Guilty

Went to the mall this evening. Sa pagod, we went to a cafe with Mr. Banana, had coffee and a cig to relax our tired legs. Just in time when I felt nature was calling me. Inside the ladies’ toilet, there is this small girl, around 5 years old (ibang lahi) who wanted to wash her hands pagkatapos magpee. Eto namang si nanay na nagmamadali, nagsalita na ng lingwahe nila na ibig sabihin daw ay “wag na at lumabas na tayo”. Yung bata ay nagpupumilit at dahil sensorised ang gripo, di maabot kaya di lumalabas ang tubig. Makulit ang bata, nagpupumilit sa nanay niyang tulungan siyang buksan ang gripo. Matigas si nanay, di pinapansin ang bata na gumagawa ng tama. Ayun at iniwan ang anak at lumabas. Sa takot ng bata na maiwan, umalis na lang na mukhang kawawa, di nakapaghugas ng kamay at tumakbo sunod sa nanay.

Di ko maintindihan kung bakit may ganun. Gusto ko sanang makialam, gusto ko sanang tulungan ang bata maghugas ng kamay pero baka ma-offend ang nanay. Mas malaki pa naman sa akin ng di hamak. Wala akong nagawa. Guilty ako.

11 Comments (+add yours?)

  1. S3lv0
    Jan 09, 2008 @ 07:12:49

    happy new year anniepie. naku kahit anino mo di ko nasulyapan. hope nakapagrecharge ka sa inyo nung bakasyon. muah!

    Happy new year too Kuya! Di bale may next time pa!😀

    Reply

  2. bursky
    Jan 09, 2008 @ 09:02:22

    awww… ok lang yun, miss banana. one thing could’ve led to another thing if nakialam ka.

    madaming beses ko na na-experience yang ganyang situation. and always, nagsisisi ka sa huli, pagkatapos ng lahat. but i always find the resolve to say to myself na ‘kapag nangyari ulit yun, gagawa ako ng mabuti, hindi na ako magdududa’.🙂

    Minsan kase nag-aalangan akong makialam sa mga sitwasyong yan, di naman emergency talaga so… true, next time, i’ll be more alert.

    😀

    Reply

  3. Raymond Lee Quijano
    Jan 09, 2008 @ 10:59:25

    wag ka na ma guilty.

    at least…

    next time…

    … you know what to do. ^^


    Aww, maraming salamat rlq dear

    😀

    Reply

  4. taroogs
    Jan 09, 2008 @ 14:15:36

    isipin mo na lang na “wow mali” gag yun… at buti di ka naloko🙂

    Reply

  5. camille
    Jan 09, 2008 @ 21:33:26

    ay ganun.

    wawa naman yung bata.

    kung ako yun, malamang inaway nko ng nanay hehe. kaso baka di rin kami magkaintindihan. bka mag arabic pa yun, nakoww… di nko mkakaimik nun.

    ay miss annie, link po kita ha😉

    sana ok lang.


    Haha, ang laki ng nanay nakakatakot! lols.. Sure link you up din!

    Reply

  6. Trackback: » Blog Archive » Bold + Outrageous = Bodacious
  7. MisyeL
    Jan 10, 2008 @ 01:16:55

    Ok lang yun, mahirap talagang maki-alam minsan ikaw pa masisisi sa huli…

    Dugyot lang talaga siguro si Nanay😆


    Haha sis! Natumbok mo dugyot nga sila. 😦

    Reply

  8. badoodles
    Jan 10, 2008 @ 12:34:35

    nakarelate ako. may mga similar encounters din akong undecided ako kung anong gagawin – may magsiyota kasi tas ung boypren sinasapak ung gelpren, sa harap ng maraming tao. e kumakain ako ng balut, sa isip ko pag sumigaw pa tong bf e makikipagbasag ulo na ako. apekted ako e.e kung mabulunan ako sa aking seryoso at matinding pagkain ng balut? buti na lang hindi umabot sa ganun.

    pag binigyan ka ng chance tumulong, go! go! baka naman di marunong gumamit ng sensorized faucet si inang kaya paepek ang galit. hehe.

    ngapala, pitch in ko na rin, di ka pa bumoboto sa aming search for d best pinoy humor blogs. hetong link: http://kwentongbarbero.com/project-lafftrip-laffapallooza/

    suportahan ang mga ka-blogs na nag-umaapaw sa humor at nagpapaligaya sa yo sa araw araw!


    Aww, dumaan si Pareng Badoods (shy). lol. Honga baka di pa si mama maruning gumamit ng faucet tsk.. Saka di ka naman pala concern dun sa girl eh kundi sa balut baka bumara sa lalamunan mo haha! Heniweys, sure mag cast ako ng votes ko soon. Salamat sa pagdaan Kuya!

    Reply

  9. lei
    Jan 10, 2008 @ 15:25:24

    uu nga naman okay lang yun, kasi minsan ikaw ng gustong makatulong ikaw pa ang nagmumukhang masama.


    Hi Lei, thanks for dropping by! Totoo yun, lalo na pag ibang lahi, back off ka na lang. 😆

    Reply

  10. glitch
    Jan 11, 2008 @ 08:20:03

    Ok lang yun sis. May similay encounter din ako, at naging pakialamera na hindi halata. Dami tao kya binuksan ko at wait dahil maghuhugas din ako.
    Kung minsan kxe hindi din natin matiis dahil sa kultura natin.

    Anyway, sensya na po at matagal na di nakadalaw. Back to normal na po ulit, daily visits. Naglipat na po ko ng bahay, wla pa nga po ayos. ahehe


    Hello sissy! Dumaan ako sa bahay mo, good luck. Nice one! Mwuahs!

    Reply

  11. brath
    Jan 11, 2008 @ 11:13:10

    ang importante e yung concern mo para dun sa bata o diba ang sweet?

    xiao!


    Sissy, oo nga eh, but wala akong ginawa. Siguro next time makahanap na ako ng diskarte. 😆

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: