Basa Sa Ulan

Simula nung Sabado hanggang Miyerkules umuu-rain dito sa Abu Dhabi. Minsan lang sa isang taon nagyayari ito pero ngayong taon, kakaiba dahil umulan ng 4 consecutive days. Wala pa naman akong payong pero thanks for the company transport at malaking tulong dahil hatid sundo ito sa harap ng bahay naming mga empleyado kahit naman tag-init eh ganun din.

Masarap mag stay lang sa bahay sana, magluto ng lugaw, sinigang at tuyo, magluto nang magluto, pati luto ni lord, sarap sana.. Kaso hindi, kelangang bumangon at magtrabaho. Ok lang at least nababasa. Tsk.

image204.jpg

image203.jpg

image202.jpg

image201.jpg

18 Comments (+add yours?)

  1. taroogs
    Jan 18, 2008 @ 17:51:25

    nabalita nga po sa BBC yang pambihirang pagbuhos ng ulan sa bandang inyo, miss banannie… may mga lugar pa nga daw na nalubog sa baha? siguro nag flash-back sa inyo ang mga eksena sa espana sa tuwing tag-ulan ano? hehe


    opo kuya T, ang saya saya ko. kase parang nasa Pinas ulit ako. lamig ng panahon. sarap hehehe..

    Reply

  2. wewillgetbywithasmile
    Jan 18, 2008 @ 22:31:12

    I❤ the rain!
    masaya ang ulan.
    :p wala lang.

    Reply

  3. MisyeL
    Jan 19, 2008 @ 00:17:04

    Para ngang sa atin ang mga eksenang ‘yan, namiss ko din yung ganyan… Tama ka masarap nga ang tuyo, lugaw at mga sinabawang ulam kapag ganyang panahon.

    Ingat Annie!

    Reply

  4. Win $250
    Jan 19, 2008 @ 03:30:30

    Naku ok lang yan. Kaysa naman dito 4 days lang ang summer last year. walang araw na di umuu-rain.

    kamusta na po. Happy New Year.

    Reply

  5. brath
    Jan 19, 2008 @ 06:38:47

    bananie mas masarap kung may ka hug ka habang umuulan aw!

    xiao!

    Reply

  6. Raymond Lee Quijano
    Jan 19, 2008 @ 09:14:48

    nixce pixc! well, ganyan ang epekto ng global warming. wag kana magtaka. ^_^

    Reply

  7. S3lv0
    Jan 19, 2008 @ 11:40:36

    hehehe kawawa naman pala jan malaking baliita pag umulan… e di basang-basa ka annie pie hehehe

    Reply

  8. dhez
    Jan 19, 2008 @ 18:46:35

    hehe.. sis kaka ulan lang din last week, grabe noh? buti na lang at hindi na umuulan..🙂

    Reply

  9. eNocH
    Jan 19, 2008 @ 20:09:42

    at mukhang nagbabadya na naman ang ulan ngayon darating na araw! teka, sobrang lamig kagabi, naramdaman mo? hehe!

    Reply

  10. pinay von alemanya
    Jan 24, 2008 @ 07:13:16

    Hallo! Napadaan ako sa yong blogs sa aking paghahanap
    tungkol sa mga isla sa Pinas pero napapunta yun search sa ulan mo dyan. Interesting. Kami din dito sa Alemanya, walang snow, puro ulan…grey days for weeks.

    Hanggang sa muli!

    Pinay von Alemanya

    Reply

  11. Blogoloco - Win $250
    Jan 25, 2008 @ 01:38:08

    Sorry OT – May kamukha ka talaga dito sa England.


    Sino po yun. lol

    Reply

  12. MisyeL
    Jan 26, 2008 @ 11:37:58

    Hi Annie, I know busy ka just want to let you know may tag ako sa’yo kapag di na masikip ang sked mo pakichek na lang po. Tenk yu! Have a nice weekend!😉


    Alam ko malaki ang kasalanan ko sa yo sister mitchy. Sorry talaga sa meme na ito at di ko pa nagagawa. Im gonna do it naman, hmm,, shempre shy ako pag di ko magawa. pag may time ha, super busy lang kase. 😥

    Reply

  13. bluep
    Jan 27, 2008 @ 13:18:26

    lakas ng ulan Banana. I really thought na di masyado naulan jan sa parte nyo. engot talaga ako. naulan din pala. Sensya na ngayon lang ako nakadalaw sa mga tiga WPP at kagagaling ko lang hiatus. At mukhang hiatus na naman ako this coming feb to may.

    Happy sunday sa’yo kapatid


    BlueP! Hehe.. Tama ka, di umuulan dito, tuwing winter lang talaga, hmm usually december lang uulan, siguro 3-5 times a month. lol.

    Reply

  14. Blogoloco - Win $250
    Jan 28, 2008 @ 09:01:15

    Umuu-rain pa rin ba diyan ngayon?


    yep, paminsan sa isang linggo, good news na yan dito. hehe..

    Reply

  15. chillidobo
    Jan 28, 2008 @ 18:14:31

    yan yata ang ulan na ayaw kong labasan para maligo. baka tangayin ako. malakas yata ang hangin masyado

    Haha, oo nga nakakatamad maligo! pero kelangan eh, tsk…

    Reply

  16. chuvaness
    Jan 30, 2008 @ 07:33:00

    wow! umulan jan? hehehe…sana dito sa Pinas mag SNOW kahit isang araw lang aahahaha

    Reply

  17. msdopey
    Feb 02, 2008 @ 10:31:06

    ms banana. pinadala mo ata dito ung ulan… upset tulong yong biik ko dahil umulan da whole day.. miss na daw nya ang snow. kamusta naman po ang abu dhabi

    Reply

  18. rommel
    Feb 09, 2008 @ 07:19:41

    Siguro pati sa amin pinadala mo din yung ulan. Uncharacteristic din ang ulan dito sa Oz. Summer namin ngayon pero mas madami yung araw na umuulan – buti naman kasi may drought dito matagal na. Ngayon naman puro baha at saka hailstorm. Ngayon lang naka experience and mga anak ko ng bagyo kaya ito – kinunan pa nila – Link to my blog on that rain


    Hi bro! thanks for dropping by and for the comment too!

    Tama ka jan, kung minsan lang tlaga nagyayari ang isang bagay lalo na yung kinagisnan natin sa pinas eh kung puwede lang may remembrance talaga. Buti ka at kasama mo family mo jan, ingat kayo po, God bless!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: