2007 Travel Experience

03rd December 2007,

2am pauwi ako sa Pinas via Etihad. First time ko sa airline na ito kaya medyo excited ako. Hmm.. sa hapon palang around 4pm ni-check in ko na mga bagahe ko sa AUH City Terminal para in case may excess baggage man, may time pa akong makapag-adjust ng mga dala. Normally pag ibang airline eh may charges ito but for Etihad it’s free. It’s nice, I like it, coz it’s free lol. Sino ba hindi? Hehe.. Excess nga ako ng 27 kgs. Iniwan ko na lang ang isang maleta na puno ng pasalubong na kung anek anek. Ang kapatid ko na uuwi rin next week ang magdadala nito, I advised him na wag nang bumili pa ng kung anek anek. Hope he won’t exceed too. Pinoy na pinoy nga ika ni Maru lols.

 

After the check in ng bagahe I went home, relax, and took a hot bath and blow dried my hair. I reached the airport at around 12 midnight. Iba na pala ang check in area ng airline na ito. Nasa basement na, at solo lang ito. Kaya medyo aanga anga ulit ako tsk.. Pero ok lang dedma lang, go with the flow where the crowd goes hehehe! Pero ako since wala ng dala, diretso na ako sa immigration then in na sa boarding area. That time wala pa masyadong tao pero nagulat ako kase di pala diretso sa AUH Duty Free, kelangan mo pa ulit lumabas sa boarding area, scan ulit ng handcarry saka ka makalabas and same thing pagbalik mo. So medyo hassle at ayoko na gumala pa so I stayed at the munting coffee shop na non-smoking. Owel, gusto ko sana mag coffee or whatever but since I can’t smoke, I prefer not to order anything lols. Wala pang limang minuto at na bored ako tumayo ako at nagpaikot ikot sa munting tindahan na may kung anek anek like liqueur, cigarettes, chocolates, mobile phones etc. May nagustuhan akong mobile phone na simpleng model lang ng Nokia, I liked it, I bought it. Mura lang kaya di ako nanghinayang and since pinabaunan din ako ni fafa, seems like it’s free, I liked it, niyahaha! Bumili din ako ng baon kong cigarette, lalo na yung MGreen wala kase sa labas nun hehe.. Nung nasa que na ako sa kahera, medyo natagalan ako kase yung nauna sa akin na pinoy eh isang dosenang premium brand ata ng liqueurs ang binili at kelangan pa isa isang i-seal. So para maaliw ang beauty ko, nag piktyur muna ako, patay malisya hihi..

 

Bumalik ako ulit sa coffee shop pero puno na kase unti unti na ngadatingan ang mga pasahero. Naghahanap ako ng maupuan, may nakita akong table na isang couple ang nakaupo at may libre pa na isang upuan. Magtatanong na sana ako kung puwede maki-share sa table eh yung tabing table na may nakaupo na dalawang mama ay nag offer “Miss, ito oh” habang tinuro ang isang upuan sa table nila. Ako naman ay nagpauto at umupo pero nakatalikod sa kanila. Pero sanay naman na ako sa mga kalokohang ganyan kaya nakisakay na din. Wahehe.. Napatingin ako sa couple napangiti at ganun din sila. Ambilis ng dalawang mama na mukhang 3 days na na hindi naliligo at di natutulog. Tahimik lang akong nakaupo, kinakalikot ang cellphone. Sila naman tahimik din pero alam kong magkakilala sila. After mga sampung minuto di na siguro nakatiis ang isa at nagsalita na. “Miss, saan ka galing?” I said “Sa bahay”. Tama naman di ba? Nangiti ang mga loko. Sabi ko, “Hindi, dito lang ako sa Abu Dhabi. Kayo, saan pa kayo galing?” “Sa Darfur pa kami miss.” Naknang.. Eh South Africa pa yun. Yun pala pangatlong stop over nila ito at 12 hours na silang naghihintay ng flight pa Pinas. Kaya pala mukhang wala nga silang ligo lols.. Sabay ayun kuwentuhan, nakisakay, habang naghihintay ng boarding. Nung malapit na ang takdang oras ng aming pagpasok sa eroplane, humirit siya na kung puwede niyang hingin ang aking email addy. Ayun binigyan ko naman kase kalokohan naman kung sasabihin ko na wala. Di naman kapani-paniwala kung sabihin kong wala. Ayun binigay din niya yung kanyang email addy. Nagkakilanlan din kaming tatlo. Sa patuloy na pakikipagtalakay namin eh nakilala ko naman sila unti unti, at maayos naman. Sa katunayan eh sila ang nagbuhat-buhat ng 7 kgs kong handcarry. Shempre binabantayan ko rin. Mahirap na. Ang mga names pala nila ay Kuya Bong at Kuya Bricks. Lols.

 

Habang papalapit na ang boarding time eh halos puno na ang boarding area at halo halo ang mga taong lilipad, di lang sa iisang place. Kaya kung talagang aanga-anga ka at first timer pa baka ibang eroplane masakyan mo. Naku at kahaba ng pila sa exit gate namin dahil di nga masyadong organized. Lalo na yung mga babies na nagiiyakan sa sobrang dami na ng tao. Ayun at may isang mama na nag suggest na mauna na sila sa pila na dapat ganun naman talaga. Habang papalapit na ako sa may exit gate eh napansin ko na hindi pala eroplano ang sasakyan namin. Niyahahaha! Isa siyang bus! Asus, at ang mga nakapila lalo na yung inip na inip na eh di mapigilang di magkumento, “o sakay na sakay na may libre pang upuan!” Naalala ang pagsasakay sa mga bus sa Pinas. Tawanan naman lahat. Sumakay kami ng shuttle, papunta sa eroplane ng Etihad. Nasa loob na kami ng plane eh itong dalawang kuya na nakilala ko ay nagtanong “Ann, ano seat number mo?” Asus mukha atang gusto pang tumabi, wahehe.. “Ay kuya ewan ko, basta alam ko sa pinakadulo ako ng eroplano.” lol. Kuya, alam ko ang seat number ko pero wag ka ng tumabi pa lol. Buti naman at di nagpurisiging tumabi.

 

Hokey, nasa loob na kami ng eroplane. As usual bati bati all smiles ang mga crew sa bungad ng plane. Lumakad na ako sa aking seat. Medyo nabigatan ako sa aking hand carry at di ko masyadong abot ang overhead compartment kaya naghahanap ako ng crew para tumulong sa akin. Nakita ko ang isang crew, pinoy, guwapo, hihihi… I nodded at him and sumenyas sa handcarry ko asking for assistance sana. Aba, dedma siya! Nagulat shempre beauty ko! Okey, palalagpasin ko ito baka di lang niya ako nakita sa sobrang puti ko o di kaya sa sobrang liit ko. tsk tsk.. Dumating ang isang female crew, i think Russian siya na mukhang doll kaya ang cute cute niya. Nagsalita na ako. Lumapit siya, di pa nga niya nabuhat ang bag ko eh nag ask na agad ng assistance dun sa pinoy na kasama niyang naka assign sa section na kinauupuan ko. Lumapit si pinoy pero umalis naman si Russian. Duh! Di nga rin pa nabubuhat ni pinoy ang bag at tinawag na ang papalayong kasama at sinabing, “Can we do this together?” Di naman narining ni Russian. Niyahaha! Nag-init na ulo ko, kaya pala may kaartehan itong si pinoy ay dahil isa siyang bading! Nakikita kong medyo iritado siya habang nag-aassist ng kanyang mga kababayans. haysss… Life… Kabayan mo na nga eh hesitant pang tumulong. At hello!? Trabaho kaya niya ito noh!.. Ang ginawa ko, binuhat ko na lang ang dala ko, wiz na akong naghintay pa sa bading na ito dahil talagang mainit na ulo ko. Buwisit! Maganda pala pagmedyo kabado ka na sa galit o inis dahil nakakaya mong gawin ang di mo makaya kung normal ka. lol. Sabay sabi ko, “thank you” nang maayos. Aba, dedma ulit ako. Tumalikod lang at umalis. Putek kang bading ka! Galit ata ito sa mga babae eh! Di po ako mataray, mabait ako at maganda. Niyahaha! Hokey, cool pa rin ako.

 

Actually, ang flight ay delayed na ng 1 hour, I expect that the crew will be extremely careful and act nicely sa mga passengers nila para at least makabawi man lang dun sa pagkadelay ng flight. Pero di nangyari yun. Naiintindihan ko work nila, pero sana, gawin nila ang dapat.

 

At 3am lumipad na ang eroplane. Pagod ako kaya plano kong kumain muna bago matulog sa buong biyahe. Pero di rin nangyari yun dahil ang sa likod kong dalawang pinays eh ang lakas kumantaaaaaaaaa! Waaaaa! Feeling nila sa bahay sila! Niyahaha! Di naman ako nagreact o sinaway sila dahil mabait nga ako at pasensiyosa. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na, tumahimik ka at makinig ka na lang. Pero grabe ha, umabot ata sila ng apat na oras sa kantahan, kuwentuhan at tawanan. Ok lang inintindi ko kase baka mas excited pa sila sa akin na makauwi ng Pinas. Hehehe.. Kaya ang ginawa ko ay inentertain ko na lang ang sarili ko at namili ng videos na panonoorin, o di kaya nakinig sa kanilang maraming choices ng music o games, mapa online chat pa. This is the good thing i liked sa Etihad, maganda ang kanilang entertainment. Salamat at lumipas ang 9 hours dumating na rin kami dito ng safe at around 2 pm of 4th of Dec. at nakodakan ko ang unang isla papasok sa Pilipinas dahil sa excitement.

dsc02141.jpg

dsc02137.jpg

Nakakamangha din itong nakita kong mga ulap na malayang lumulutang sa himpapawid. Siguro yan ang feeling ng high sa droga. Yan nga ba?

dsc02149.jpg

Going down….

dsc02148.jpg

Nakikita ko na ang Pelepen land…

dsc02150.jpg

Malapit naaaa…

dsc02152.jpg

Nakikita ko na ang SM lols..

dsc02155.jpg

Weeee! I’m on the Pilipin land hihihi…

Dahil kelangan ko bang habulin ang 4:30 flight to Bacolod via PAL, parang sinisindutan na puwet ko sa kakahintay ng bagahe ko na lumabas. After one hour and a half, ayun lumabas din. tsk.. I reached terminal 2 at 4pm. Close na ang check in counter to Bacolod. nakiusap na lang ako at inexplain ang situation na galing pa akong international flight kaya i need to be in the plane no matter what. Lol. Ayun, mabuti na lang and the 2 lovely Filipinas ay ni-consider ako. So there I go, tumakbo na agad sa gate 1 na kalayo-layo dahil nakikita kong wala nang tao sa area na iyon at sila ay nasa loob na ng plane. lol.

 

I reached Bacolod airport around 5:45 pm, at wala akong may nakitang sundo ko kahit isa. waaaa! Yun pala, natraffic daw sila (2 brothers and my father na kahit di makalakad ng tuwid sa rayuma niya ay sumama pa rin sa pagsundo sa akin dahil dumating na ang pinakamaganda niyang anak wahehehe) sa labas. After 15 minutes pa sila dumating at 15 minutes din akong naghihintay sa loob ng airport. Bumiyahe ulit ako ng 45 mins from Bacolod to Victorias. Hakapagod!

 

Ps. Yan lang po ang pictures dahil lahat ng kuha na merong itsura ko ay nasa cellphone ko lang dahil nahihiya akong gumamit ng camera at magpiktyur ng sarili. waaaaa. Yung bluetooth ko ay naiwan ko sa AUH kaya di ko matransfer. Ganda ko ano? I know. Thanks. lol. 😆

8 Comments (+add yours?)

  1. Fau Rafili
    Dec 18, 2007 @ 10:05:58

    wow ang ganda pala ng view ng Pinas sa tuktok hahaha!

    Naman Fau, di ko na nga sinabi ikaw ibubuking mo talaga na puro kalawangin na ang bubong lol. 😆

    Reply

  2. brath
    Dec 18, 2007 @ 12:33:51

    ay na miss ko tuloy ang pinas, buti ka pa jan ka mag papasko, kaw kasi e di mo ko sinama hmp! anyweiz merry christmAs to you bananie!

    xiao!

    Hala, nagalit si Sis Brathy kase di ko siya pinasok sa balikbayan box! Niyahaha! Miss you sis! Mwuahs!

    Reply

  3. iceyelo
    Dec 18, 2007 @ 18:41:32

    Welcome home po. Merry Xmas, (ehem, san po pasalubong ko?) 🙂

    Salamat! Kiss gusto mo? May dila pa yan. Niyahaha!

    Reply

  4. Maldito
    Dec 18, 2007 @ 19:35:48

    annie bananie…long time no see…lols….welcome home!!!!enjoy ka gd sa imu nga bakasyon kag malipayon nga paskwa sa imo kag sa imong pamilya..

    ang indi nakakaintindi..sori.LOLs

    hehe.. salamat gid nonoy.. malipayon guid kay nag-uulupod sa paskwa.

    malipayon man nga paskwa sa imo! 😆

    Reply

  5. chuvaness
    Dec 19, 2007 @ 03:26:45

    welcome annie! ayos ang story, detailed. parang nakasakay na din tuloy ako ng eroplane. lol

    enjoy!

    Lol. Buti nga di ko nilagay ang mga oras. Bawat incident may oras pa yan nasa planner ko. Kulang din yan kase kung lahat ilagay ko baka matapos na bakasyon ko di pa matapos niyahaha!

    Thanks, you enjoy ur holidays too. Merry xmas!

    Reply

  6. khonz
    Dec 19, 2007 @ 06:40:18

    nami kay nakapuli ka. 😀
    ung Etihad andito lng sa likod ko…ngeespanyol pa nga sila minsan. 😀

    anong nasa likod mo? kahit pinoy naeespanyol? hehe.. eh di magbisaya ka rin niyahaha!

    Reply

  7. Kiko Matsing
    Dec 19, 2007 @ 09:15:45

    Kainggit!! 🙂

    Reply

  8. taroogs
    Dec 19, 2007 @ 15:30:03

    aba.. galing pang Darfur yung mga kababayan natin? asteeg… grabe gyera dun ngayon a… buti mukha lang silang hindi naligo… at least hindi mukhang bangkay di ba? 🙂

    Niyahaha! Lupet mo naman kuya tsk tsk.. grabe pa nga alahas eh! hehehe…

    Reply

Leave a reply to taroogs Cancel reply