My Father, My Life

“Every father should remember that one day his child will follow his example…”

 

I remember what my father had said to me when I got pregnant. Di ko na sana tapusin ang aking pag-aaral dahil feeling ko my future has ended on that very moment. I know that feeling is stupidity but because I was still so young that time (i was 18), di pa ako masyadong mulat sa totoong takbo ng buhay. Di ako lumalabas ng bahay for one week, that means absent ako sa school ng 5 days and the following week ay exams na. Kinausap ako ng papa ko sa loob ng kuwarto. Nilabas ang lahat ng sama ng loob sa akin, first time kaming nag-usap ng ganun, dahil before nangyari ito ay masunurin at mabait naman akong daughter. Kaya siguro ganun na lang ka down ang papa ko. He shared to me his life experiences, how difficult his college days were. Isang propesyonal na dentista ang tatay ko all because of his own hardships and independence. Naging working student siya from high school until college. Ang tanging pera lang niya paluwas ng probinsya para mag-aral ay pamasahe, the rest niyang gastusin ay bahala na sa sariling diskarte niya. I was crying as in really crying but I absorbed everything he said. Maswerte pa kami at may baon pang meryende papunta sa school, di iniisip ang magiging tuition fee, nakakasama sa mga field trips, school activities, etc..

 

“Hindi ibig sabihin na nadapa ka isang beses ay hindi mo na susubukang bumangon at panindigan ang iyong pagkakamali. Lahat tayo nagkakamali. Hindi tayo diyos para hindi magkamali. Ako ang pangalawang apektado sa nangyari sa yo pero dahil alam ko na hindi mo rin gatustuhan ang nangyari sa yo, at dahil naandiyan na, hinarap ko ang mga tao, taas noo at sinasabi sa sarili ko na kaya yan ng anak ko. Anak ko yan, wala kayong pakiaalam.”

 

“Yan ang gusto kong sabihin mo sa sarili mo anak. Tell yourself, bumangon ka, kaya ko to, ipagmamalaki ko sa buong mundo na anak ako ng tatay ko!”

 

“Anak pinagmamalaki kita, taon taon mo akong pinapaakyat sa stage tuwing recognition day. Ngayon huwag mo akong biguin. Alam mong andito lang kami ng mama mo. Stand up, heads up high. Accept the challenge. Hindi ako galit sa yo, at lalong hindi kita kinakahiya. Prove to me that you can make it.” He hugged me hugely..

 

Buhay pa rin sa alaala ko ang lahat ng sinabi niya. Lagi kong sandata sa tuwing nagkakaproblema ako. Akala nga ng mga kilala ko bato ako dahil di nila ramdam na nahihirapan ako. At di rin ako mahilig umiyak. I’d rather cry by myself.

Napatuloy ko ang aking pagaaral at ngayong ay may desenteng trabaho na. Di ko man nakuha ang gustong kurso ng tatay ko ay kuhang kuha ko naman ang prinsipyo niya sa buhay. Every pagsubok na dumarating kahit wala sila sa tabi ko, naging matibay ako sa lahat. Kahit ano, hinaharap ko ng buong tapang. Ang masaklap nga lang, di ko pinapaalam sa kanila. Hinaharap ko mag-isa at sa awa ng Diyos nalalagpasan ko lahat ng buong tapang.

 

Ang hindi ko lang alam ay kung papano ko makakayanan kung tuluyan na silang kunin sa akin ng Panginoon. Damn! Di ko alam kung papano..

14 Comments (+add yours?)

  1. katherine
    Oct 27, 2007 @ 04:54:17

    natutuwa ako dhil naappreciate mo tatay mo, swerte mo kz ako lumaking walang tatay n khit minsan di ko naranasan mahalin ng tatay ko.tama dad mo di porket nadapa ka susuko, sana may nagsabi din nyan sa akin nyan dati. tuwing may problema ako sinasarili ko na pilit kinakaya coz wala din sa tabi ko mama ko…past is past masamang magalit sa magulang…haysss ganyan talaga buhay..but now im thankful kz dumating asawa ko sa buhay ko…waaa naiiyak ako.mwaaahhh

    Reply

  2. Banana
    Oct 27, 2007 @ 05:00:45

    @ katherine
    wag kang iiyak uy buti ka nga naiiyak lols ako hindi pa rin tsk tsk.. alam mo bang laging dry ang mata ko. tapos nagpacheck ako sa doktor, tanong niya, “umiiyak ka pa ba?”. sabi ko hindi dok! “kaya naman pala, kelangan mo ring umiyak paminsan minsan kase nakakatulong ito magwash out ng dumi sa ating mga mata.” nagulat ako, totoo ba yan lol. kaya binigyan niya ako ng eye drops para substitute sa luha ko.😀

    Reply

  3. katherine
    Oct 27, 2007 @ 05:09:45

    annie naiiyak na ako bigla ganyan banat mo…hahaha buti na lang di ko kailangan pumunta at pacheck mata ko kay Doc…kz iyakin ako…hahaha pero never pa akong nagpakita sa family ko umiiyak kaya kala ni strong ako…sabagay strong nmn ako…

    p.s. bayaan mo sa xmas eye drops reregalo ko sau…nyahaha

    Reply

  4. Banana
    Oct 27, 2007 @ 06:32:38

    pareho tayo sis di nagpapakitang umiyak sa family. pero sa bf ko lagi akong umiiyak kahit anong problema share ko sa kanya at may kasaman crying effect, bat ganyan noh? tapos may award ako tapos ng iyakan, shopping! weee!😆

    Reply

  5. Banana
    Oct 27, 2007 @ 06:34:43

    @ kathie
    ay tanong pa pala niya minsan sa akin.. “are you an actress in the Philippines before you came here?” buwahahaha!

    Reply

  6. brath
    Oct 27, 2007 @ 08:06:22

    parehas kami ni katherine ah… kaya bananie, you are so lucky for having a father like him,,.,.,.,

    xiao!

    Reply

  7. MARU
    Oct 27, 2007 @ 09:17:39

    nakow anniepie, pareho tayo. tho wala naman kaming ganung drama. ibig ko sabihin, gaya mo mas malapit ako sa tatay ko. tatay’s girl nga ako eh.

    sabi naman nya sa akin, nung jontis ako…eh “Life is what you maketh”… kung saan ka masaya eh dun ka. at matuto kang manindigan at maging responsable sa lahat ng desisyon mo. waaaah! na-miss ko tuloy tatay ko.😦

    Reply

  8. S3lv0
    Oct 27, 2007 @ 11:18:34

    sweet naman ng tatay mo at isa kang maswerteng anak. kaya naman ikaw malakas ang character dahil na rin siguro sa mga karanasan mo at suporta ng tatay mo at iba pang taong malalapit sayo.

    mapagkakakitaan yang pagiging actress mo ingga.. hehehe

    Reply

  9. Banana
    Oct 27, 2007 @ 15:42:14

    @ brath and kathie
    Mga sissy ko kanya kanya tayong story ng buhay which gives us experiences (good and bad); pero ang importante nagiging silbi ito para tayo’y matuto at maging matatag sa kung ano man ang ating haharapin kinabukasan. At lalong isang mahalagang biyaya sa atin ng mga tatay natin…

    magaganda tayo at may super shiny long hair pa niyahihihi!… (napansin ko kase avatar niyo dalawa hehe..)

    Reply

  10. Banana
    Oct 27, 2007 @ 15:46:53

    @ mawu
    totoo yan sis, naging papa’s girl din ako. kaya buti na lang at nasabi nila sa atin yun at least nagiging matatag pa rin tayo kahit anong problema; hopeful pa rin tayo kahit hopeless na niyahihihi.. joke! labyu mawu!

    @ lolo
    haha! uu minsan napagkikitaan naman ang paging actress ko lols.. ay yan pala ang di tinuro ng tatay ko sarili kong style yan haha!

    Reply

  11. mara
    Oct 27, 2007 @ 17:44:23

    nakakatouch naman ang iyong father. nakakaiyak. emf.

    Reply

  12. Banana
    Oct 27, 2007 @ 17:53:10

    @ mara
    ey sis! pasensiya na kung nakakaiyak yang entry ko, naalala ko lang ang tatay ko kagabi kase nageempake ako at walang tumutulong sa akin magbuhat haha! ang mga bodyguards ko ay nasa work pa.

    tenks for dropping by! bisita ka lagi. dadaan din ako sa yo mamaya!😀

    Reply

  13. kengkay
    Oct 28, 2007 @ 22:08:02

    masarap talaga magmahal ang mga tatay, at sempre mga nanay rin. thanks for sharing..

    Reply

  14. Banana
    Oct 29, 2007 @ 03:25:51

    @ Ate Kenks
    welcome po😀

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: