The Other Side Of ME

Mama ko kakalabas lang ospital, minor operation, so far she is ok. Di ko na iisahin pa kase malulungkot ako. Basta ngayon I am happy and she is ok and that’s important.

Masaya ako ngayon dahil nag-umpisa ako sa bagong routine ng work ko. So far, ok naman. Ewan ko sa susunod na dalawang araw, sana makapag decide na ako ng tuluyan para hindi ko rin nabibitin ang dalawang departamento kung saan ko ba talaga gusto. Hmm.. malapit na akong magdecide, 2 days more to go. To accept or not to accept. Good luck Annie. :lol:

Masaya ako dahil ok naman kami ni Mr. B although minsan na lang kami nagkikita sa isang linggo dahil pareho kaming abal sa mga career daw at magkasalungat ang work timing. Di rin pareho ng day off. Ok lang at least we see each other on our respective days off.

Masaya ako dahil kahit papano, medyo naghinay-hinay na si Lord, magaling na ang gastro enteritis ko na umatake sa akin last week at isang linggo akong nagwiwiwi sa puwet ko. Isang linggo din akong walang meat na kinakain at kanin. Di lang ako masaya kase pumayat ako at kelangan naming magsuot ng skirt sa work at shempre sa loob ng mahabang panahon na nakapantalon ako sa work ngayon lang ako nakitaan ng aking binti na singnipis ng kawayan. Haha!

Masaya ako tonight dahil nakakain ako ng bihon at siopao asado sa Chowking na kapitbahay ko lang. Ewan ko ba ito nangyari sa akin kapag masaya ako:

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.