Happy Ending

Got a gift from him kanina! Yipeee! (medyo nagtampo kase ako kase di ako ginising ng maaga para mag-ayos sa kabilang bahay). I woke up past 8 pm na and it’s too late kase shempre the following day may work na naman ng maaga. Around 4pm sabi ko mag na-nap lang naman coz of a headache, di ako umiinom ng gamot at rest lang talaga nakakapawi nito. Deym paggising ko 8 na! Well, medyo, hindi naman ako galit but konting galit lang. Actually wala akong karapatang magalit dahil sabi niya ginising niya ako kaso mo I ignored him daw. Kahit di ko maalala na ginising niya ako pero I know kasalanan ko pa rin dahil alam ko na ugali ko yun. Pag ako tulog kase, gawin mo na lahat mong gawin wag na wag mo lang akong istorbohin. He knows that kaya siguro hinayaan lang ako. Naalala ko tuloy nung one year old pa lang daw ako sabi ng tatay ko, pinaputukan daw niya ang kuwarto ng lebintador dahil tulog na tulog ako at NY’s eve na. Ayun sa awa ni Lord tulog pa rin ang panganay niyang anak. Hehehe..

 

Tinawagan ko siya sa cellphone because he’s not at home anymore. Yun pala nagpaggupit ng buhok at di na ako mahintay dahil baka mamuti lang mata niya sa kakahintay kung kelan ako gigising at masaraduhan na siya ng barbero. Nung nakausap ko siya eh sinisi ko bakit di ako nagising. Well di naman yung malupit na pagkasabi, malumanay naman. hehe.. Di naman ako nagagalit masyado (kuno).

 

Hindi siya nagsorry dahil alam niyang hindi niya kasalanan at di rin ako nagsorry dahil kung gustuhin niya nagising na sana ako ng maaga. Sabi na lang niya, magbihis ka na at sunduin kita papunta sa kabilang bahay. I did. After nagligpit dun, we had dinner and konting ikot sa labas at may nakita akong wallet. Alam na niya ang timpla ng mukha ko kung may gusto ako. Meron talaga akong sakit pagdating sa bags, wallets at sandals. Kung di ko man mabili agad dahil nag-iisip na wag na kase gastos na naman, pero pag-iisipan ko yun overnight at pagdi ko na kaya, babalikan ko the following day. Ayun, nakaintindi at binili niya kahit di ko sinabi.

Nakangiti ako pauwi at nakangiti rin siya pauwi. Niyahaha!

Ang ending; we’re both HAPPY😀

Corny? Di uy! Medyo lang.. lols..

collage5.jpg

Like ko yung design niya na butterfly shaped “banig” style, na sa loob ay leather. Ang gusto ko rin sa wallet na ito dahil kasya ang aking manipis na cellphone, cute ba? Sabi ko cute eh! Ayaw mo? Ok.😆

9 Comments (+add yours?)

  1. laine
    Oct 30, 2007 @ 12:05:19

    wow ang ganda naman nyan!🙂 well bloghop lang po!!!

    Reply

  2. Banana
    Oct 30, 2007 @ 15:46:41

    @ laine

    Salamat po at salamat din sa pagdaan! balik ka ulit ha.😀

    Reply

  3. MARU
    Oct 30, 2007 @ 18:36:27

    so chica is da wallet! beeyootipol! sarap ng may nanunuyo noh?

    Reply

  4. bato.pik
    Oct 30, 2007 @ 19:13:40

    ui ui.. i tagged you!😀

    Reply

  5. Banana
    Oct 31, 2007 @ 02:24:23

    @ Mawu
    Sis, feeling tinedyer kuno lol

    @ Batopik
    Uy uy, sige po! Tenks for the tag (gagawin ko yan soon), tenks for dropping by, and tenks for linking me up.. am gonna do that too! Mwuahs!😀

    Reply

  6. S3lv0
    Nov 01, 2007 @ 23:08:55

    oist annipie namiss kita at di ka nagparamdam ng ilang araw na. i hope you are doing well sa bago mong house. sweet naman ninyong 2 hehehe ayan pag di na kayo magkasama ng house magiging phonepals na kayo hehehe. sometimes distance do create closeness. hoping for the best for you dearie

    Reply

  7. joy
    Nov 02, 2007 @ 02:39:53

    Isn’t it nice when men know what we want without having to tell them?😀

    joy
    Your Love Coach

    Reply

  8. Banana
    Nov 02, 2007 @ 22:14:06

    @ lolo selvo
    miss ko na rin kayo lahat sobra, kaso i need to put things into proper order muna bago magrelax, and besides sino makapagrelax na puro kalat paligid lols.. (besides men lols) sa work din masyadong busy, nagsabay pa sila. anyways sobrang mamiss ko talaga kayo kase next month na rin uwi ko, baka dun pa lang ako makapag ol palagi. yeheyyyyy!

    ngayon pa lang eh medyo nararamdaman na namin na we will miss each other. awww..

    ingat guys miss you!

    @ ate joy

    totoo po yun, siya na ata ang guy na nakakakilala sa akin ng lubos, without telling him what i need/want. thanks for dropping by!😀

    Reply

  9. byshie
    Jun 20, 2008 @ 21:37:31

    parang mas gusto ko un sa happy din xa paguwi.. lol..
    i really enjoy reading other people’s blog, lalo po pag waller gawa sa office, mega petiks aq reading blogs. learning new things about other people’s lives. wish q lang one of these days e magkalakas na ko ng loob pasukin ang mundo ng showbiz, nah… ng blogsphere.. lolz….

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: