Cooking Season Update

Nang dahil kay Aling Baby naalala ko pala na may dapat akong i-update haha. Salamat Aling Baby, actually kelangan ko lang ng may mag remind para sipagin mag-update hehe.

Kahit po di mahilig ang luto sa akin eh successful naman itong niluto kong adobo, tsk. Last ko na luto nito mga 1 year ago pa pero di ko pa nalimutan lutuin haha. Super excited pa and lola ka kakaprepare ng mga sangkap:

dscf44641

dscf4471

dscf4476

Nakalimutan lang isali sa picture taking ang whole black peppercorn, at laurel leaves. Added a teaspoon of sugar (optional but I do this), gives a mystery to its taste hehe..

First shempre, halo-halo lang lahat ng sangkap excluding potatoes (optional rin) and the green chilli. I only use half of the onions coz the other half will be on the second stage.
Pinakuluan ko sya ng pinakuluan until the misture has thicken while on a separate frying pan, I pan fry the potatoes on a light fire until it is cooked.

dscf4475

dscf4474

dscf4479

Kapag malambot na ang pork meat (malambot naman lahat ng meat dito kaya di na kelangan pakuluan ng 3 days lol) and when the mixture is thick enough, we are ready for the second stage, thus, lessen ko ang apoy.

Now, remove the potatoes out from the pan. Using the same pan, gigisa ko ang natirang onion ng sandali. Ngayon i’ll scoop out all the meat (leaving the gravy behind) at i-piprito ko sya with the onions over a medium fire.

dscf4481

I never use salt. This is the time to make timpla with the taste and color. Prito, prito, prito… add a splash of soy sauce until the meat is golden brown. Time for the potatoes to join the fun and the green chilli too! Para maging friends ang lahat ng sangkap, ibuhos ang konting gravy na natira at pakuluan once.
We’re DONE!

dscf4484

Ganito sila kasaya nung natikman nila niluto ko lols.

recently-updated3

Tsk.. Aight guys, I’m out.

Public Smoking Ban

Law will ban smoking

A law banning smoking in public areas in Abu Dhabi will come into force soon, said a senior official. “The law is considered by the Executive Council and will be enacted soon,” said Juma Al Junaibi, General Manager of the Abu Dhabi Municipality.

He was speaking to the media after announcing the strategic plan of the municipality yesterday.

Meanwhile Abu Dhabi Municipality has launched a Smoking Prevention and Regulation initiative in line with the Strategic Plan and Priorities and in a bid to elevate awareness of public health issues, said a statement issued by the municipality.

The purpose of this initiative is to ensure that the health of non-smokers is not compromised by secondary smoking in public areas.

The plan will designate special spaces in public areas for smokers which will be separate from non-smoking areas. It will be implemented as a collaborative effort between Abu Dhabi Municipality and areas deemed public.

Permits for smoking areas in these spaces will be issued once plans of the areas are submitted to the municipality.

Wow! Kumusta naman ang health bisyo ko tsk. Minsan na akong nangarap na sana mabawasan na ng husto ito o di kaya in the future itigil ko na ito pagnasapiling na ako ng aking partner in life (asus!). Pero sa nabasa kong ito, sinabi ko na naman na ang bait talaga ni Lord. God is always making a way! Sana maging successful ako sa aking magandang hangarin sa aking sarili para naman maging pretty ako always. Hmm 7 yosi a day a couple of months ago down to 4 yosi a day since beginning of June. Not bad eh?! :lol:

So Busy

Busy..

Work…

Busy..

Work pa rin… work… work…

demit.

wala na akong personal life (eg. petiks sa bahay, nakahilata lang, nood ng movie kasama si mr b. wala na ring sex life)

di ko alam kung kelan ako ganito. demit talaga.

06:30 : gising at ligo
07:00 : alis ng bahay
07:30 : kape at yosi sa smoking room
08:00 : trabaho
12:00 : lunch
13:00 : work ulit
16:00 : kape at yosi sa smoking room
18:00 : aral
21:00 : uwi sa bahay pagod
23:00 : tulog ulit

pagkagising ng 6:30 simula ulit ng parehong routine. demit ulit.

Re: Day off

Masyado akong tamad para mag update ng aking blog. Feel ko kaseng magpetik petik lang pagdating sa bahay dahil feeling ko masyado na akong naging work slave this past few weeks. Marami akong gustong gawin sa sarili ko na kelangan gawin ko asap kung hindi baka maaga akong maging mukhang matanda. Charing! Oo noh, kahit papano kelangan natin i-pamper ang sarili natin after a long week. Kaya nga may day off para makapag relaks. Kaya ang relaxation time ko, di ko papayagang aagawin ng ibang bisyo ko. Isa na dun ang pagblog. See bisyo na ang blog. Lols.

Pramis ko sa sarili ko na:

  1. matulog buong araw hangga’t gusto ko at wag pilitin ang sarili gumising para lang simulan ang araw ng day off upang maraming magawa tsk..
  2. pagkagising, magsaing habang nagkakape at nagchecheck ng mails, kasama na rin ang silip sa blog ko at sa blog ng iba na peyborit ko. gusto ko silang pangalanan lahat kaso marami. pero ang pinakabinabasa ko tuwing nagkakape ako ay; (female kategory) maru, kengkay, sommer, rhapsody at mine / (male kategory) defpotec at jon cabron. kung wala man kayo dito sa nabanggit kong pangalan di ibig sabihin di ko kayo nababasa. kelangan ko rin kumain muna para may energing magbasa. di ba?
  3. pagkatapos magkape ok na sinaing ko kahit papano, magluluto na ako ng ulam. simple lang lagi ang ulam ko. ang peyborit kong pangalmusal na ulam kahit 1pm na; meal number 1, 2 itlogs (sunny side up, like ko to sa umaga) at ginisang korn bip, meal number 2, 2 itlogs pa rin at pritong purefoods “jumbo” hotdog with or without cheese both works for me :D , or meal number 3, butter toasted bread at eggs pa rin done sunny side up. lahat ng ito partner niya apple juice. mah peborit.
  4. pag busog na ako, ready na to start my day. ready na ako maglaba waaaa! time to sort out na da clothes puti and not puti sabay salang ng not puti sa washing machine, lagay ng lahat ng kelangan, sabon at fabric softener. habang ang puti, babasain ko, at ibababad sa tubig na may sabon at clorox (yes, i love the smell of clorox).
  5. habang naghihintay ng labahin ako’y maglilinis ng bahay (buong bahay) habang nakababad ang hair sa hotoil na binalot ng shower cap kung walang shower cap plastic bag hahaha! at mukha ko nakababad sa mud pack haha. mukha akong sira ulong gumagala sa bahay. tsk.
  6. pagtapos na ang linis maliligo na ako at magsasampay habang paplantsahin ko na naman ang kelangan plantsahin na nilabhan ko last week :cry:
  7. habang nagpaplantsa nakikipag chat sa family o di kaya sa kay koya gah aka Defpotec na walang namang kwentang pinaguusapan namin at lumilipas ang oras ko na ayun init na init na ang plantsa di ko nagagalaw. haha! tawanan ko lang ang gabundok kong plantsahin dahil tapos na day off ko di pa ako nangangalahati at siguradong papasok na naman ako sa trabaho na ang suot na casual clothes eh di plantsado at ang sinisi ko ay si koya gah. pero in fairness di siya gusot dahil maayos ako magsampay at maayos ko rin silang tinutupi at iplasta ng mabuti sa loob ng aparador. :D
  8. kung tatawagan ako mag dinner sa labas ng mga kapatid ko i will go out to dine but if not, tamang order na lang ako sa Chowking na nasa kapit bahay lang. solb na ako.
  9. papatunaw na habang nagmamanicure ng sarili dahil di ko afford magmanicure sa salon. :(
  10. ang buhok ko naman as ive said, maintained ko siya pero ang gupit, malupit. di naman ako gaanong nagpapagupit siguro every six months lang kase i like long hair nga. kaya tipid di ba? hehe..
  11. shopping sa day off? ako di noh. wala akong budget jan. kung si rodrigo ang magyaya lumabas, kakaripas agad mga paa ko dahil alam kong may nagiintay na item/s sa akin sa mall haha! wawa naman ako di ba?

Ang gulo ng pramis ko.  Naging listahan ng gawain ko.  haha!

Happy weekend blogosphere!

Michelle Phan Vs Banana

Idol na idol ko si Michelle Phan, isang Vietnamese American artist na upload ng mga make up tutorials sa youtube. Bukod sa alam niya ang kanyang ginagawa, mahusay magpinta ng mukha lalo na sa mata, isa siyang Asian at hindi nagkakalayo ang facial features nating mga Pinays kaya bagay sa atin ang kanyang style ng make-up. Kung bakit ako nagka-ineteres sa make up tutorials ay dahil sa araw-araw akong pumapasok sa trabaho eh minsan maganda pag may naiba sa yung daily routine, di lang iisang style o kulay ng make up dapat. Girlalu ako at gusto kong magkaroon ng variance sa aking make up style. lol. True yan, para naman pag nakita ako ng crush ko eh, kahit papano naghahangad din akong mapansin “niya”. Ahihi. It is healthy to stay pretty and young! Lalo na sa edad ko, kelangan magmaintain ng youthness in me. lol.

Walang pasok ngayon, nasa kuwarto lang ako. By this time tapos na ako maglinis at maglaba. Ligo na lang kulang. Pero bago maligo, humarap muna ako sa salamin at nagbunot ng kilay nung pumasok sa utak ko na “why not play with my eyeshadows, eyeliners and mascaras! Game naman aketch! Kung si Michelle eh nagvivideo, ako naman eh picture lang ng before and after. Eto na po.

Before:

Maayos naman ang takbo ng aking pagsusunod ng basic make up tutorial ni amiga Michelle.

After:

Pang normal lang na eyeshadow, yun bang lalabas ka ng bahay at punta ng mall o konting gala sa siyudad. Di po ako makakalabas ng walang kilay at eyeliner na pampalaki ng mata kase mukha akong chekwa pag ganun tsk..

… at dahil gusto kong subukan ang kanyang smoky eyes tutorial, nagdagdag ako ng dark colored eyeshadow. Gusto ko ito sa gabi, pag girl’s night out. Ngunit subalit di ako sanay magtingin sa sarili ko na dark ang eyeshadow. At nung nagpipinta na ako ng liquid eyeliner sa mata ko, sumobra naman at sa kakahabol ko ng guhit lumalaki at kumakapal na ang eyeliner ko! biglang naisip ko na lang na pinturahan ang mata ko na matatawag mo na “art”. lol.

At ito ang kinalabasan.

Hehe.. Ayokong nabibitin ako, at lalong ayokong tumitigil habang nasa kalagitnaan ako ng kahit ano. Sinimulan ko, tatapusin ko. Gusto kong makaraos. Ayoko ng bitin. And so I did with the other eye.

Nakuntento naman ako nung tinapos ko. Pero pagkatapos may naglaro sa isip ko. Ito naman eh kabaliwan na. Lintek na Michelle na to haha! Piktyur piktyur, isa, dalawa… ang pangatlo… Babala lang po..

PG 21. This can be very very disturbing. Here’s the third.

Refusing Bon Jovi

Ang ganda ng ngiti ko kanina sa isang tao nung pumasok sa work place ko. Sabay tanong sa akin, “are you in for tonight’s biggest concert in town?!” Si Bon Jovi yung tinutukoy niya na may concert ngayon, nagyon oo ngayon habang nagsusulat ako ng post na to buseeeeeeeet! Sabi ko shempre “hindi po” kase di ko keri ang presyo ng ticket, di bale na lang sa teebee na lang ako manonood. Pero ang sabi sa akin, “Well, I have a spare ticket if you love to watch!” Ang sayaaaaaaaa! Shempre oo aketch dapat.

Howel, in short, di ako makasama dahil may work ako. Demi!t Sayang talaga, at ang concert venue alam niyo kung saan?!? Sa Emirates Palace na katabi lang ng hotel namin!!! At ang masaklap pa eh kanina when I was off work, feel mo yung crowd and the traffic sa labas. Nakikita ko silang manonood na sana eh makakapanood na ako kung indi dahil sa trabaho na nagkataon pa na late shift ako! Baaaaaad trip! Waaaa!

Kung Papano I-handle Ang Stress

Parang ang dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon na feeling ko ang dami-daaaamii kong na-miss dahil sa sooooobrang subsob sa trabaho. Sa totoo lang, gusto ko ng career. Pero paano ang family kung walang career? Lalo na sa case ko na single parent at panganay sa limang magkapatid. Ang lungkot ano? Nah, konti lang, masaya nga eh, laging aksyon. I mean, oo, malaking-malaking tulong ako sa pamilya namin kaya laging action ako tuwing may emerhensya. Ako lagi ang takbuhan.

Howels, again, buhay. period. Ayoko munang isipin ang mga ito pero, minsan may oras din na maalala mo ang outside world. Yun bang magrelax, magunwind, yung humiga lang sa ilalim ng araw na may hawak ng iniinom(ambisyosa). Yun bang magsaya ka today tapos wala kang iisipin na trabaho bukas, at sa susunod na bukas at sa bukas ulit. Na miss kong magsaya. I am alone nga pero, I wanna have fun again. Soon, sana… bago ako matagpuan sa kuwarto ko na nagtitirintas ng buhok habang kinakausap ang sarili kaharap ang salamin.

Bukas magsisimula na ako sa bagong trabaho, magsasanay ng tatlong oras sa loob ng isang linggo bago tuluyang iwanan ng magturo. Pagkatapos, balik ako sa lumang trabaho ko at magtuturo sa kapalit ko ng apat na oras sa loob ng isang linggo din. Kumusta naman yun? Di ba stressful? Pano naman ang lunch break ko at lalo na ang coffee break ko sa umaga at sa hapon? Eh di mawawala na yun sa schedule ko nitong linggo?! Waaaa! Kumusta naman ang magtrabaho ng 8am to 8pm hanggang sa end of this month? Waaaa! Ok, aaminin ko, itong linggo lang… Kase sa susunod na buwan dadami na ang day off ko sa weekends! weee! Pero, still I need a daaaaamnn huuuuggee BREAK! Demit!

O di kaya, bagong love lifestyle kasabay ang bagong career? Ok naman ba ipagsabay yun? Ano kaya ang resulta?

Gusto kong i-try. I am so curious.

Previous Older Entries

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.