Two nights off from home

Minsan may mga sandaling gusto kong magbakasyon at maiwasan matulog sa sarili kong kuwarto. Pano ba naman 365 days pareparehong dingding makikita mo araw araw. Kaya niisipan kong magstay sa pinagtatrabahuan ko (porket libre lols). Lalo na pagfeeling ko na pagod na pagod yung katawan ko, masarap magrelax at maligo sa pool na nasa tuktok ng building hanggang gabi, masarap mag utilize ng health club nila at lalong masarap kase wala akong binabayaran lol (di ako kuripot ha, nagtetake advantage lang lol). Wala rin akong maisip na mablog kase wala eh, boring ng aking buhay sa dekadang ito.

 

Ito daw ang binigay na kuwarto, king size bed daw, 6 ang unan at solong-solo ko pa weeee!

dsc01807.JPG

Unang gabi, binuksan ko ang bintana ng kuwarto to hotel at wala lang naghihintay ng sunset, pinapanood ang dagat (buti na lang sea view).

dsc01822.JPG

Ito daw yung Corniche Road, Abu Dhabi, reclaimed area na ito, yung hi-way na dating dagat. Nakodakan ko yung sunset na hilig kong pagmasdan habang nakapangalumbaba pero di ako nageemo ok? lol.

 

First night wala naman akong ginawa kundi magonline lang sa room. Ito lang naman gusto ko, yung walang gawin, na ang gustong gawin ay kung ano ang gusto kong gawin, gets? ok.

dsc01802.JPG

Eniway, the following day, ang sarap ng gising ni Saging. Binuksan ang bintana, nagtimpla ng kape at nakamasid na naman sa dagat habang bukas ang bintana. Maganda na kase ang panahon ngayon di na masyadong mainit at di pa naman malamig. Patapos na ang summer kaya this is the time para ma enjoy ang panahon. Oh well, eto nakaupo lang me, with a cup of coffee and shempre yung vogue green ko hehehe… Yan ang perfect couple for me. Coffee and vogue green ko lols.

dsc01811.JPG

dsc01813.JPG

Well, bago lumabas ng kuwarto at lumangoy sa pool nila eto at nagrelax relax muna at inenjoy ko ng tuluyan ang bed ko.😀

collage8.jpg

What we see

depends mainly

on what we look for.

John Lubbock

11 Comments (+add yours?)

  1. A Z R A E L
    Oct 01, 2007 @ 01:41:06

    annie, lahing kalahati lang ang katawan mo sa pics. send mo saken yung full ha lols

    Banana
    Kaw talaga Robin lagi kang nangunguna basta kodaks paguusapan lols. Sige email ko sayo original pics ha, basta may kapalit yun pero saka ko na sabihin kung ano yung kapalit okees?😀

    Reply

  2. selvo
    Oct 01, 2007 @ 07:45:14

    huwaw buhay reyna ang banana😀 nasan na ang hari anniepot? mukhang haring araw ang kasama mo jan:D

    Reply

  3. brath
    Oct 01, 2007 @ 09:24:23

    hay buti kapa nakapag relax, ngaragan mode din kasi ko sa trabaho ngayon e tsk tsk, kunwari masipag ako lols…

    xiao!

    Reply

  4. badoodles
    Oct 01, 2007 @ 14:22:54

    da life op da rich and da famous. kelan ko kaya madadala ang bebeKo sa ganyang lugar. por now, tiyaga muna sa breakfast in bed [kasi wala pa kaming mesa]. hehe.

    Reply

  5. kengkay
    Oct 01, 2007 @ 17:15:05

    ay, sarap😀 ilang tulog na lang ganyan na rin ako, actually apat na buwan pa, hehe

    Reply

  6. taroogs
    Oct 01, 2007 @ 17:50:28

    Miss Banana, medyo sumakit po mata ko sa kakaaninag… ng view ng Abu Dhabi :-)… madilim na kasi nung kinuha yung piktyur nung Corniche Road… hehehe

    Reply

  7. katherine
    Oct 01, 2007 @ 19:31:46

    sarap nmn…lalo na siguro kapag may kayakap ka…kapag may kasama kang magwatch ng sunset…may kasama kang magbreakfast…hayssss sarap….un lang…hehehe

    Reply

  8. Banana
    Oct 01, 2007 @ 23:48:25

    lolo selvo wag mo na siyang hanapin lol😀

    sistah brathie, ok lang yan lagi naman akong ngarag gaya mo hahaha!

    kuya badoodles! napadaan ka hehe, hiya tuloy ako lols, well kunyari lang yan haha! mas maganda nga walang lamesa, kami din kumakain sa bed lang😀

    ate kenks, malapit na yan! ako nga sa dec uwi ko feeling ko next month na hehe… simula na ng pagbibili ng kung anek anek.. hehe..

    kuya taroooooogs! kase po sunset di ba?! wahehe.

    sister kathie,, misan masarap may kayakap pero kadalasan, nakakapuyat at nakakapagod din😀

    Reply

  9. MARU
    Oct 02, 2007 @ 06:03:12

    ang seksiiiiiii!!!
    naalala ko, nakapunta na ako jan sa corniche ng abu dhabi.😀
    nways, sana na-refresh ka sa panandaliang buhay-reyna mo sa hotel. sarap nyan a – libre!

    Reply

  10. Jovi
    Oct 02, 2007 @ 09:04:40

    Ang sexy sexy talaga ni Banana Girl kahit bitin mga pics… Flawless!😛

    Reply

  11. Banana
    Oct 02, 2007 @ 17:12:46

    sis mawu, sarap nga libre lol

    sis jowvee, kelangan bitin ang pics kung hindi batukan ako ng mga bros ko pagnakita lahat ahihi…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: