Nakaka

isipin ko lang ang problema ko na di umaalis sa tabi ko. left and right. front and back, top to bottom, kahit tumuwad o pumukit problema nakikita ko

Nakakainis…

trabaho ka ng trabaho parang walang nangyayari
gusto kong umuwi sa pinas pero di ko magawa

Nakakabagot…

laging nasa work bahay, bahay work. banyo kuwarto, kuwarto banyo.
wala namang mapupuntahang masaya dahil di ako masaya. kahit anong patawa siguro ang gawin ng kasama ko baka nakatitig lang ako sa hangin.

Nakakalungkot…

isipin ko graduation ng anak ko wala ako para samahan siya sa school.
nag resign na ang amo kong kalbong mabait. di lang siya amo namin, isa rin siyang kaibigan.
wala pang tumatawag na employer sa bro ko dito upang mag hire sa kanya, kung hindi uuwi siya

Nakakaiyak…

umiyak nanay ko kanina kausap ko dahil nag-away sila ng anak ko at di siya umattend ng graduation ng apo niya.

Nakakapagod

pagod na ako.
wish ko lang may lakas pa rin akong labanan si devil na nagpapahina sa akin ngayon.

13 Comments (+add yours?)

  1. MARU
    Mar 29, 2008 @ 07:34:59

    anniepie, palagay ko may PMS ka lang. hehehe! pero naiintindihan ko nararamdaman mo. since hindi ka naman bago jan sa UAE… lilipas din ang mga naramdaman mo. itulog mo na lang muna, pansinin mo bukas iba na ang mood mo.

    kung pwede, iiyak mo lang muna yan para gumaan din loob mo. ganyan ginagawa ko madalas hanggang sa mapagod ako sa kaiiyak.

    yung doter ko ga-gradweyt din sa lunes. hehehe! pareho kaming excited ng kuya nya at panay na ang kantiyaw namin sa kanya. congrats nga pala kay alyssa mo. hays…mga hi-school na ang mga junakis nating babae.

    dagdagan mo pa tibay ng loob mo. siguro magkaiba tayo…ako pag nasasaktan, mas lalo tumatapang. i get my strength in pain. sana maging ok na ang lahat sau. just hold on.


    Ganun din naman ako eh, pagnasasaktan, pagnabibigo, lalo akong tumataba. Noon yun. Mukhang inspired pa ako paglalong dumadami ang problema kaya di halata. Pero ngayon, i am slowly loosing weight at mukhang wasted. lol. Waaaaa! I can’t stand this anymoreeeee!

    teka sabi mo ba pms? yun ba yung premenstrual syndrome? kung yun yun buwhahaha! i hate you!!!!!! huy, wala pa ako jan kaya! hahaha! konting panahon pa naman kaka-mens lang ng dalaga ko eh. saka na natin pagusapan ang pms stage na yan hahaha!

    kidding aside, salamat always for the inspiring and motivational comments u always leave here sa bahay ko. walang kang katulad, kayo, mga wordpress friends. salamat..

    Reply

  2. ana_banana
    Mar 29, 2008 @ 12:43:44

    Hey! Girl, cheer up… lilipas din yang problem mo. Ganito talaga buhay nating mga ex-pat malungkot… ako lagi ko na lng iniisip na para din sa knila kaya nandito ako.

    Hold on sis! Kaya mo yan…


    matagal na akong naghohold on lol.

    sana nga kaya pa.😦

    Reply

  3. Prinsipe ng Pangarap!
    Mar 30, 2008 @ 12:38:52

    haiz. ganyan talaga eh. kabilaang problema.
    btw… san ka bang banasa ulet? gusto ko kasing mag-abroad para magtrabaho. kahit san basta kikita.


    nasa uae ako, punta ka na dito para dali para maabutan mo ang summer sa disyerto! hehe..

    Reply

  4. rhapsody
    Mar 30, 2008 @ 12:51:45

    malulusutan natin mga problema… mahirap lang tlga kapag iniisip kasi parang gusto ntin may solusyon agad… cguro we should learn how to be strong and patient… para kahit daming problema masaya pa rin tayo….

    sana nga baby na lang ako para walang probs lols.

    Reply

  5. Maldito
    Mar 30, 2008 @ 13:37:10

    kaya mo yan sis..struggles are part of our lives,,,wala ka nang magagawa dun, the best way is to breath some air, have time to contemplate and think things why they are there.

    Let your anak understand why you didnt come to her/his graduation. Communication is the best way to patch things up.

    Try to talk to your mom too.

    Let your brother apply to other companies.

    Laslty, pray and met God on your rest days.

    God bless you.


    Kuya Malds, ambot ah, budlayan na ko huhuhu.. pero sige lang.. salamat kuya. hmmm im gonna talk to my anak nga again and i know she understood me before na naexplain ko sa kanya and i wish she will keep holding on too. di ba?

    Reply

  6. sommer
    Mar 30, 2008 @ 13:51:44

    …hirap talaga ng ganyang feeling, yung parang nasa edge ka na ready to give up..basta hold on, have faith and pray…it works.=)


    sis, tenks! uy, mukhang nasarapan ka sa irish beer mo ah! haha! nabasa ko ang post mo eh, lols. hirap lang mag comment sa blog mo kase kelangan mag log on lols.

    cheers sis! ingat lagi jan sa dubai..

    Reply

  7. A Z R A E L
    Mar 30, 2008 @ 20:10:02

    pinapahirap mo masyado ang sarili mo. halika dito at paliligayahin kita.


    ayaw.

    Reply

  8. kengkay
    Mar 30, 2008 @ 23:10:34

    alam mo, ganyan din ang feeling ko — kapag sad tayo we simply wanted to go back to where we feel more comfort and that would be home😀 kauuwi lang namin galing pinas pero ang gusto ko bumalik ulit sa pinas… baka nga mapa-aga ang plano naming mag stay sa pinas e, sana … at kasama nyan e prayers, am sending you some prayers, too. at congrats at may graduate ka na pala.


    ate kenks salamat sa prayers, really malaking tulong yan at i know tumalab na ang prayers mo, natin, ninyong lahat. kasi may good news ako, unti unting lumuliwanag ang araw ko kanina. ika nga ni mareng maru, itulog ko lang, kinabukasan may bagong haharapin na naman. mabait si Lord, he hears me, us; all the time!

    Reply

  9. aga
    Mar 31, 2008 @ 00:52:33

    wow… reality ito…
    a admire you….
    asust…


    salamat. nakakagaan ng loob pagmay taong nakakaintindi. 😀

    Reply

  10. iceyelo
    Mar 31, 2008 @ 09:12:40

    sows… parepareho ang feeling ng tao sa bawat sulok ng mundo. Iba’t ibang dahilan pero parepareho ang pakiramdam.🙂

    Reply

  11. bato.pik
    Mar 31, 2008 @ 18:20:26

    “Nakakaiyak…

    umiyak nanay ko kanina kausap ko dahil nag-away sila ng anak ko at di siya umattend ng graduation ng apo niya. ”

    nakakaiyak nga… huhuhu… miss ko na din nanai ko na nasa ibang bansa… kaya yan. wag po ikaw mawalan ng pag-asa… ngingiti na yan.. ayaw pa.. hekhek. XP


    sana kaya pa. pray niyo naman ako. 😦

    Reply

  12. bato.pik
    Apr 01, 2008 @ 19:36:03

    hndi po ako ung nsa ibang bansa… nanai ku po. hekhek.. ahaist! dont be sad na…🙂


    di na ako sad tuwing nagboblog ako, isang way na nakakakabawas ng kalungkutan.😆

    Reply

  13. gingmaganda
    Apr 09, 2008 @ 12:47:45

    lungkot naman. sana mas okay ka na ngayon.😉

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: