“Zero” Night Life

Feeling ko napaka good girl ko na, mga ilang buwan na rin. Trabaho-bahay, bahay-trabaho lang inaatupag ko. Dagdagan pa na umuwi ako sa atin, sa probinsiya ng Negros Occidental, lalong walang night dun at lalong naging full time mother, sister and daughter ako ng 40 days.

Pagbalik dito, trabaho ulit. Trabaho, trabaho, trabaho. Medyo di naman ako nagrereklamo sa trabaho kaso lang minsan gustuhin ko man mag enjoy, na miss ko na ang night life kahit isang gabi lang. tsk. Oo isang gabi lang. Ilang buwan na rin ako di nakakapasok sa paborito kong puntahan na mga bar & lounges dito (isang drink lang naman sana). Hehe.. Wala lang.

Ngayong panahon, sa dami ng problema ko, high school na anak ko, parating pa dito kapatid ko, mga gamot pa ng nanay ko, basic needs nila sa Pinas, juice ko po, tulungan mo ako… ayokong magmukmok sa apat na sulok ng kuwarto ko at isipin ang mga ito. Oo, kelangan talagang isipin at gawan ng paraan para ma solve ang mga ito, pero tiyak ata na pasan ko na ang buong daigdig sa sitwasyon ko.

Sinubukan kong magbeach mga nakaraang linggo para at least makasinghot ako ng preska na hangin para mabago man lang sa nalalanghap ko na puro alikabok ata ang daluyan ng hangin ng central AC nitong building namin lol. Makarinig man lang ako ng masayang daloy ng tubig o nga mga alon sa dagat at hindi puro boses ng mga panauhin sa trabaho na walang alam sabihin kundi kung ano ang gusto nilang ipapagawa.

Anyways, ayoko ng isipin ang problema ko dahil lalo ako nangagayayat. Kaya ko pinalitan din ang aking black and white header at black and white picture para gusto ko lahat ng pangyayari sa mundo ko ay makulay. Pasensiya na muna Robin aka Azrael, pagbakasyunin ko muna ang ginawa mong header sa akin. Pagmakulay na ang mundo ko, saka ko na siya ibabalik. tsk..

1 Comment (+add yours?)

  1. gasti
    Mar 03, 2008 @ 11:49:14

    mukhang mahirap nga yang sitwasyon mo ah. sariling sikap lahat..home sick pa. at wala pang night life..hehe! di ako nahilig s amga gimik na ganyan kasi di naman ako palabas sa gabi pero hindi naman nakakasama ang minsan minsang pagpunta sa mga bar para aliwin ang sarili. kelangan mo rin naman i-enjoy minsan ang perang kinikita mo.

    sige na..inuman na! hehe!

    di naman yung inom na magpapakalasing. social drinking lang pero 1 drink lang. haha! 😆

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: