try and try. im sure makakakuha ng work bro mo. mataas ang tiwala ko sa pinoy at alam kong mataas ang tingin ng dayuhan sa uri ng ating trabaho.
    – nakikiisa sa inyong pakikipagsapalaran.

    Reply

  2. arabongpinoy
    Apr 20, 2008 @ 14:21:13

    nakikiraan at nakikitambay lang po…..

    ..kahit naman po nasaang lugar tayo ang buhay ay pakikipagsapalaran at pakikibaka sa kasalukuyang napaka “negative na mundo”…pero nasa atin pa rin po ang choise “to think positive”…..natutuwa po ako’t you got the right attitude and you’re on the right track…

    …just always keep in mind ” YOU’VE GOT THE GREATEST GOD-GIVEN POTENTIAL”….whatever you focus in your mind you move towards it..

    Reply

  3. Banana
    Apr 21, 2008 @ 02:54:28

    @ Bernard
    Thanks po sa pagsabay sa aming pakikipagsapalaran.

    at salamat sa pagdaan.😀

    @ Arabongpinoy
    Libre lang ang tambay dito kaya balik lang ng balik. hehe..

    “whatever you focus in your mind you move towards it..” well said! maraming salamat sa suporta! see you around!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: