Whatever Happens, I am Flying Home!
16 Nov 2007 36 Comments
Kahit anong mangyari
Kahit ano
Kahit anooooooo!
Uuwi pa rin akoooo!
Whew!
Sa totoo lang, 3 days ago medyo nawala ang excitement ko na magbakasyon dahil nga sa trahedya sa pamilya na buti na lang at di natuloy. Thank God talaga. I’m so grateful na everything is ok na.
Well, naka recover na po ako. Kase nakausap ko na Tita ko. Nakakapagsalita na siya, pero medyo aloof siya sa akin. Alam kong nahihiya siya, pero ang tono ng pananalita ko ay masaya. Di ko siya tinanong kung bakit niya nagawa yun. Ang tanging sinabi ko lang ay..
“Tita, kumusta na pakiramdam mo? I hope ok ka naman. Sana makakain ka ng mabuti para makabawi ka. Paggaling ka ha? Kase mag-out of town pa tayo. Mag-overnight tayo sa malapit na bagong resort sa atin. Sama natin apo mo (1 year old) at lahat ng chikiting sa bahay (4 kong pamangkin). Ingat ka, magkikita tayo sa Dec 3. Sabihin mo kay Tito (asawa niya) na sunduin niya ako kasama yung 2 kong bros. Ikaw at si Mama wait lang kayo sa bahay, handa niyo na hapunan natin. Gusto ko yung inasal na baboy ha? Pero wag kang mag-ihaw yaan mo si Aimee (sis ko) manood ka na lang at maki-amoy sa mabangong usok galing sa ihaw (at wag kang kumain dahil sunog pa bituka mo.. bleh! joke! sorry po).”
Oo lang siya ng oo. Malungkot ang tono ng boses niya pero since ayoko nga na malungkot siya, di ko na tinanong kung bakit niya nagawa yun. Eh bakit nga naman tanungin ko pa eh nakuwento na lahat sa akin ng Mama ko (kulit). Ayun sabi ko rest na siya and I’ll see the whole family again. Pinasa niya ang phone sa Mama ko na kasalukuyang bumisita sa kanya sa ospital. Ayun. Masaya.
Pag-uwi ko ng bahay kanina, naalala ko ulit na nasa akin na pala ang plane tickets ko both international via Etihad Airways and connecting flight via PAL. Hehehe.. Ang sarap ng libreng ticket. Sarap amoy-amuyin. Hihihi… Naku at ngayong peak season eh napakamahal pa naman ng plane ticket. Buti na lang… sagot ng company. Eto nga oh sa sobrang excitement. Di naman masyadong excited, nagpapiktyur piktyur lang. Lols.s.s…





Nov 16, 2007 @ 03:57:45
Bakit kailangan pang piktyuran yang ticket na ang backround eh dibdib? gusto ko nang bumait ano ka baaaaaaaaaa! lol
Nov 16, 2007 @ 04:20:56
uuwi na lang, nanunukso pa hmppp! magtutuos tayo sa pinas humanda kaaaaaaaaaaaaaa!
Nov 16, 2007 @ 04:33:31
bakit kami walang tickets pero bayad na kame. di na daw kasi uso ang tickets ngayon, waaahhh. ang ginawa ng asawa ko mga milyong beses pina-xerox yung email na nagsasabing iyon ang aming tickets… uy sige, mag enjoy ka. ako din may listahan na ng menu na ipapaluto ko eh, hehe
Nov 16, 2007 @ 04:48:22
uyyy…maagang welcome home banana!!! have a safe travel and I hope, all is well with your tita.
Nov 16, 2007 @ 06:48:43
kung di ko pa nabasa yung comment ni az, di ko mapapansin na may ticket pala dun sa pict.. haaaays’ bakit mo ko pinapahirapan ng ganito…
Nov 16, 2007 @ 07:24:40
anniepie, am so excited for u. alam ko ang ganyang pakiramdam kasi tuwing pasko din ako dati kung umuwi.
nga pala…mas excited ako na malaman kung ano ang pasalubong mo sa akin. hmmn…
ingat sa biyahe ha?
p.s.
isusumpa kita pag di ka umorder ng polvoron sa akin pag uwi mo. uu. binabantaan na kita.
isa pang p.s. :
i lab you.
Nov 16, 2007 @ 09:07:20
di halatang excited… at di lang iisa ang piktyur! ahehe… dapat may countdown na ang blog mo. aheh..
Nov 16, 2007 @ 09:55:27
yay! welcome, welcome. ipasugat ta ka banda? haha. indi na kami b magpuli this december, EB pa ta tani. haha. anyway, safe trip annie!
Nov 16, 2007 @ 11:47:40
humaygad bananie pati ikaw uuwi na rin,.,.,.pwede bang isama mo ako kahit ilagay mo na lang ako sa balikbayan box??heheh
hapi trip sayo bananie balitaan mo na lang ako sa mga pagsabog na nagaganap dun ha..lols
ingat!uie! wag ka mag hiatus ha! sige ka!
xiao!
Nov 16, 2007 @ 12:25:08
Nangi-inggit naman kayo eh! waaaahhh! lolz. Uyy, enjoy your vacation
Nov 16, 2007 @ 15:18:41
sis bananie!!! pasalubong ko!!!!!
Nov 16, 2007 @ 18:23:00
meron talagang magic na dala ang pasko… biglang naaayos yung mga akala nating trahedya na… sana nga gumaling na ng tuluyan ang iyong tiya. at sana enjoy ang bakasyon ninyo
advanced merikrismasenahapinuyir sa lahat!
Nov 16, 2007 @ 19:17:35
ahem, merry christmas…
Nov 17, 2007 @ 01:38:54
annie pie ingat sa pag uiw… im sure nagbibilang ka na ng tulog hehehe… enjoy your vacation ganda
Nov 17, 2007 @ 08:45:36
Malapit na pala uwi mo. Ikain mo na lang ako ng mga inasal sa inyo! Sarap!!
Nov 18, 2007 @ 03:21:59
andami nyo yatang uuwi this Christmas! i smell an EB, LOL. ng mga tga WordPress.
have a safe trip…
Nov 18, 2007 @ 15:01:43
kainggit ka naman… ako rin sama…
Nov 18, 2007 @ 15:27:10
yey uuwi sya ngayong pasko!!! hapi nmn ako syo bananie!! sarap buhay nyan pag uwi mo! advance hapi trip syo! ingats sis! *hugs*
Nov 19, 2007 @ 03:00:38
oooist! HAPPY BIRTHDAY! pa-kiss! lols
Nov 19, 2007 @ 03:56:25
huwaaaaaaaw… aku 18 days na lang
may eb ba?
Nov 19, 2007 @ 09:35:53
Happy Bithday, Anniepie! More birthdays to come! Labyu!
Nov 19, 2007 @ 12:51:58
Naku welcome home in advance Banana. Welcome back to your homeland. Hope ok na Tita mo. Merry Xmas na din pala.
Nov 19, 2007 @ 13:06:01
HAPPY BIRTHDAY TO YOU… HAPPY BIRTHDAY TO YOU.. HAPPY BIRTHDAY… HAPPY BIRTHDAY… HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!!
HAPPY BIRTHDAY ANNIE!!! *BIGHUGS!*
Nov 19, 2007 @ 13:19:49
Ayun nga! Happy birthday na, merry christmas pa! hehehe… hindi ko na hiningi yung address mo kasi balak kong sumabay na lang kay panyerong Selvo pag-dalaw niya sa inyo. hehehehe
Nov 19, 2007 @ 13:43:45
Yoodee. Puli sya ba. Bag-o man lg ko nakapuli. Dala lagaw dayon a. Wala man guid may nag-bago sa Negros. Daw ang SM lg guro. Have a safe trip.
Nov 19, 2007 @ 15:56:23
kainggit k nman…s pinas k mgppasko…ako kya kelan?
Nov 19, 2007 @ 18:21:07
happy birthday to both of us annie. what a coindidence! also here in uae at magka-birthday pa tayo. nice
God bless you more!
Nov 19, 2007 @ 21:03:59
happy birthday anniepie…. blow!!! blow!!!
Nov 20, 2007 @ 01:08:24
Happy Birthday Ms. Banana! Hugzzz for you!
Nov 20, 2007 @ 03:55:26
Hindi mo madaling magtype habang tipsy.. tsk tsk.. Sorry po at pinainom nila ako.
Thank you po sa lahat na dumalo sa aking kaarawan at napakain ng hinanda kong iba’t ibang klaseng luto ng saging.. mapa nilagang saging, pritong saging, barbequeng saging, nilupak na saging (bisaya way po lol), hilaw na saging, puso ng saging, at puno ng saging. tsk tsk…
Robin thank you po!! Di naman ako medyo nagulat sa entry mo kase humingi ka ng maraming piktyurs sa akin at nalaman ko na ang iyong balak hehehe… I heart you!
Sa lahat ng Blogo-friends ko, sa WPP thank you ulit!
I HEART YOU ALL!!
**singhot**
Nov 20, 2007 @ 05:21:32
hapi bday sweetieee!
Nov 20, 2007 @ 05:43:42
wala ba party? pssst annie ako una mo partner sa sayawan pag meron ha! lambada tayo lols!
Nov 21, 2007 @ 11:36:19
Happy bday tita banana!!dal-i ko sang balas ha..pasalubong!!yipeee!!!grabe naman…..yung tiket…ang ganda ng background…….matingkad…..ahahhaa…kulay blue…lol..
Nov 21, 2007 @ 11:41:03
ey tita banana…you know “demegillio’s” sa barotac nuevo?