Napakagandang araw ko kanina sa trabaho. Ang ganda ng pasok ko sa umaga, sa locker pa lang pakanta-kanta pa ako habang nagme-make up ng sarili ko, nagaayos ng buhok at naka-esmayl papunta sa work. Di rin gaanong abala, sabado eh bukas pa ang simula ang weekdays.
Pauwi
Kalahating oras bago matapos work ko, tumawag si Mr. B at sinabing nasa South American bar na siya mismo sa hotel at dun ako hihintayin hanggang makalabas ako. Eto naman ako at unti-unti nang nagsasarado at gusto nang kumaripas pauwi. Sa main entrace kami magtatagpo.
Papunta sa main entrance
Super casual suot ko, summer dito kaya kelangan komprtable at di oa ang porma. Nakatsinelas ako na puti na ang strap eh mga puting perlas na peke na nakatirintas sa lubid (my fave ever). Habang naglalakad, makakasalubong ko ang isang guwapong european (not sure kung ano nationality pero deym! ang katawan! galing siguro sa beach ng hotel kaya naka boxers lang at naka sando, yumyum!) pa cute effect ever si ako, biglang natalisod. toiiiinnkk! Napatid ang strap ng tsinelas ko! Niyahaha! Nakita niya ako waaaaa! Shempre naka-score ako, sabay lapit siya at saktong gusto niya akong saluhin para hindi bumagsak…
boylet: “miss are you alright?!”
ako: “my foot hurts but i think i can manage, thanks..” (malaking CHAAAR!)
boylet: “lemme take you to the lobby and i’ll get some help, please?..”
ako: “thanks for the concern, appreciate it but no worries really, i guess i can make it up to the lobby” (di ako gaanong nagsa-smile kase acting hurt daw kunyari)
boylet: “ok, i’ll walk you through, is that ok?”
ako: (nyeta, baka andun na si mr. b nag-aabang na sa harap ng lobby may pahawak-hawak pa naman sa siko ko tong nakakatulo laway na boylet, lol. kiber! natalisod ako eh, pasalamat siya may tumulong sa akin! di ba? di ba?!) “ok” (aawww!)
If only. asus! Buti na lang wala pa si Mr. B sa lobby entrance. Nung nakarating na kami, tinawag ko na ang isang security na nasa pinto at sinabi ko ang nangyari, kaya sinasamahan niya akong maglakad papasok ulit sa back area ng hotel at dun ako magpalit na naman ng tsinelas dahil napatid na nga ang suot ko.
Ang extra kong sandals sa locker ay isang stiletto na black, no choice kelangan kong isuot. Pagbalik ko andun na si Mr. B at diretso na kami sa mall at kumain ng paborito niyang “ quesadilla” sa El Torito at ako naman medyo busog pa, nag cinnabon na lang.
After eating, lalakad-lakad, ikot-ikot sa mga shops, hanggang natalisod na naman ako! Waaaa! Ang guess what?! Napatid ang strap ng sandals ko sa loob ng mall na karaming tao sa paligid na nakasaksi! Di po ako makalakad ng maayos dahil tanggal nga ang strap eh, so paika-ika ako maglakad. Sabi ni Mr. B, halika at bili tayo ng tsinelas mo. Buti na lang at 5 shops away from us ay isang shoe store. Ayun binili niya ako. Eh teka, paawa din ba ako kaya siya nagbayad ng shoes na pinalit ko? Haha! Talaga namang kawawa ako eh, I cannot imagine na napatiran ako ng sandal dalawang beses sa isang araw. For the first time in eleven years nangyari sa akin ito and i told myself, “you are so lame”.
Howel, salamat at anjan lagi si Mr. B to spice up my dull moments. Salamat din sa sapatos. Hah!

Ps. Yung isang sandals ko di ko nakodakan kase naiwan sa work ko lols.
at saka… sabi ni Mr. B. “mamaya pag-uwi mo paki-check mo lahat ng sandals at sapatos mo na isang sako na karami at alam kong marami na ang expired dun, at tapos buksan mo ang pintuan ng basurahan sa floor niyo at pakihulog lahat ng expired mo na sapatos nang sagayon di ka na mapapahiya sa gitna ng daan. thanks.”
—–>












blessing in disguise yun ate…hehehehe…
what an experience! mabuti nga at nasa mall kayo nun.
para paraan… hehehehe.. infairness ang cute ng new shoes mu.. c”,)