Buhay ko = ?

Lagi na lang ganito ang routine ng buhay ko. Trabaho-bahay, trabaho-bahay, trabaho-bahay… Walang katapusang trabaho-bahay tsk’tsk’… Today i am feeling so bored and dull. Thinking of what is the real worth of me. Why am i here? Ang layo ko sa family ko, sa anak ko… Bawat araw pareho lang naman ang ginagawa ko, kumikita nga ako kada buwan pero sapat ba yun para matugunan ang lahat ng aking pangangailangan? Pinansyal oo, pero emosyonal? Sabi nila wag maging emosyonal. Para sa isang inang katulad ko, isang pinaka hindi ko matanggap sa buong buhay ko ay lumaki ang anak ko na hindi ko nakikitang lumaki. Ito ang naging pangako ko sa aking anak, na hinding hindi kami magkakahiwalay kahit ng kami ay iwanan ng kanyang ama.

Ilang taon na ang nakakalipas, akala ko magiging matatag ako at matapang. Akala ko sapat na ang financial support ko sa aking anak buwan buwan, akala ko napapasaya ko siya, akala ko magkakalapit kami pagbinibigay ko ang hinihingi niya, akalako makakapag usap kami na parang magkatabi lang. Hindi pala. Sa halip ay di siya kusang lumalapit sa phone kapag ako’y tumatawag sa pinas, di siya kusang nagpapakita sa webcam kapag kami ay nagoonline, wala siyang kusang panoorin ang mukha ko habang ako’y nasa cam, bakit wala siyang amor na kausapin ako? Bakit?

Bakit ngayon pakiramdam ko, wala akong nagawa sa buhay ko? Sampung taon ako nagtiis na malayo sa kanila pero bakit pakiramdam ko, “talo ako?”

13 Comments (+add yours?)

  1. MARU
    Jul 29, 2007 @ 23:48:01

    annie dear, kung may nakaka intindi man sa nararamdaman mo ngayon – siguro ako yun. galing na ako sa ganyang pakiramdam mo ngayon eh.

    dami nagtanong sa akin noon kung bakit iniwan ko magandang work ko as OFW at bakit hindi na ako umalis ulit ng pinas. kahit ang pumasok ulit sa employment dito sa pinas eh hindi ko na rin kinaya dahil sa iisang rason na ayokong lumaki ang 2 anak ko na hindi ko nasusubaybayan o hindi ko sila masyadong kilala. ‘lam naman natin na NEVER na magkakaroon ng rewind o replay ang paglaki nila di ba? – at ayoko ma-miss yun.

    saludo ako sa tapang mo kasi di ko kaya yan eh. alam namin ang pinaka dahilan kung bakit ka nagpapakahirap dyan – para sa anak mo. magulang ka eh.

    pero gusto mo ba kamo bigyan ng magandang future ang anak mo? then UMUWI ka.

    be with your daughter dahil yan lang naman ang sigurado akong GUSTO ng anak mo at wala ng iba. kahit itanong mo pa yan sa kanya.

    wala ng ibang makakabuo sa pagkatao ng anak mo kundi IKAW lang. opinion ko lang naman’to. feel na feel ko kasi ang heaviness ng heart mo eh. alam kong unsolicited advices ‘tong mga binibigay ko sau pero kung pag iisipan mong mabuti at susubukan ang payo ko … maisisiguro ko sayo – PANALO ka dito at hindi ka magsisisi.

    pag may time ka – usap tayo sa ym.

    Reply

  2. Banana
    Jul 30, 2007 @ 08:32:59

    Dearest Ate Maru,
    ayoko ko sanang tapusin basahin sulat mo ate maru, namuo na naman ang luha sa mata ko (nasa work pa naman ako). Pero tama ka 100% alam ko yan, naiisip ko yan pero siguro i am just too afraid to take thr risk of going home and be jobless and end up worrying about how to keep both ends meet. pero yung pinakanasa ibabaw ng utak ko ngayon is (im going home on dec ’07 til jan’08) i am gonna look for a job (related to what im doing now – kumbaga inter hotel transfer but still its in cebu not in bacolod but ill try how it goes muna).
    letting the kid grow up without me witnessing everything in her is the biggest frustration i am carrying right now. alam mo sa totoo lang iniisip kita minsan. SALUDO ako sa yo mamaru ang TAPANG mo, ang TATAG mo, sana magkaron ako ng lakas ng loob talikuran ang ano meron ako dito para sa anak ko. iniwan ko siya maru 1 year old, ngayon 11 years old na, nagkakabukol na ang ‘suso’ lol. kapag naiisip ko ang mga araw na nagdaan napapalungo ang ulo ko. bakit ko siya iniwan? sana hope things would work out the way i am planning now, alam ko di ako pababayaan ni LORD lagi.
    Usap tayo minsan… salamat..
    Nagmamahal,
    Annie

    Reply

  3. lllredlll
    Jul 30, 2007 @ 18:09:39

    waaaaaaaaaaaaaaaaahh!!! mag walanghiya kayo!!! naiiyak na ako!!!!!

    Reply

  4. Jon Cabron
    Jul 31, 2007 @ 02:27:40

    ako naman pisikali wala akong matatawag na tatay dati, seaman kse yun and kalimitan 2 years straight mahigit yung kontrata nya, then yung bakasyon nya dito kadalasan din mahaba na yung 2 months so yung time na magiging kaclose ko na sya dun naman sya lagi paalis na’ wala akong natatandaang masayang moments namin ng tatay ko, mula pa dati’ iisang taon pa lang yata ako nung una syang bumyahe, hanggang ngayon na twentiseben nako, umaalis pa rin sya’ nagtuturo ng karate yun nung binata pa sya pero ni minsan kahit magbukas ng de lata di ako naturuan nun, andami ko nakasuntukan na lagi akong talo, bugbog’ merong parte sa pagkatao ko na sinisisi ko sya, di sana ganun kung kahit man lang mamompyang ng tenga naturuan nya ko. sa pera syempre wala kaming problema, malaki ang kita ng seaman pero habang papalaki nako, dinadaanan talaga yung parte ng pagrerebelde at sa lahat ng kalokohan na ginagawa ko at kalokohang idinudulot nun lagi kong ginagawang dahilan yung wala kse akong tatay na nagpalaki sakin.. nung nagkakaidad ko lang naisip na yung sama ng loob ko lang iniintindi ko, bakit ni minsan hindi ko subukang ilagay yung sitwasyon ko sa sitwasyon ng tatay ko.. hindi rin naman biro yung malayo ka sa pamilya mo, yung mababalitaan mong may sakit ang isa sa pamilya mo pero wala ka magawa kse nasa malayo ka, namatay yung nanay nya hindi sya makauwi.. sinolo nya yung bigat ng loob.. tapos narealized ko na ginagawa ko lang dahilan yung wala sya dito sa tabi ko para lang may masabi akong dahilan kung bakit ako nagpapakagago!
    ngayon na tatay narin ako, kahit papano andun pa rin yung sama ng loob at panghihinayang dun sa mga oras na nasayang, pero ngayon may pasasalamat na.. hindi sana ako ganitong PALABAN kung hindi kami magkalayo at lahat ng gagawin ko iniaasa ko pa sa kanya at ikinukunsulta.. dahil dun natuto kong pangalagaan ang sarili ko, at maging kapitan ng sarili kong buhay’

    Reply

  5. Jon Cabron
    Jul 31, 2007 @ 02:38:01

    sorry pag send ko lang napansin na ang haba pala.. parang isang entry na sa blog’
    la lang gusto ko lang ipakita sayo yung POV naman ng isang anak na at the end of the day maiintindihan nya rin na para rin sa kanya yun.. tulad ko ngayon for sure kahit ano mangyari hindi ko maipaparanas sa anak ko yung napag daanan ko, kse may kabuhayan na kami, pinaghirapan ng tatay ko yun.. at di sya nagsawa pag aralin ako, para may bala sa sarili kong gera’

    taas ang kamay ko sa inyong mga nagtitiis sa malayong lugar, tinitiis makisama sa ibang mga tao, tinitiis ang lungkot, etc para sa mga mahal nila sa buhay’

    Reply

  6. Banana
    Jul 31, 2007 @ 08:12:12

    @kuya jon
    maraming salamat sa payo mo, lahat ng sinabi ay aking pahahalagahan at ipaintindi sa anak ko na para rin sa kanya itong ginagawa ko. lab yu😀
    (nanginginig laman ko sa lungkot shet bakit ko ba na ishare tong kalungkutan ko.. pero tenks frends for making me feel at home – lalo na mga taga pinas.. lab yu all)

    Reply

  7. MARU
    Jul 31, 2007 @ 14:39:56

    gusto ko na sana maiyak sa wento ni idol jon. redi na mga luha ko na tumulo!

    kaso biglang napataas ang kilay ko dun sa “twentiseben” nya! nyahahaha! may spoiler!😀

    biglang naging komedi ang dating sa akin! hahahaha!

    idol jon!:D no offense meant … totot ba ang figure na yan? hahaha! labyu!

    Reply

  8. Jon Cabron
    Jul 31, 2007 @ 14:44:34

    1980 ako ipinanganak, hoy!
    sinira mo ang dramatic moments..
    party pooper!
    .. lols’
    seryoso, 27 lang ako, hmp’

    Reply

  9. Banana
    Jul 31, 2007 @ 15:58:25

    nyahaha!

    Reply

  10. lllredlll
    Aug 01, 2007 @ 06:23:41

    Hala! ano ba naman yan,,, parang ayaw ko na tuloy umalis at mag hanap nalang ako ng mapipikot dito sa Pinas… Pero teka, eh foreigner gusto ko para maging kapitbahay ko yung kumare ko, kaya alis uli ako, weeeee!!!

    Reply

  11. Banana
    Aug 01, 2007 @ 06:52:47

    ako rin hanap ako poreynger para pakakasalan ako, kase sabi ng friend ko yung ibang pinoys di nagpapakasal kapag excess baggage lol. ano kaya lahi ang susunod hmm… balik ka dito sa UAE babaeee! hihi..

    Reply

  12. A Z R A E L
    Aug 01, 2007 @ 09:00:48

    hindi biro ang maging malayo sa pamilya. halong lakas ng loob at tibay ng dibdib ang kailangan. naiintindihan ko ang sinasabi ng iba na “ang pinaka-importante eh yung kasama mo sila, at nakikita mong lumaki”. on the other hand, if u will stay in the philippines, kasama mo nga sila, nasusubaybayan mo nga, pero… napapakain mo ba? naiibibigay mo ba gusto? kung ang sagot eh YES, eh di good for you. pero hindi lahat ng tao eh ganyan. merong likhang kapatid na ata ang kamalasan lalo na sa pinas. ang katwiran nila, paano maibibigay ang pangangailangan ng pamilya, kung hindi magsusumikap at kakayod ng todo. sa pinas kase, whether u like it or not, hindi ganun kadali kumita at ihugit ang kapalaran ng pamilya mo. kahit anung sipag at tyaga mo pa, pag minamalas malas ka, di ka aasenso sa pinas. yan ang dahilan kung bakit marami ang gusto mangibang-bayan. isa na ako doon. ang isang advantage na lang sa akin kahit paano, eh kapapanganak pa lang ng anak ko. i still have at least 2-3 yrs para mag-ipon at hopefully by that time, kasama na nila ako. kung wala pa rin ipon, dadalhin ko sila dito, or pupunta kami lahat ng canada. pero one thing im sure of.. pag dating ng 3rd birthday ng anak ko, kasama na nya daddy nya hanggang sa lumaki sya, kahit saan lupalop pa ng daigdig kami mapadpad.

    Reply

  13. Banana
    Aug 01, 2007 @ 14:23:44

    @ kuya az, kuya jon, ate maru

    basta uuwi ako sa pinas para maghanap ng trabaho nang sa gayon ay makapiling ko na ang aking anak kung papalarin. kayo mga karamay ko in the virtual world, alam ko makakaramay ko rin kayo for real.. tenks for the support, pagpapayo at pagiintindi ng kalagayan at nararamdaman ko. uulitin ko, maraming salamat😀 in advance, mag message na lang ako sa inyo para mangutang pag nauubusan ako ng pera lol. weeee..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: