Ewan ko kung bakit I really like chocolate brown color be it for a bag, wallet, clothes, pants, sandals, accessories etc. I feel like it’s beautiful on me. Kontra ka?
Meron akong isa sa mga peyborit na ternong bitbit, itong bag at wallet na balat na shempre sabay mo silang bibilhin para nga terno. Isa yang sakit ng mga babae na di maiintindihan na mga lalaki na sa bawat pasok ko sa mga shops na pambabae ay sabay bigay na sa akin ni Mr. B ng pambili dahil ibig sabihin nun wag na akong mag-isip ng 45 minutes habang paikot-ikot, tingin-tingin, bulatlat dito bulatlat doon at mag-isip ng 50 times kung bibilhin ko ba o hindi ang isang kapirasong item. Ang ibig niyang sabihin ay kung ano ang makita ko na magustuhan ko ay bayaran ko na agad in 3 minutes dahil kung nde iiwan niya ako sa mall. Maganda naman di ba? Di ba? Lol. Pero ayoko naman isipin ninyo na ganyan lagi, minsan lang naman dahil kung tutuusin ay mas gusto kong mag-isa mamasyal kapag may gusto akong bilhin na kung anek anek dahil nakaka-ikot nga ako ng walang katapusan, bibilhin ko man o hindi. Gets? Hehehe…
Back to my bag and wallet; medyo bago pa ito pero mas gusto ko pagnagluma na ang balat. Jan lumalabas ang beauty niya kapag tumagal na. Kumbaga sa guy, “life begins at 40.” Aww! Jan lumalabas ang tunay na mmm… Hehehe..












masarap ang brown….lalo na pag
chocolates!
kanina lng kumain ako ng Cadburry Fruit and Nuts (completo talga eh)..
brown is classic…kahit saan pwede mong dalhin…
Aww fave ko rin yang nakain mo kanina hehe… in fact fact my whole family sa probens paborito yan. lols
ay..nga pala, di ako nagpaalam..nilink kita…^_^
samahan kitang magshopping minsan, shop till we drop ang drama natin dalawa. san mo gusto abu dhabi mall or marina mall. he.he.he.
ni add pala kita sa blog roll ko, and friendster and ym na rin (adik ba!!!)
yey! ipag shopping na ako ni ana banana! weeee!
kapag real maganda pagtagal. pero ayaw ko yun mga hindi tunay na leather sa celine kasi after ilang months nagbreak cia.
tagal ko hindi nagbloghop. pero ngaun balik nako ulit. hehe. gagawa ako tagalog sa wordpress, katamad na yun puro english. lol. 
nikaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! miss youuuuu!