LOTS About Dubai

See, read and learn more about Dubai.

dubai-1.jpg

dubai-2.jpg

dubai-3.jpg

dubai-4.jpg

dubai-5.jpg

dubai-7.jpg

dubai-8.jpg

dubai-10.jpg

dubai-11.jpg

dubai-12.jpg

dubai-13.jpg

dubai-14.jpg

dubai-15.jpg

dubai-16.jpg

dubai-17.jpg

dubai-18.jpg

dubai-20.jpg

dubai-22.jpg

dubai-24.jpg

dubai-25.jpg

dubai-26.jpg

Some of the tallest buildings in the world, such as Ocean Heights and The Princess Tower, which will be the largest residential building in the world at over a 100 stories, will line the Dubai Marina. The UAE Spaceport would be the first spaceport in the world if construction ever gets under way. This is not a joke.

The Dubai Metro system, once completed, will become the largest fully automated rail system in the world. The Dubai World Central International Airport will become the largest airport in size when it is completed. It will also eventually become the busiest airport in the world, based on passenger volume. There are more construction workers in Dubai than there are actual citizens.

Nakakamangha di ba? Nakakalula tingan, lalo na kung andito ka at nakikita mo ng harap harapan. Oo, totoo ang mga yan, isa-isa, unti-unting nasasakatuparan lahat ng mga iyan dito sa Dubai. Kumbaga sa kanilang ruler, “walang imposible, gusto ko to, gawin mo. gusto ko lahat ito mangyari ngayon din, gusto ko ganito ganyan, gusto ko the best para sa mga tao ko”. Magaling siyang leader ng kanyang mga kababayan. Ang mga locals ditto ang pinaka priority niya. Feeling niya baby niya ang mga tao niya, lahat naiisip para sa kanilang kapakanan.

Eh, ang mga expatriates kaya? Dalawang klase pala kung iisipin mo, dalawang kategorya ang mga ibang lahi dito kung tutuusin. Una, the rich, obviously sila ang mayayaman na can afford ng lahat at pangalawa, kami, na nagtatrabaho, sumasahod, kumakayod to exist in this part of the world for our families back home. Kalimutan na natin ang mga mayayaman, wala akong paki na sa kanila. Ang isip ko gumugulong sa mga ka-level ko o kung merong pang mas mababa (sad to say pano naman ang mga janitors na napakababa ng sahod, hardinero na bilad sa init, housemaids na kalimitan ay naaabuso ng mga amo, metro aid na winter at summer ay tinitiis hanggang 45 degrees centigrade kulang na lang lagyan sila ng asin at puwede ng prituhin at kamukha na sila ng tuyo; tuyong tao nga lang).

Ang plano na yan na na nakikita niyo sa pics ay unti-unti ng nagkakatotoo, yung iba gawa na, yari na, binisita na at kasabay din sa plano na ito ang pagtaas ng lahat ng bilihin, pamasahe at lalo na upa ng bahay. Dito ang presyo ng upa ng bahay ay parang naghuhulog ka sa bangko kada buwan at wala nang bawian. Approximately sa isang taong upa ng 1 flat 3 bedroom will range from P600,000.00 – 850,000.00 per year. O di ba ang saya-saya nila?! Sa Pilipinas, ang ganyang amount ay mag maganda ka ng bahay na sa iyo nakapangalan na talaga, dito hindi. Habang buhay mangungupahan ang mga ibang lahi dito dahil walang karapatan bumili ng property and that’s the rule. Kaya naman nung naglipat ng bahay si Mylene aka Rhapsody na feel ko ang hirap kase maghanap pa lang ng bahay eh phirapan na makikita. Pagbalot pa at pagbuhat at pag-akyat ng mga gamit sa building. Huhu.. Buti na lang at nakaraos na siya.

Anyway, eto nga, ang mabilis ng inflation siya namang di tumataas ang sahod ng mga empleyado ng private sectors. Nabalita na na ang tumaas na ang sweldo ng mga government employees, shempre halos mga local eh.

Basta, pray ko lang na sana, kahit sa panaginip, ang Pilipinas ay makabawi sa state of living, ekonomiya. Mawala na ang mga magnanakaw sa gobyerno natin.

8 Comments (+add yours?)

  1. Fau Rafili
    Mar 09, 2008 @ 05:48:15

    natagalan man ang pagload ng pix. ayos naman. gusto kong pumuntang DUBAI.


    Haha! Dami noh? Oks lang habang nagpapababa ako ng kinain. Wag ka ng pumunta. Lol.

    Reply

  2. Geisha
    Mar 09, 2008 @ 07:22:01

    OMG!
    tagal na akong na hooked sa mga developments ng Dubai the first time i saw the documentary of palm jumeirah in national geo!

    sana makaunta na ako jan! now nah! hintayin mo ko jan mare🙂

    “ding ang bato”

    “DARNA!”


    kung si mareng maru pa, kapag si reyna ang bumibisita sa blog niya eh nayayanig ito. ikaw naman pagdumadan dito, mundo ko ay nagigising dahil nabubulabog ni darna! i like, bulabugin mo ako para naman magising ang mga tao dito at nadadagdagan ang mga magaganda! 😆

    Reply

  3. eNocH
    Mar 09, 2008 @ 14:41:26

    isa lang reklamo ko, pamahal ng pamahal ang rent ng bahay sa dubai! haaay…


    dubai ka rin ba?

    hay naku 6 years ago, ang upa ng isang room ay 800 lang ngayon times 3 na!

    buti na lang sa company house lang ako walang bayad. hehe.😆

    Reply

  4. ladyracer
    Mar 09, 2008 @ 19:54:48

    grabe. ang daming architectural master pieces… ganda🙂


    honga gusto nila manguna sa buong mundo. hehe.. musta na sissy?😆

    Reply

  5. Rhapsody
    Mar 09, 2008 @ 21:06:55

    jan ako bilib sa Dubai, mabilis ang trabaho kahit pa milyon milyon ang halaga ng project. Tignan mo ang Dubai Metro ang bilis dibah. Pangit lang expats din ang nalulugi at nahihirapan sa sobrang taas talaga ng expenses sa ngayon.

    hay na-feel mo rin pala ang hirap huhu talaga… buti nalang nakakatulog na ulit ako ng maayos pwera lang pag inatake ng insomya hehehe…


    buti naman at nakaka adjust ka na sa bago mong bahay. ramdam ko talaga ang super pagtaas ng mga bilihin sissy. iba noon.

    Reply

  6. dhez
    Mar 09, 2008 @ 21:12:41

    ay naku korek ka dyan banana.. lahat ng bilihin ay pataas narin ng pataas.. iniisip ko nga, parang pilipinas narin pag unti unti pa ang taas ng bilihin dito.. hirap narin noh? hehe…


    unti unti pa ba? mahal na nga eh. grabe. compare mo 10 years ago, naku laki ng tinaas. kala ko nga noon di dito tatablan ng inflation kase kelan lang naman nagtaasan eh. hays.. kelangan ng mag ipon at makauwi na sa atin. 😥

    Reply

  7. Geisha
    Mar 10, 2008 @ 05:50:48

    hahahahahah mababaliw ako sayo nyan mare… bwahahahahha🙂

    cge kung yan ang gusto mo😆

    granted!


    awww!

    Reply

  8. sommer
    Mar 11, 2008 @ 14:13:19

    …at ang nakakaaliw sa burl al arab, aside from being a 7 star hotel, sa isang view (back view) talagang visible ang shape ng isang crucifix…sa isang muslim country.=)
    di ko sure kung totoo, sabisabi kasi nung kadadating ko d2,isang pinoy daw architect ng hotel kaya pinilit nyang magkaron ng cross ang hotel. at balak bilhin ng k.s.a ang hotel para pasabugin dahil sa cross?


    ang filipino architect medyo alam ko yan but the sabugan issue di ko alam yan. hehe..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: