Tell Me Why

Minsan talaga dumarating sa buhay ng isang tao na kala mo ay susubsob ka na lang sa isang sulok dahil sa dami ng problema sa buhay, iisipin mo kung papano ka na naman gigising kinabukasan para simulan na naman ang isang araw. Minsan sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa balikat mo iisipin mo rin na hanggang kelan ko ba kayang bibitbitin ito?

Kelangan lang talaga ng walang katapusang lakas ng loob, determinasyon, pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa Kanya. Kung wala ako ng mga ito, dati na akong sumuko at siguro makita niyo na lang ako sa kalye na naglalakad na walang damit ulirat.

Di ako nagpapaka emo ngayon, blog ko to at isusulat ko ang gusto kong isulat dahil minsan lang naman ako nagsusulat. Di ba? Lol.

These past weeks, months even, I feel like my shoulders are slouching.. dahil sa problema. Ang dami, di ko na maisa-isa. Not only about me, but the family as a whole. Bakit kase may mga lalaking kayang iwanan ang pamilya na sana kanilang pasan. I don’t blame anyone.. just asking why? Dahil kahit papano, minsan gusto ko din ng sagot. Oo, may pagkukulang din ako but do I deserve these? If yes, then thank you.

Somehow, bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. And thank you ulit dahil ikaw nag turo sa akin nito. Thank you dahil maayos kong pinatakbo ang buhay ko, at ng buhay ng anak mo. Pero ang tagal pa eh, ang tagal tagal pa pakiramdam ko ang tagal pa bago ako tuluyang makapagpahinga. Pag nagiisa ako, ini-imagine ko na pagtanda ko, magawa ko bang maupo na lang sa veranda ng bahay habang nagtsa-tsaa o nagkakape habang nakikinig ng soft music sa umaga at pagmamasdan ang mga halaman sa labas na bahay? O baka naman kahit lola pa ako eh eto pa rin at kumakayod para may makain man lang ako o may gamot ako na maiinom bukas.

Buhay nag-iisa, iniwang mag-isa. Ang hirap talaga. Pero at least feeling ko maganda pa rin ako, di ba?

Meron ba kayong guts na ganyan? Hehehe.. Lakasan lang ng loob yan!

Seriously, lagi kong iniisip na ang taong katulad ko ay may pag-asa kaya life must go on and keep your head up high! 😀

4 Comments (+add yours?)

  1. Rhapsody
    Apr 07, 2008 @ 19:59:42

    uy salamat sis ha.. naiinspire ako sa post mo. feeling ko rin kasi bigat na bigat na ako sa mga dalahin ko… ahihihi.. drama queens tayo huh.. di bagay. papangit tayo!

    Reply

  2. MisyeL
    Apr 07, 2008 @ 23:58:36

    Great attitude Ms Annie. Baka kung sa kin nangyari yan nun pa ko sumuko. Thumbs up ako sa iyo!🙂

    Reply

  3. Banana
    Apr 08, 2008 @ 04:05:06

    @ Neybor Mylene

    Wow, pareho pala tayo ng feeling ngayon. Buti na lang anjan ka, wag kang pumayag na papangit tayo ha! Wag tayong magpadala sa problema at lungkot basta feeling maganda pa rin kahit papano lol.

    Reply

  4. Banana
    Apr 08, 2008 @ 04:05:48

    @ Sis Misyel

    Tenks! Maganda pa rin ako?😀 lol

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: