B A N A N A

Another Kalbong Ex-boss and the Ehiptong Panauhin

Posted by: Banana on: 31 Mayo, 2008

Speaking of bosses, kanina nagulat ako nung nakita ko ang ym invitation ng ex-boss ko.

Ang tagal na panahon ko na siyang nakatrabaho, that was during my “bar” days. Yes, nagtrabaho ako dati sa jazz bar” dito sa same hotel where I am working with right now. His name is Darren and he is kalbo too similar with my early ex este ex-boss. I do have a third ex-boss another kalbo too and that makes them three sexy kalbos and i think yeah they’ve proven that they are sexy. :D

Sexy sila in a way that hindi sila mayabang and they do not treat their staff as “staff” but they treat us as the same, as human. Pero hmm.. siguro nasa staff na yun kung pano mo rin pakisamahan ang boss mo at kung papano ka nagtatrabaho. Shempre kung ikaw ba naman eh tamad at laging late sa work eh wala ka naman atang mabibigay na kadandahan sa pinagtatrabuhuan mo eh do not expect “respect” sa colleagues at boss mo di ba? Like Darren, he is very good, he is soooo over patient but I got to know him eventually that when you are on top of him his patience eh he is turning all red. Ang ulo niya eh namumula na kumikintab. sarap i-beejay. By the way, he is Scottish kaya he is maputi at namumula dito sa lugar namin sa disyerto dahil sa init ng katawan panahon.

Sa kabilang window naman ng monitor ko eh ang pinag-uusapan namin ni kuya gah eh ang “bar” days ko nung nagtatrabaho pa ako dito.

defpotec: sa hotel bar pala
A n n i e: when u say u work in a bar, they say u r pokpok
defpotec: hays
A n n i e: (laughing)
defpotec:
dats dam kresi
defpotec: istufido
A n n i e: they say u r cheap
defpotec: das dam kresier
defpotec: mor stufadores

Di ko maimagine ang napakalawak na diksyonaryo ni kuya gah “istufido, stufadores” saan pa kayo nyan? haha! I like those words! :lol: Dats why aylabhim lols.

Balik tayo sa bossing kong kalbong si Darren. Naala ko nung gabing kabisihan masyado sa jazz bar, merong couple na umorder, yung kumausap saken eh yung babae, araba siya, to be specific, ehipto. Mga ehipto malupet; gaya ng mga lebnani, walang kapantay sa sama ng ugali at baho ng bibig ang mga ito pero ok lang keri ko. Pero nung gabing ito, umapaw pasensya ko.

Babae: miss, can i have a whisky with coca! (oo coca tawag nila sa coke, kumusta naman yun?)
Ako: may i get u a double?! :D
Babae: wat?! u don’t know whisky?! Wat da hell?!
Ako: ummm.. ermm ok got your order ma’am, whisky with coke!
Babae: NO! hello lady, u listen, wat coke? i said coca u dont know coca??!!
Ako: erm gotcha ma’am, whisky with coca! (sabay talikod at kuha ng bote para ibuhos sa baso pero di pa nakakakuha ng bote….)
Babae: excuse me! gib me the menu
Ako: yes ma’am. (sabay pumunta sa dulo ng bar kase dun nakalagay ang menu)
Babae: where r u going?! i need my drink now!
Ako: am gonna get ur menu as you requested ma’am (i am calm)
Babae: ok! get it! but i need my drink now!

Nang dahil sa hindi lang siya ang taong sinisilbihan ko, maraaaaaami pa sila dahil grabe nga ka busy pero nung time na yun (umabot sa P450k ata ang sale namin that night), tinutukan ko siya. Difficult guest needs special attention, para kaseng mga special child mga yan eh na may sayad sa utak. Kayo, sa puntong ito alam niyo ba gagawin niyo? Ito ginawa ko.

Ako: (kalma pa rin) ok, just tell me what do you want me to do for you right now; make ur drink or get the menu?

Siguro nainsulto o natablan si ma’am estufidong tangang mabahong araba.

Babae: do both!

Di ba hindi na tama iyon? Kala niya sa aken alila niya? Oo trabaho ko nga yun pero wala siyang GMRC.

Ako: (lumapit sa babae sa counter at dinukdok ko mukha ko sa kanya) so, you want me to cut my body into half?! the left will make your drink and the other right will get the menu for you? is that what you want? (did i really say that stupid thing? yes i did! eh totoo naman di ba? hahaha!)

Anyways, ayun galit na galit na galit si babae at sinumbong ako sa asawa niya at biglang namula ang mukha ng asawa niya at nagalit din ng todo at sinabing “call the manager!” (si Darren nga yun).

Lalake: what’s your name?!
Ako: (sinulat name ko sa tissue at name ng manager ko) this is my name and my manager’s name too in case you don’t understand
Lalake: I will sue you! I will sue you for humiliating my wife in public! I will put you to jail!
Ako: may i call the police for you sir?
Lalake: No! I will call the police myself!

I never called Darren coz the couple just left right away kase sabi niya tatawag daw siya ng police. Hahaha! I never saw them at all the rest of the evening. Well, I told Darren the whole story in the end and he was laughing his as* off.

Oh well maraaaami pa akong na-experience na kabalastugan dito sa gitnang silangan. Someday, sana sipagin akong mag-share. :lol:

Happy weekend blogosphere!

16 Responses to "Another Kalbong Ex-boss and the Ehiptong Panauhin"

1 | MARU

Mayo 31st, 2008 at 5:01 pm

ay! naalala ko tuloy ang employment days ko sa Dubai! Pero swerte ko mabango ako sa mga bossing kong iba-iba ang lahi kahit dun sa mga terror na managers na french, lebanese at iranian. balita ko dati malulupit ang mga yun sa ibang pinay na naging mga sekratarya nila. pero sa akin aliw na aliw sila…muka kasi akong poodle. wahaha! eh di naman kasi nila ako sekretarya din…taga accounting ako. taga kwenta ng suswelduhin nila. takot lang nila sa akin. naks!

may mga nakabanggaan din akong mga co-employees ko na mga indian paminsan-minsan … ay, alaws din akong takot makipagsagutan sa kanila lalo na pag nasa tama ako.

ang mga yan … hanggang paninindak lang ang mga yan. pag nakikita nilang kaya kang apihin…aysus! aapihin ka talaga!

kaya tama ginawa mo. Go Pinay!


miss mo na dubai?! :lol: sana nde kase mahirap na ang buhay sa dubai, unlike nung kapanahunan naten… nung early 20’s life naten deto niyahaha! bote ka nakaraos na sa buhay expat, ako andito pa ren. :(

alam mo, naeemagine ko nga ikaw naandito tapos para ka nga sigurong poodle pagpinagtabi ka sa mga ibang lahi na ang lalaki ng ano, ng katawan hehe… bote ka kase may posisyon, beauty mo talaga dhai! ineemagine ko rin habang nakikipagsagutan ka sa mga kasama mong na lalake (di ba lalake usually katrabaho dito) ikaw nakatanga habang nagdadakdak tapos sila nakayuko dahil sa baba mo pero ikaw pa yung matapang. niyahaha!

howel, yeah GO PINAY!

kanina pala kausap ko bago kong amo (na bukas na first day ko) nai-share nya sa aken na naghahanap pa sila ng 2 front desk agents, and he specifically said “I need to hire Filipinas” as front desk agents. oh haa! iba ganda naten kase! kaya GO PINAY ulit! :D

2 | anon iledan

Mayo 31st, 2008 at 9:05 pm

yung mga walang gmrc at pariwarang expats dito sa dubay e dapat hakutin papuntang bangalore at isakay silang lahat sa punuan na tren dun. so dey’l lern der leson.


thanks for dropping by anon! isa ka ring dubai made blogger? welcome! :D

alam mo, di ko na iniisip na gumante sa mga yan kase i know na mas mapalad tayo dahil masmaganda ang bansa naten kesa sa kanila. mainit ang kanilang bansa kaya natusta na ang kanilang utak kaya wala na sila magamit. mas blessed tayo kesa sa kanila with all the natural resources, natural beauty, and most of all meron tayong gmrc! nuff said. :lol:

3 | mixglorioso

Hunyo 1st, 2008 at 1:48 am

hi banana, opo visit visa ako, may work na sana ako kaya lang biglang nag renovate ng opisina kaya wait ko pa yun para may mapwestuhan ako. hehehe! kung balak mo sanang hatiin ang sarili mo sa dalawa eh hihiramin ko muna yung isa para may makausap naman ako at may makasama pagyoyosi. hahaha! Ingat! :)

naku wag mo na akong demonyohin sa yosi na yan at lalo na akong pumapayat. huhu.. am gonna stop it asap. :(

sana maayos na opis niyo para maka start ka na agad! good luck at ingat jan!

4 | Aling Baby

Hunyo 1st, 2008 at 5:01 pm

grabe naman yung ehipto na yon,

pero ang galing mo, panalo ka talaga girl…”may i call the police for you sir?” :lol:

sana sipagin ka pa mag-share. :D


hehe sige po ate, sana kayo ren mag share ng mga experiences para masaya! :lol:

5 | aKDa

Hunyo 1st, 2008 at 11:20 pm

hahaha! panalo! galeng mo! nainis mo sila! idol! hahahaha. sana natuto na sila na mga panget tlaga sila na di dapat nagiging bastusin bastos sa mga tao. tsktsktsk. mga walang modo de puta. hahahaha. natuwa ako sa post na to. it made my day… ^_^

GO GO GO GO!


haha! salamat at nagustuhan mo at sana magsilbi din na aral sa iba nateng kababayan na matutong sumagot sa mga walang modo kapag kelangan. well ilagay lang sa lugar na di ka madehado lalo na dito sa gitnang silangan.

naks :lol:

6 | wei vines

Hunyo 1st, 2008 at 11:20 pm

horror!!!! pero tama yung ginawa mo! bwahahah!!! insulto yung babae eh… asteg! ^^


nasira ang gabi niya dahil sa kalokohan niya tsk tsk.

7 | peach07

Hunyo 2nd, 2008 at 2:17 am

nice! tama lang ginawa mo. wag papaapi sa ibang lahi. btw, add kita kung ok lang. :)


aww! tenks sa pagdaan!

sure peachy pie add din kita. :D

8 | apollo

Hunyo 2nd, 2008 at 1:20 pm

nice one gabriela! haha!

tenks apollo! :D
sa totoo lang may tama ka jan sa pagtawag sa akin na gabriela kase nung college ako i was a memeber of a sorority at ang nick ko is “gabriela silang” lols. ok, tawagin nyo akong bad girl. up to u tenks. lols. :lol:

9 | neex

Hunyo 2nd, 2008 at 9:40 pm

waw. grabe naman yung mag asawa. pero pahiya din sila. hehehe

di ko na sila nakita ever pa sa bar namin. because of me nawalan sila ng worthless na guest and they should thank me for that niyahaha!

10 | defpotec

Hunyo 3rd, 2008 at 2:44 am

“istufido, stufadores”

ibig mong sabihin di sayo tinuturo ni rodrigo yang lengwaheng yan? ….watta excuse for a boyfriend…..

11 | Kiko Matsing

Hunyo 3rd, 2008 at 10:24 pm

Bigla akong nainis nung nabasa ko ‘tong entry mo tungkol dun sa mag-asawang ehipto! Naalala ko kasi yung mga Manager kong egyptian diyan sa UAE dati na akala mo kung sinong magagaling umasta eh puro bopols naman.

Tatawag daw ng pulis? Baka sila pa makulong kasi inis din sa kanila mga pulis diyan eh! Hehehe!

okiks! nabuhay ka! buti naman at napadaan ka dito.

hmm honga masyado nang sumusobra ang mga walang modong ehipto na yan! ipinapaubaya ko na lang sila ke Lord! :(

mukhang ehipto pa rin ang manager nila dito sa pinagtatrabahuan mo dati eh. nung una lumalapit pa sila bawat table pag nag main course na di ba? ngayon di na! hehe.. at malungkot ako dahil di na nila nilalagyan ng pommery/whole grain mustard and top shelf fillet kaya inoorder ko nlang eh yung cajun rib eye na lang na me cajun spiced herb butter na yun? masarap yun eh. ay naglalaway na naman ako sa steak niyo dun waaaa! at speaking of molten chocolate cake buhay pa rin yun hehe..

pero may bago kayong branch ngayon sa bagong mall na “Khalidiya Mall” yun medyo maganda ang service kase bago eh lols.

12 | tina

Hunyo 4th, 2008 at 6:40 pm

naks naman. Coincidence bang lahat sila ay bald?

hmm.. malamang! errrmmm masyado sila siguro sinasabunutan ng kanilang mga asawa! wahehe..

13 | linglingbells

Hunyo 4th, 2008 at 7:02 pm

ang taray!!! galing galing! dapat talaga pinapatulan yung mga ganung tao! sobra kung mang-utos, kala mo kung sino!

pag ako talaga nainis sa isang tao, masyado akong honest sa aking feeling. wa ako pake. tsk.

14 | jeniffer

Hunyo 4th, 2008 at 7:47 pm

sa totoo lang hanga ako sayo..
ang hirap kasing ihandle nung mga
customer na naencounter mo…
and sa totoo lang
ayos yang ganyang work..
madaming tips.. :)

jeniffer tenks sa pagdaan at sa comment… labyu. :D
hmm kung sanay ka na sa mga ganitong klaseng tao gabi-gabi na naeencounter mo sila medyo madali na lang at sarap pagtripan minsan.
at speaking of tips yan po ang namiss ko as innnnnnnnn waaaaaa! laki kaya ng tips at di mo na kelangan galawin ang sahod mo buwan buwan. hmp! iba na kase mundo ko ngayon.. tumatanda na eh. :lol:

15 | kengkay

Hunyo 6th, 2008 at 10:06 pm

bakit nung asa hotel ako sa resto ako tumatambay at di sa bar? halata yata ang katakawan ko, hahaha. meron akong ka opis din dati sa hotel F&B manager pa naman pero ang lakas po talaga ng putok… as in bomba talaga. nung nag berdey nag contribute kaming lahat para makabili ng deo, sticks, deo spray at kung ano ano pang pampabango, kulang na nga lang yata e tawas ano. ginamit naman nya at ayun, bumango na kaming lahat! i dont know about arabs pero iba talaga ugali ng mga taga diyan…

16 | taroogs

Hunyo 9th, 2008 at 11:43 am

hmm.. bagay na bagay sa ehiptang yun ang “special” drink for “special” customers na tulad niya — wiski + coca + colangots :-)

Comment Form

Me

Writing is the art of second thought. ---Rene J. Cappon JOIN US!

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Calendar

Mayo 2008
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Arkiba

Mga Kaurian

I Like It Here

Globetrackr

Clicks

  • 26,107

Spam Cooked and Eaten by Banana

Blog Juice

My Blog Juice

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Add to Technorati Favorites

Add to Technorati Favorites