The Nut Brain And The Sexy Boys

Ang ganda ng araw ko sana kanina. Ok na sana ako at marami akong friends here sa blogosphere at sa outside world na laging handang makinig sa akin, handang tumulong. Tulong na ibibigay sa iyo kahit hindi mo na sabihin, paramdam ka lang andiyan agad. Kumbaga sipol pa lang ni Banana, alam na ang tunog.

Salamat sa mga friends ko dito sa Abu Dhabi, and dami ninyo, maraming maraming salamat sa lahat lahat na. Sa mga taong tumulong sa bro ko, sa mga taong nag extend ng help para makahanap siya ng work kahit di pa gaanong kilala, sa mga friends ko sa hotel na nag entertain sa bro ko nung mga araw na kelangan niya ng matulugan. Maraming salamat Mitch, Ateng Arnod, Ateng Rodel at Kuya Tonyo! Da best talaga kayo. Salamat in advance Ateng Arnold, sa plano mo na isama na lang bro ko sa Oman para mag exit kayo para di na siya mag-isa mag exit lol. Maraming salamat kay Mami Lea, alam mo na yun, huge huge thank you talaga sa lahat na! I love you all! God bless sa lahat!

Sa kabila ng mga taong may malawak na kaisipan, meron din sa kabilang dulo na may mga tao talagang sobrang kitid ng utak. Sa kakitiran ng utak ayun di pinagpapala. Maayos na ang araw ko sana, nakalipat na ang bro 2 ko sa bahay ng bro 1 ko, magkasama na sila sa bahay at ayun ang saya saya namin, kampante na ang loob naming magkakapatid dahil magkasama na silang dalawa at ang bahay ko ay ilang buildings lang ang pagitan, walking distance lang. Dahil day off ni bro 1, hinintay nila akong matapos ng work para sabay-sabay na kaming kumain sa labas. After ng dinner namin, plano namin na magpunta sa Sax Bar just for a drink, kinig ng jazz music at uwi na rin ng maaga. Sinamahan ako ng dalawa para magbihis muna sa bahay ko at saka na kami tutuloy sa bahay nila para magbihis na rin sila. When we reached the entrance ng building where I am staying, andun ang natur (guard cum janitor) na I think Egyptian yun. Papasok kami, he stopped us kase bakit daw laging may kasama akong mga lalaki. He sounded so insulting at nagalit ako dahil akala niya mga lalaki ko sila without even investigating the scene na to think yung bro 1 ko lang naman ang kasama ko lagi. My goodness gracious! Muntik ko na siyang sampalin at buti na lang mga bro ko cool lang at di siya pinatulan. Pero alam kong gigil na gigil na yung dalawa kahit papano. Si bro 2 pa naman dati na yang na terminate dito sa isang compnay dahil binugbog ang isang indiano niyang kasama kaya na ban ng 6 months ngayon lang ulit nakabalik. haha! Sabi nila akyat na lang ako at magbihis at maghihintay na lang sila sa baba.

Sa sobrang galit ko, kung sino sino tinawagan ko para mailabas ko lang galit ko dahil napigilan ako ng dalawa sa baba. Kasama sa tinawagan ko yung housing manager namin, ang security sa hotel at ang cid kong friend na balak gawan ng problema na kapag makita niyang nagpapart time maglinis ng kotse sa area namin eh ipapahuli niya lol. Wala lang, nakikinig lang naman sila eh basta mailabas ko lang lol.

Yan ang ipis na utak. Akala sa mga 2 bro ko mga lalaki ko bwuhahaha! Utak mani. Di na ata siya nakakatikim ng “mani”.

God bless you ipis! Kung nabibili lang ang utak ibibili kita bukas.

Haynaku, heniways, Im gonna give myself a break. Tama na to, too much na. Kelangan ko ng energy. Kaya nood muna ako ng pampasigla. hihihi…

Seksi nila divaaaaaa??! Sarap kurutin ng puwet lalo na sa 00:37! Buti na lang anjan lagi ang mga kapapahan ko na pinapaligaya ako sa tuwing kelangan ko ng aliw este yung mapapanood para maaliw ba. ahihihi!

Ayun, ok na ako. 😆

3 Comments (+add yours?)

  1. bato.pik
    Apr 01, 2008 @ 19:42:29

    hehehe.. ayoss! nanai ko po nasa canada..
    mahirap daw po jan sa abu dhabi..
    tsktsk.. ingat nlng po jan.🙂 Godbless you po!


    ah i see, malayo pala si nanai.😦

    pero wag ka malungkot, may reason si nanai kaya siya malayo, alam kong alam mo na yun.

    be good always, ingatan sarili. God bless!

    Reply

  2. sommer
    Apr 01, 2008 @ 20:06:16

    …huwow, it’s raining sexy men!!!hehehe!! (e naging girl ako bigla?charot!)
    hay naku, lam mo naman mga ibang lahi, kelangan ng tripleng pasensya at paguunawa..kasi likas nga atang tonto at bastos.=)


    kaya pa. iba mentality. kakaiba!

    Reply

  3. youngmaze18
    Apr 02, 2008 @ 14:30:59

    hi, po hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you

    http://flipclan.com/unang-pagtingin/

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: