He left me for good

Ang sakit kung lisanin ka na niya pagkatapos ng maraming taon ninyong pagsasama.

It was a busy day for me today at work, di pa ako nakatulog ng maayos sa kakabantay sa kanya, di makatulog maya’t maya sa kakatingin kung siya ay ok pa o mabuti na ang kalagayan. Pinapakain ng husto, pinapaliguan ng maayos, siya yung aking nakakausap kapag ako’y nalulungkot, nag-iisa. Di niya akong iniwan kahit anong unos ang dumating sa buhay ko. Di naman ako nagkulang sa pag-aalaga, minahal at tinanggap ko siya ng buong buo… Hays.. Pero sadya talagang lahat ng bagay ay may katapusan.

Iniwan ko siya ng pagkain para makakain siya ng wasto kahit di ako makauwi. Pag-uwi ko ng gabi, kaya pala ang sama ng kutob ko. Pagbukas ko ng pinto patay na siya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa tagal tagal ko siyang inalagaan, mula pa ng baby siya, hanggang nag ka girlfriend siya binuntis niya girlfriend niya, ako din nag-alaga ng mga babies nila. Ngayon iniwan na niya kami after 3 years..

Inilibing ko si goldfish Nunu ko sa malaking paso sa room ko. Ayoko siyang itapon, nakakaawa naman. Gusto ko siya mabigyan ng proper resting place. Kaya pati yung halaman ko na pinaglibingan niya, magsisilbi na rin pataba. Ayan alam ko mahal mo ako na kahit patay ka na may silbi ka pa rin.

Rest in peace Nunu. Don’t worry palalakihin ko rin mga anak mo. Pagnamatay sila, ililibing ko sila katabi mo para lalong tumaba ang lupa ng aking halaman. Bless you!

nunu2.jpg

Ito si Nunu nung binata pa siya.

12 Comments (+add yours?)

  1. brath
    Sep 17, 2007 @ 23:55:40

    nakikiramay ako para kay nunu….

    xiao!

    Banana
    Salamt sis. Teka abuloy mo oist lol.

    Reply

  2. katherine
    Sep 18, 2007 @ 00:17:27

    ako din hilig sa fish…pero fighter fish alaga ko nilisan na rin ako ni BLUE yan name nya simula nun di na ako nag alaga ulit.condolence sau…huhuhu

    Banana
    Uyy, same here condolence kay Blue. tindi mo rin fighter fish alaga mo… hehe..

    Reply

  3. the techie missus
    Sep 18, 2007 @ 00:38:23

    awwww. so sorry to hear that.😦 my condolences.
    – pao

    Banana
    Ey, paoieee, tenks.. Salamat sa pagdaan at pakikiramay.😦

    Reply

  4. Jon Cabron
    Sep 18, 2007 @ 03:36:28

    ayokong maging masamang tao sayo pero nung yung arowana namin na 3 years na at sobrang laki na nung namatay… pinulutan namin ng mga barkada ko’

    sorry alam ko hindi nakakatulong.. pero di pa ko nakakatikim ng inihaw na gold fish’

    Banana
    i know i understand. kaya lang bigyan niyo naman ang hustisya ang katawan ng mahal natin sa buhay, mahal. tsk tsk..

    Reply

  5. jojie
    Sep 18, 2007 @ 08:00:37

    sister.. condolence. ay naku kahit golden dilis pa yan basta napamahal sa’yo talagang ipagluluksa mo din.

    Don’t worry nasa piling na siya ng Diyos ng mga gold fish.

    Banana
    Salamat sistah… uu naaaliw ako dito eh ang takaw kumain lagi lols.

    Reply

  6. MARU
    Sep 18, 2007 @ 08:14:41

    sweetie pie, wag mo sya ilibing. ibigay mo sa akin ang patay nyang katawan. naghihikahos ako ngayon at baka pwede ko sya isangla sa pawnshop. gold fish yan di ba?

    Banana
    NIyahaha! Kunsabagay di pa huli ang lahat, di pa siya naagnas, ako na lang magsanla uy! May pang eb na tayo😆

    Reply

  7. bebenibadoodles
    Sep 18, 2007 @ 09:00:16

    Ahhhyy… sad! Alala ko si Jungle yung aso namin nung bata pa ako. Kasabay ko na nga yun lumaki. Ayun namatay after 13 years… nakakapanibago yung pag uwi mo wala na yung alago mo.

    Banana
    Mas nakaka sad yung aso mawala sis noh? Sorry sa aso niyo huh, condolence… Salamat sa pagdaan at sa comment. linking u!

    Reply

  8. chuvaness
    Sep 18, 2007 @ 13:39:20

    huhuhu…NUNU? curious ako sa name ng misis nya..NA-NA ba? o NENE?

    seryosly amiga, nakikidalamhati ako! alam ko ang feeling ng ganyan…kaya mo yan!

    Banana
    yung asawa niya name ko Kukulie…😀 yung mga anak nila di ko pa matandaan mga itsura parepareho eh hehe..

    Reply

  9. selvo
    Sep 18, 2007 @ 15:47:17

    josko annie akala ko pa naman kung sino na ang nag iwan sayo… kala ko grabe na.. iniwanan ka na ng bait mo…. fish pala

    Banana
    hehe…

    Reply

  10. Kiko Matsing
    Sep 18, 2007 @ 17:43:05

    Wag ka na malungkot, I’m sure masaya na siyang lumalangoy ngayon sa fish heaven. Alagaan mo na lang ang kanyang mga supling.

    Banana
    Kiko, saan ba yung fish heaven? sa tubig rin?😀

    Reply

  11. kAiTh
    Sep 19, 2007 @ 09:49:26

    hay, life is really unpredictable. paghalin mo, buhi pa sya, pagpuli mo, patay na. hay. condolence miga. cge lang, basi ireincarnate man si nunu.😉

    Banana
    Di na lang siya magreincarnate. Nabaton ko na nga wala siya sa kabuhi ko lols. Good day miga!😀

    Reply

  12. kengkay
    Sep 19, 2007 @ 15:53:12

    Nunu – wuhuhuhu!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: