The Other Side Of ME
5 May, 2008 by Banana
Mama ko kakalabas lang ospital, minor operation, so far she is ok. Di ko na iisahin pa kase malulungkot ako. Basta ngayon I am happy and she is ok and that’s important.
Masaya ako ngayon dahil nag-umpisa ako sa bagong routine ng work ko. So far, ok naman. Ewan ko sa susunod na dalawang araw, sana makapag decide na ako ng tuluyan para hindi ko rin nabibitin ang dalawang departamento kung saan ko ba talaga gusto. Hmm.. malapit na akong magdecide, 2 days more to go. To accept or not to accept. Good luck Annie.
Masaya ako dahil ok naman kami ni Mr. B although minsan na lang kami nagkikita sa isang linggo dahil pareho kaming abal sa mga career daw at magkasalungat ang work timing. Di rin pareho ng day off. Ok lang at least we see each other on our respective days off.
Masaya ako dahil kahit papano, medyo naghinay-hinay na si Lord, magaling na ang gastro enteritis ko na umatake sa akin last week at isang linggo akong nagwiwiwi sa puwet ko. Isang linggo din akong walang meat na kinakain at kanin. Di lang ako masaya kase pumayat ako at kelangan naming magsuot ng skirt sa work at shempre sa loob ng mahabang panahon na nakapantalon ako sa work ngayon lang ako nakitaan ng aking binti na singnipis ng kawayan. Haha!
Masaya ako tonight dahil nakakain ako ng bihon at siopao asado sa Chowking na kapitbahay ko lang. Ewan ko ba ito nangyari sa akin kapag masaya ako:














ahhhm ayon sa pictures mo, normal ka pa rin naman. normal lang naman maabnoy pag masaya ang tao.
hehehe nag iba ung itsura mo sa pic
Newbie po ako dito pwede po ba xlinks tayo?
“Contentment= Happiness”. Kung ano makakapagpasaya sayo eh! Go girl!!!
…glad to know, ok naman mommy mo. at least dami mo reasons to be happy about (buti ka pa!hehehe!)
..nakakagulat naman ang pictures mo…di ko maimagine na ikaw yun..hehehe! (ikaw nga ba yun?)
mukhang masaya ka nga!
obvious oh!
masaya ka nga ate sa pic mo, bet everything is going well.
ate parang karate expression ang pic mo.. parang ng kakarate ka habang ng papapicture.
hehehe
ate, i tagged you pala. Click here. thats the link.