Of Hopes and Dreams

Di ako makapaniwala na pagkalipas ng 15 years ay dito ko pala matatagpuan ang aking pinsan na si Maureen na kahit minsan sa loob ng mahabang panahong ito ay di kami nagkita man lang kahit isang beses. Nung mga panahon na yun ay pareho pa kaming mga tinedyer at naglalaro pa sa bakuran namin ng piko kasama si Cristine na isa pa naming pinsan (kami ang makaedaran so kami ang naging magbarkada), bahay bahayan, gala sa aming lugar hangga’t lumubog ang araw, tambay sa labas ng gate ng bahay namin tuwing hapon habang kumakain ng barbeque na saging, kinikilig sa tuwing dumadaan ang mga crush namin. Pareho kaming nasa high school pa noon. Si Maureen ay nag college sa Iloilo at naiwan kami ni Cristine sa Bacolod para magcollege. Simula noon wala na kaming balita sa isa’t isa kahit nung nagtapos na kase busy na kami sa paghanap ng trabaho para sa aming pamilya (pareho kaming mga panganay at responsable daw kami.. wala magrereak ha).

 

Pareho-pareho din kaming ginapang ng aming mga magulang para makapag aral sa school na gusto namin. Kahit mahirap ang buhay noon, swerte pa rin kami at buo pa rin ang pamilya, may respeto at pagmamahal sa isa’t isa. Yan ang pinakamahalang asal na natutunan namin sa aming magulang. Kahit anong mangyari, kahit tuyo ang ulam basta sama sama lahat sa hapag kainan. Kahit walang handa sa pasko at bagong taon basta nasa bahay kami lahat masaya.

 

Sa tuwing summer at walang pasukan, eto kami ng pinsan ko at naghahanap ng summer job para makabili ng gusto naming school bag and school shoes para sa pagbukas ng next school year at lagi naman kami sinuswerte. Kaya ayun masaya na naman ang aming buong taon kahit makabili lang ng isang magandang sapatos at bag. Me and Tintin went to the same school in college kaya she has been my best friend. Kauutang dila ko rin. Lahat ng bagay alam namin sa isa’t isa. Kung ano bibilhin ng magulang ko meron siya at kung ano meron siya meron din dapat ako. Actually sa bahay na rin namin siya nakatira.

 

Time came na nakahanap kami ng work. I went out of the country while Tintin has to stay back but eventually she found a job too after she had her 2nd baby. Si Maureen ay nasa Manila na at isa na siyang nurse. Nung nagkahiwalay kaming tatlo, ang dami pa rin naming planong escapades in case na uuwi ako sa Pinas para magbakasyon. Nung first four months ko here sa abroad way back 1997 panay padala sa akin ni Tintin ng postcards at letters saying she miss me so much and she can’t wait for me to go home. Shempre may work na kami at meron na kaming pagkain sa mga restaurants na dati ay dadaanan lang namin dahil di namin afford kumain dun. We’d rather buy some bread and softdrinks at ok na sa amin yun. Plano din naming magshopping at sarili na naming pera ang ibibili namin at di lang school shoes at school bags, mabibili na namin ang mga panlandi na shoes at bags, may kasama pa na make up kit at mga damit, accessories at perfume pa.

 

I was scheduled to fly to Philippines on November 1997 for my first year vacation. Super excited ako 3 months before pa lang. Ganun talaga basta bagong salta sa abroad. Si Maureen ay di namin ma reach dahil super busy sa sched niya. Hinayaan muna namin siya dahil nasa Manila siya nung time na yun and that time ay di pa uso ang cellphones. Sulat sulat lang.

 

September na at super excited na akong umuwi. Isang hapon nagsindi ako ng kandila sa room ko sa di malamang kadahilanan at di ko naman ugali ito. After a few hours I got a call from my Mom and said patay na si Tintin. Kinilabutan ako, shempre di makapaniwalang wala na ang pinsan ko na para ko ng kapatid. Pero tuloy pa rin ang bakasyon ko pero wala ng escapades with Tintin. Nagmukmok na lang ako sa bahay. Sa tuwing uuwi ako taon taon, di ko na maggawang tumambay sa labas ng gate ng bahay namin, gumala at wala ng kaharutang pinsan.

 

Ten years past. Two weeks ago I got to know that Maureen is here in Abu Dhabi working as a nurse. She got married to a Muslim where she met in Saudi at meron na rin silang baby girl named Yahra. Nalaman ko pa sa isang Ilonggo guy na naghatid ng credit card ko sa hotel, nagkachikahan at nalaman ko na Ilonggo din na kapitbahay si Maureen. Shempre the following day we met. Kanina we went for lunch dalawa lang kami. We talked about the past and how thankful we are to God na nasurvive namin ang kahirapan ng buhay noon, at nawa’y napasaya na namin ang aming mga magulang. Kumakain na kami sa resturant na gusto namin at makakaorder ng kahit anong pagkain pero wala na si Tintin.

Sana kung buhay pa siya samasama pa rin kaming tatlo sa panibagong kabanata ng aming buhay..

 

5 Comments (+add yours?)

  1. potatomaniac
    Oct 21, 2007 @ 07:39:16

    link-exchange😀

    Banana
    Absolutely😀
    lols

    Reply

  2. kwan
    Oct 22, 2007 @ 10:14:16

    aba, di ko sukat akalain na para akong nagbabasa ng nobela ni gilda olvidado sa pagkakasulat mo sa tagalog. hehehe

    Reply

  3. Banana
    Oct 22, 2007 @ 12:09:11

    kwan totoong istorya yan ni saging nung maliit pa siya tsk tsk.. salamat sa paglabay😀

    Reply

  4. kaith
    Oct 23, 2007 @ 14:25:07

    hay, this made me sad.😦 cge lang ah, happy naman cguro subong si tintin wherever she is kay richness ka na ann. hehe.

    Reply

  5. music
    Jan 07, 2008 @ 10:57:17

    very interesting.
    i’m adding in RSS Reader

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: