HS Days

Oh well, naalala ko ang high school days ko sa province dahil nakita ko picture ng friends ng aking bunsing kapatid sa friendster niya. College na siya ngayon pero may mga pics and barkada niya siguro high school days pa lang.

Isang incident na di ko makalimutan yung tumakas kami sa afternoon class namin at pumunta sa house ng isa sa mga kaklase namin na malapit sa isang “suba” (river). On the way sa lugar nila ang sinakyan namin ay yung parang manmade na tren na maliit that can accommodate 4 passengers only na ang gulong niya na nakapatong sa riles ng tren at kelangan may taga-tulak para bumilis ang takbo. Di ko talaga alam kung ano tawag dun pero I suppose nakikita niyo na yun sa mga bahay tabi ng riles ng tren waaa! Magkabilaang side ng riles ay tubuhan na (sugarcane, hacienda) kase dun sila sa loob mismo ng VMC (Victorias Milling Company: nagpoproduce ng kalamay o asukal in tagalog). Uy nakakatakot lalo na first time mong punta sa ganyang lugar. Feeling mo may aswang kahit sa hapon waaa..

Fourth year na kami nun dahil masyadong strikto ang mga magulang ko kaya noon lang ako nakapunta sa medyo malayong baranggay. Pagdating naman naming 8 magclassmates eh andun ang parents niya at pinagluto pa kami ng barbequeng banana, o diva fave ko yun at coke pantulak. Pagkatapos magmeryenda, pinahiram na kami ni classmate ng shorts and t-shirt for our river escpade! Yehey! Waaa nakakatakot pa rin boohhoo.. Pero we were accompanied by her parents and 2 uncles then i got relieved “konti”. Biro mo iniisip ko pa rin na baka may mga NPA’s dun at bigla kaming pagbabarilin lol. Marami kaseng NPA sa Negros noon ewan ko lang ngayon.

Oh well it’s really a funny feeling when you first step on the water yung sand ay napakaslippery yaaayy hindi tulad nung sa beach na magaspang or malinis ang feeling. Hahaha! It’s really funny kase pero running water naman kaya di masyadong madumi pero kung iisipin madumi pa rin pero well, experience hehehe.. Masaya naman lol. I don’t know how to swim kaya di ako masyado tumagal at umahon ako.

Paguwi sa bahay shempre super ligo ulit ako, ang hinubad kong panty nakita ng mother ko kase ugali niyang nilalabhan ulit ang panty ko kahit nalabhan ko na. Medyo napansin niya na may konting buhangin na naiwan hahaha! Uy, huli ako! Ayaw ko pa sanang umamin pero di ako sanay magsinungaling sa parents ko. Maraming tanong shempre, sino kasama ko, ano oras kami nagpunta dun, ano sinakyan namin, ano apelyido ng classmate ko, saan nagwowork parents niya, sino-sino kami, sino kasama ko pabalik ng syodad etc..

Di niya ako sinumbong sa papa dahil alam niya grabe magalit yun lalo na pagpunta sa liblib na hacienda.

Wala lang, naalala ko lang ang pagpaligo ko sa “suba” (river). Hayys, kaya kulang ako ng life way back high school days.. tsk tsk..

Kahit ganito ako, proud to be batang Negros! wahehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: