The Washing Machine And The Shrimps

Two weeks na akong di nakapaglaba ng mga damit kong pangbahay sa kadahilanan na nasira angimage009.jpg washing machine namin sa flat. Nagsimula sa 1st degree sira, nung pinilit ng flatmate kong hugutin ang handle ng washing machine na wala pang 2 minutes (ito po ang timer ng fully automatic washing machine, from its stop time, magbigay pa ng 2 minutes para mabuksan ang pintuan dahil naka auto-lock for safety purpose) saka siya mabuksan. Pero sa mga oras na iyon, di ko alam kung talaga bang hindi ito mabuksan o talagang pinilit siyang hatakin pabukas at tuluyang nabali and handle ng pintuan! Waaaaaaaa!

Nang dahil sinira niya, medyo nagaalangan siyang magsabi sa HR namin na sira na yung washing machine sa bahay at kung puwede ipaayos kung hindi man kaya na palitan na lang nakaisip siya ng paraan kung pano mapagana ito ulit. Merong nakausli na part sa may pinto ng washing machine at para maipasok niya ang nakausli, ginamitan niya ito ng kutsara para masarado at ma lock ulit, pinaandar at nagtagumpay siya! Gumana ulit at nakapaglaba pa kami ng 1 week. Kung pano namin nabubuksan, kelangan din ng handle ng kutsara para ipasok sa maliit na butas ng nasirang handle para mausli ulit ang lock. Hehe… Kumbaga, hi-tech na hindi rin. Lols.

Pagkalipas ng isang linggo, habang kami lahat sa bahay ay nakahiga, nagpapahinga, biglang may dumagundong sa kusina kung saan nakaroon ang washing machine! Ang ingay na narinig namin ay para bang bumagsak lahat ng mga cabinets at kisame ng sunod sunod! Haha! Shempre napatalon kami sa kama at sabay pang lumabas ng room at tingan kung anong krimen na ang nangyayari sa kusina! Haha! Nakakatawa yung washing machine tumatalon mag-isa! Waaa! At dahil sa super bigat nito, ang ingay eh di mo maipaliwanag. Habang tumatalon, naglalakad pa papunta sa kabilang sulok ng kusina at buti na lang mahaba ang hose, at power cable nito!

Hays. Kaya ayun, di na magamit. Buti na lang, at meron akong sariling spare na washing machine pero semi-automatic naman ito. Wala na akong magawa kanina dahil sa sobrang dami na ng labahin, kelangan kong gamitin. Sinalang ko mga labahin ko at sabay nagluto ng halabos na hipon. Habang pinapakuluan ko ang hipon, dinala ko sa banyo ang nalabhan na at doon magbanlaw dahil wala nagang permanenteng hose sa tubig yung washing machine ko. Habang nagbabanlaw ako sa banyo, nakasarado ang pinto nito, kung bakit ko sinarado, di ko alam. May naamoy akong amoy ulam o sunog pero di ko madistinguish sa dalawa. Medyo nakalimutan ko ata ang niluto ko at talagang tinapos ko ang pagbabanlaw ng damit. Pagbukas ko ng pinto, ang usok sa kusinaaaaaaaaa waaaaaaa! Sunog ang hipon ko, tumunog ang fire alarm waaaaaaa ulit! Anak ng ina hipon talaga at washing machine! Shempre, umakyat ang natur (guard) sa flat namin at pinagalitan ako at sa malas ko ako lang mag-isa sa bahay namin at ako mag-isa lang sana ang masusunog. Tsk tsk..

Ang tanging nasabi ko, “malesh baba” (sorry father in arabic). Sabay tingin sa akin ng natur. Sa loob loob ko wag ka nang bumanat jan kung ayaw mong makita akong nakahubad sa harapan mo. lol.

1 Comment (+add yours?)

  1. sommer
    Mar 02, 2008 @ 20:56:04

    …hehehe! yan ang perks ng buhay ofw…sariling laba!=) at least kaw me spare washing machine ka, ako nung nasira washing machine namin, halos 2 months na de-kusot mga damit ko!whaaa!!!(wala akong tiwala sa mga laundry shop d2, baka isama sa damit ng mga patan ang mga damit ko e!hehehe!)

    Awww 2 months?! Kakapagod yan ha. Di naman sa nagaarte pero kase after a long day work, siguro naman we deserve to rest somehow di ba? Lalo na sa day off dito na once a week lang, sa araw ng off ko, I do not want to do any house chores! Yan ginagawa ko the night before, so the following day, I can do whatever I want to. Number one: humilata sa bed hanggang gusto ko, number 2: kumain ng masasarap, number 3: stroll around mall, or not beach side.

    True ka jan sa laundry dito, I never ever give my clothes or sheets sa kanila, I wash it by my own. Sure pa na manilis at walang halong pawis ng patans. lols 😆

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: